webnovel

Beside Him ❤

"Ang cute lang naman nilang tingnan eh, iyan ba yung tinutukoy ni Sir Shunya na may ipakilala raw ang kapatid niya sa public? Siya na ba ang girlfriend ni Sir Yuya?" Tanong nung mapang-usisang babae sa mga taong malapit sa kanya.

Samantala, walang kamuwang-muwang sina Kai at Yuya na napapaligiran na pala sila ng mga tao at halos lahat sa mga ito ay paparazzi students. Mahimbing masyado ang pagkatulog ni Yuya, pansin pang may pangiti-ngiti pa itong pinapakita habang nakapikit ang mga mata. Si Kai naman ay biglang gumalaw.

"Bakit may something matigas sa kabilang gilid ko? Akala ko ba nakasandal ako sa kahoy. Eh ano to'? Biglang tanong ng dalaga sa kanyang isipan nung gumalaw siya. Gusto niyang malaman kung may kahoy nga sa kabilang side niya kaya kahit pikit pa ang kanyang mga mata ay iginalaw niya konti ang kanyang ulo.

"ARAY! May kahoy nga pala talaga. Pero bakit parang may poste naman dito sa kabila ko?" Dagdag pa niyang tanong sa kanyang sarili. Naisipan niyang umusad kaya lang biglang may humawak sa kanya.

O.O

"Kyaaaaaaaaahhh!!" May biglang tumili sa harapan ng dalawang natutulog bigla rin naman itong tinakpan ng kasama niya. "AAAAAAAAAAAHHHHHHH," bigla ring sigaw ni Kai ng marinig ang tili ng isang babae. Saktong pagdilat sa mga mata ng dalaga ay nagfaflash ulit ang mga camera.

*CLICK *CLICK *CLICK

O.O ---- > si Kai

^_^ ---- > yung mga nasa harap niyang paparazzi.

Gulat na gulat ang dalaga sa mga taong nasa harap niya ngayon. Hindi kasi siya sanay na tinitingnan siya o yung nakakaagaw siya ng atensyon. Mas lalo pa siyang nagulat ng makita kung sino ang katabi niya sa pagtulog. Si Yuya lang naman yung katabi niya na hanggang ngayon ay mahimbing pa ring natutulog kahit na kanina ay bigla siyang napasigaw.

Napansin ng dalaga ang nakahawak na kamay ng binata sa kanya. Gusto niya sanang ipakawala yung kamay niya pero mas lalong naghuhumigpit yung hawak ni Yuya. Bigla rin itong sumandal sa balikat ng dalaga kaya naman ay mas lalong nagkakagulo yung kumukuha ng pictures nila ngayon.

❤❤❤All rights reserved 2019@Faye Lee P. Nash❤❤❤

Next chapter