webnovel

Getting loose

Nais ng makaalis ni Kai sa kamay ng katabi niya ngayon kasi nag-alala na siya na baka malate siya sa pasok nila sa Animal Physiology. Maaga pa naman ang schedule niya sa subject na iyon. "Don't leave meeeeeee," biglang sabi ni Yuya.

Tsk Tsk. Mukha pa atang nanaginip pa ang kumag na ito ah. Sa isip-isip ng dalaga. "Uhm, Miss? Kailan lang po kayo naging magkasintahan nitong ni Sir Yuya?" Tanong nung lalaking kasing edad lang niya at may hawak ng pinakamalaking camera. "Ikaw ba yung tinutukoy ng kapatid niya? Kailan ba ang kasal ninyo?" Sunod-sunod na tanong ng mga ito sa kanya.

Hindi na makapagsalita pa ang dalaga. Mukha atang hindi gumana ang ability to speak niya sa mga panahong ito. Desperada ng umalis si Kai. Kahit anong galaw niya ay hindi pa rin naman siya makakaalis kaya naman ay pinitik niya sa noo si Yuya ng pagkalakas-lakas. Nagising din naman ito kaagad.

"ITAI!" (OUCH!)

Buong nasambit ng binata habang hinimas-himas ang masakit na bahagi ng kanyang noo. "Huh? Anong "ITAY?! Nanaginip kaba sa Papa mo? Hoy KUMAG! Bitawan mo na nga iyang kamay ko at malalate na ako sa KLASE!" Buong bulyaw ni Kai sa katabi nito ng naiinis na parang lahat ng dugo niya ay pumaibabaw papuntang ulo. Nagtataka man sa tinuring ng dalaga ay agad namang binitawan ng binata ang hawak na kamay nito.

"LQ?"

"Ang sweet-sweet kaya nilang tingnan kanina tapos nag-aaway na sila ngayon?" Ito ang mga biglang saabi-sabi sa paligid.

Ng makawala na ang dalaga ay agad din itong tumayo, dinampot ang kanyang aklat tapos biglang tumayo. Dali-dali na rin itong tumakbo pero bago paman siya makalayo ay bigla itong huminto at binalingan ang mga grupo ng paparazzi sabay sabing, "For you info, he's not my boyfriend at hindi ko siya kaano-ano. PERIOD." Pagkasabi niya nito ay tuluyan ng tumakbo ang dalaga.

❤All rights reserved 2019@FayeLee P. Nash❤