webnovel

Ang matangkad na si YUYA ❤

Huminahon na si Kai. Wala na ang pangamba na kanyang nadarama kanina. Binaba na rin niya yung nakaangat pang aklat na sana ay ipanghahampas niya kung sakali sa lalaking kaharap niya ngayon. Tumalikod na ang dalaga at nagsimulang maglakad sa main road papuntang pavilion. Wala na siyang paki kung ano man ang pinaggagawa ng lalaki basta ang mahalaga ay hindi ito magnanakaw at sigurado siya nun.

"Kondo wa nani?" ( "Now what?" ) Tanong sa kanya nito habang nagsimula na siyang maglakad. Hindi sa snob or something kaya hindi niya pinansin ang lalaki kundi dahil hindi maintindihan ni Kai ang mga pinagsasabi nito kanina pa.

Nakarating na siya. Pumasok na sa loob ang dalaga. Simula ng makita niya ang lugar na ito nung first day pa niya sa university ay dito na siya palaging tumatambay lalo na pag gabi. Maganda at presko kasing tingnan ang paligad. Sariwa at nakakaakit tingnan ang mga klase-klaseng bulaklak na dito'y nakapalibot. Pati na rin mismo sa bubong at gilid nito ay may umaakyat na mga flower vines. Payapa rin ang ambiance kaya saktong lugar upang dito siya magbasa at matulog minsan.

Hindi napansin ni Kai na sumunod pala sa kanya ang lalaki kanina. Kaya ng makita niya ito sa kabilang bahagi sa loob ng pavilion na nakaupo na ay laking gulat na niya. Gustong magsalita ng dalaga pero ayaw niyang magmukha siyang katawa-tawa dahil hindi naman siya maiintindihan nito. Tumingin sa kanya ang lalaki ng may pagtataka rin. Siguro ay dahil kung bakit pa siya gising at naririto sa lugar na ito.

Nagsimula ng magbasa si Kai ng tahimik sa kanyang dalang libro. Pansin niya sa peripheral view na hindi mapakali yung lalaki. Maya-maya lang din ay lumapit at tumabi to sa kanya. "Hindi mo ako tatanungin or kausapin man lang kung bakit ako nandito at kung bakit nakaschool uniform pako at may dala-dala pang backpack?" Tuloy-tuloy na sabi nung lalaki sa kanya.

"SHIT."

Napamura si Kai ng marinig iyon mula sa kaharap niya ngayon. Tinaasan naman siya ng kilay ng lalaki. "Marunong ka palang magtagalog eh di sana kanina ka pa nagsasalita eh puro naman lenggwaheng alien yung pinagsasabi mo kanina!" Bulyaw niya rito habang pinandidilatan ng singkit niyang mga mata.

"Alam mo ang cute mo kapag gumanyan ka." Sabi ng lalaki sa kanya habang kinirot yung ilong niya. "HEP!HEP!HEP! Huwag ka ngang masyadong dumidikit sa akin. Tapos ang touchy mo masyado ah." Tinampalan niya ito ng kamay para umusad at hindi na makalapit sa kanya.

"I'm Yuya by the way," sabas labas ng kamay ng binata nung makausad na siya ng konti. "Kailyn nga pala and just call me "Kai." Sagot ng dalaga habang binalik ang atensyon sa pagbabasa. "Uhmmm, hindi ka ba naakit sa akin? O nagwagwapuhan man lang?" Kamuntik ng mabulunan si Kai ng marinig ang mga kataga na iyon mula kay Yuya. "Alam mo, mas okay pa yung manners mo kanina. Yung mukha kang naiirita nung pinaghahampas kita ng aklat," pahayag ng dalaga sa kanya.

Bigla namang tumahimik ang lalaki tapos nagpout. Bumalik na rin ulit ito sa kabilang sulok kung saan siya nanggaling kanina. Si Kai naman ay pinagpatuloy niya ang pagbabasa habang papikit-pikit na rin ang kanyang mga mata dahil sa antok.

Maya-maya lang ay nakatulog na ang dalaga habang si Yuya ay gising pa rin sa kabila. Napansin ng binata na medyo hindi ayon ang posisyon ni Kai sa pagtulog kaya pinuntahan niya ito at isinaayos. Tiniklop niya ang aklat nitong binasa at ipinasintabi. Iginilid niya ang dalaga kung saan makakasandal ito ng husto. Naisipan niyang ibaba ang hood nito. At doon nakita ni Yuya ang maaliwalas na pagmumukha ng dalaga. Napakaamo nitong tingnan na para bang isang angel mula sa langit. Litaw ang kulay pulang buhok ng dalaga dahil na rin sa may kaputian ang balat nito. Tiningnan ng maigi ng binata si Kai. May mga mapanlarong pag-iisip naman ang biglang gumuhit sa isip ni Yuya pero itinakwil niya ang mga ito. Tumabi nalang muna siya sa dalaga para hindi ito matumba kung sakaling gumalaw ito ng konti. He feels her warmth. Para bang kay gaan-gaan ng loob niya sa babaeng ito. And then he fell asleep.

KINABUKASAN..

*CLICK

*CLICK

*CLICK *CLICK *CLICK

"Shhhh..huwag ngakayong maingay. Baka magising sila." Sabi ng isang lalaki habang may hawak na camera sa kanyang mgakamay.

❤ll rights reserved@Faye Lee P. Nash❤2019❤

Next chapter