© xiarls
All rights reserved
**
I'm up earlier than usual. Nasa CITE office na ako para ipasa yung assignment k okay Dean. Hiniram ko ang laptop ni Rhea kahapon. Ang bait talaga nila! Tinulungan din nila ako sa codes para matapos agad kahapon. Buti pa ang ibang boys na classmates naming tinulungan ako. Halos lahat ata sila maliban sa kumag na 'yon.
Pagdating ni Dean, ipinakita ko na agad ang ginawa ko. Seriously, tinapos nila yung codes pero tinype ko ulit para naman alam ko kung saan nakaconnect yun sa database. Baka mahalata pa na hindi ako ang gumawa, bumaba pa grades ko.
Nang makalabas ako sa office, pumunta ako sa canteen. Kumain at nag-aral. Abala ako sa pagbabasa nang tinabihan ako ng criminology student. Kumunot-noo naman ako sa ginawa niya. Alam ko lang na sikat ito sa campus dahil sa itsura niya.
"Hi, I'm Louis." Nilahad niya ang kamay niya pero hindi ko naman tinanggap 'yon. Tinaasan ko siya ng kilay at aalis n asana pero pinigilan niya ako.
"Problema mo?" naiirita kong tanong. Wala ba 'tong makausap sa dept. nila at ako ang kinausap?
Ngumiti siya. "You don't know me, but I know you. Kilala ka sa campus dahil sa mabait at matapang ka." Pinagsasabi nito? "Pwede ba kitang ligawan?" pahabol niya. Again, I raised my brows. Ang hangin naman ng mga crim students sa school na 'to. Tsk, gwapo sana.
"Wala bang straight girls sa dept. niyo?" Tanong ko naman. Eh sa totoo naming puro mga tibo sa CCJ (College of Criminal Justice).
Ngumisi siya. "Yes, wala." Sagot niya. Magsasalita pa sana ako nang may umakbay sa akin. Napatingin naman ako sa kanya.
"No, hindi mo siya pwedeng ligawan." Sino pa nga ba? "So, if you may excuse us."
Siniko ko siya. "Ano na naman ba? Lagi mo na lang ako ginugulo!" Sigaw ko. Hindi niya pa rin inaalis ang braso niya sa balikat ko. Naglalakad or kinakaladkad niya ako papuntang ML building. Halos lahat ng estudyante nakatingin sa amin. Nakasalubong rin namin ang ibang teachers sa college namin. Nakakahiya!
Pagdating sa room, "Woah!" Sigawan ng lahat. Hindi pinansin ni kumag ang mga tao sa room. Hanggang sa maupo ako sa pwesto ko ay hindi niya pa rin ako binibitawan. Masyado ata 'tong mokong na 'to sa pantitrip sa akin! Araw-araw ba naman nakabuntot!
"Abby, ditto muna ako." Sabi niya kay Abby. Ngumiti naman sila nina Rhea at Leanna, pati ang iba. Nagkantyawan naman ang ibang boys!
"Sige lang, Vien. Support ako sa 'yo." Nag thumbs-up pa si Abby. Tiningnan ko siya.
"Ang gwapo ko 'no? Pati mga best friends mo pinagtulakan ka na sa akin." Ngumiti pa siya ng nakakaloko. Sinamaan ko siya ng tingin at ngumiti rin sa kanya.
"Kapal mo ha!" sigaw ko at sinampal siya ng pabiro. Pero napalakas ata. Sumeryoso siya ng tingin at nilapit ang mukha sa akin. Napaiwas naman ako. Nakakailang kasi. Pero bigla siyang bumulong na naging dahilan para maramdaman kong namumula ang mukha ko.
"Even if you don't care about my existence, you can't get away from me. I'll be with you every day." Sabay kiss sa pisngi ko. Nanlaki naman ang mga mata ko. Humagikhik naman ang mga tao sa likod naming.
"Uyy!" kiniliti pa ako ni Hazel. Sinamaan ko siya ng tingin... tinging naiinis kasi sila nakikilig sa mga kilos ni Vien.
