webnovel

Ang Anino Malapit sa Pavilion

Simula nung lumipat ng university si Kai at simula nung makaroom-mate niya yung mga maiingay na babae ay wala na siya masyadong sapat na tulog. Palagi nalang kasi niyang makikita ang mga ito na nagtitiliian tapos parang may pinanood na mga nakakatwang video kahit maghahatinggabi na katulad na lamang ng nangyari kalian lang.

Lumabas siya sa kwarto nila na may pagkairita kaya naman malakas niya itong sinara. Hawak-hawak niya ngayon ay ang kabibili palang niyang aklat sa National Bookstore kahapon. Tinungo ng dalaga ngayon ang secret pavilion ng kanilang paaralan.

Kahit na malamig na ang ihip ng hangin at malalim na rin ang gabi ay wala ng pake si Kai. Nakahoody jacket naman siya at may ilaw din naman ang pavilion kaya okay lang sa kanya kaysa naman na hindi siya mapayapa sa loob ng kanilang kwarto.

Maya-maya lang ng malapit na ang dalaga sa pavilion ay may bigla siyang nakitang anino na patakbo papunta sa paroroonan niya. Nakaramdam naman siya ng takot. Sa isip niya ay baka magnanakaw ito na nakapasok sa kanilang paaralan. Kung babalik naman siya sa kanyang pinanggalingan ay baka makakita pa siya ng mga grupo ng mga magnanakaw kaya naman ay naisip niyang ipagpatuloy na lamang ang paglalakad papunta sa pavilion.

"Isa lang naman yung nakita niyang anino kaya ay iisa lang din siguro itong tao."Napaisip ang dalaga.

Pinatay na ni Kai ang ilaw ng kanyang dalang flashlight at inihanda ang makapal na aklat na kanyang dala. Kung magnanakaw nga ito ay dapat niyang protektahan ang kanilang paaralan.

Imbis na sa main road siya dumaan ay lumibot ang dalaga papunta sa likurang bahagi. Sakto naman dahil nakakita nga siya doon sa likurang bahagi ng taong nakaumpo na para bang ito'y may pinagtataguan nga naman. Walang alinlangang pinaghahampas agad ito ni Kai ng dala niyang aklat.

"Nani shiteru no?!" ( "What are you doing?!" ) May pagkairitadong sabi nung taong pinaghahampas niya nang aklat. Nabigla naman ang dalaga sa tinuran ng inakala niyang magnanakaw. Tinigil na rin niya ang paghahampas kasi bigla itong tumayo. At sa pagtayo nito nakita niya ang kanilang malaking agwat sa height. Kung titingnan kasi ay halos nasa kili-kili lang ng lalaki si Kai.

Inobserbahan ng dalaga ang estranghero. Makikita na niya ang ibang features nito sa mukha kasi natatamaan na ito ng liwanag mula sa ilaw na nagmumula sa pavilion. Pansin ni Kai na may dala-dala itong backpack tapos nakauniform ito. Dun pa lang nakita ng dalaga na uniform pala ito ng school nila.

Hindi nga pala siya magnanakaw. Pero bakit nakauniform pa siya at nandito sa labas? Tanong ng dalaga sa kanyang sarili.

All rights reserved@2019

All rights reservedFayeLeePNash2019

Salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta sa first ever fan-fiction story na gawa ko. Sana ay nandyan pa rin kayo hanggang sa huli. ❤❤❤

❤Faye Lee P. Nash❤

Next chapter