Speaking of him – "Bakit ka pumasok? Di ba suspended ka?" Sigaw ko pero hindi na siya sumagot. Pumasok kasi si Ma'am para sabihing walang klase kasi may emergency meeting daw ang mga teachers sa CAS dept.
Bumaba na lang kami. Wala na rin namang gagawin. At isa pa, naiinis pa rin ako. Si Vien kasi bunto ng buntot pati akbay ng akbay.
Nasa gitna kami ng students park.
"Rena! Tawag ka ni Coach!" sigaw ng teammate ko sa badminton. Ngumiti naman ako at kinuha ang braso niyang nakaakbay. Lumapit naman ako kay Kim.
"Tara na!" Sabay higit k okay Kimberly at nagpuntang gym. Aakyat na naman.
Nag-uusap lang kami habang naglalakad. Nakasunod pa rin si Vien. Nilingon ko siya. Nakakunot-noo siya habang nagtetext. Mas pinabilisan ko pa si Kim pero hirap na hirap siya sa paglalakad dahil sa heels niyang sapatos.
"Long time, no see, Chong!" sigaw ni Coach at tinapik niya ako sa balikat.
"Same to you, Coach," ngiti ko naman sa kanya. "Pinatawag niyo po ako?" giniya niya akong umupo sa gilid ng court. May ibang estudyanteng naglalaro.
"Sali ka ba ulit sa try-out? May laro mag university day. Baka pwede ka?"
Omo! I love playing badminton since elementary. At isa ako sa varsity ng school from elemtary, high school, at first year college. Passion ko rin ang tumakbo, kumanta, sumayaw, at mag-aral pero sa ibang mga bagay, masyado akong tamad.
Napaisip naman ako sa sinabi ni Coach. Kailangan kong ihanda ang sarili ko para dito. "Pag-iisipan ko po." Maloko kong sagot. Ngumiti naman siya Coach at humarap ulit sa mga naglalaro.
Tumabi naman sa akin si Kim. "Dhay, ano? Maglalaro k aba ulit? It's been 9 months since you played with us." Sabi niya. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin at napako iyon sa kabilang bench sa court kung saan nakaupo si Vien. Kasama niya ang ibang classmates naming. Nakatingin lang siya sa akin.
"Hoy! May problema ba?" Siko sa 'kin ni Kim.
"Wala," yumuko ako. Tumingin ako sa gawi ni Coach pero wala na siya sa tabi ko. Tumayo ako at pumunta sa office. Nandoon si Coach, may kausap na ibang estudyante. Pinatapos ko na lang muna silang mag-usap bago ako lumapit.
"Coach, tinatanggap ko na ang alok mo. Maglalaro nap o ako." Ngumiti naman siya t tinapik ako. Baka ito na nga ang dahilan para makabalik sa varsity.
"Good choice! Sige, sa Monday na ang try-out. Ipapa-excuse kita sa mga klase mo." Nice!
Umalis na ako sa gym at dumiretso sa mall sa harap lang ng school. Gusto ko lang kumain ng junk foods dahil sa masayang araw na 'to kahit may lokong sunod-sunuran sa akin. De bali na, basta wag niya lang ako guluhin sa mga desisyon ko sa buhay.
After the accident 9 months ago, hindi na ako nakapaglaro ulit ng badminton dahil sa seryosong fracture sa tuhod ko. Matagal ko nang gustong kalimutan ang mga nangyari pero nitong mga nakaraan, gabi-gabi kong napapanaginipan. Madalas iniisip ko, kung swerte o malas ba ang magsabit ng dream catcher sa ulunan ng kama ko. Kung swerte man, hindi ko naman nararanasang managinip ng maganda. Kung malas man, ang nangyaring aksidente na nakapagpabago ng buhay ko ang lagging lumalabas sa panaginip ko.
Gustuhin ko mang kalimutan, bumabalik pa rin ang masamang nakaraan. Paano ko 'to makakalimutan? Paano ko 'to iiwasan?
Paano kung sa nakaraan na 'yon, may isang taong naging dahilan?
...to be continued