2 Your name is..

Golden Trio

Hera: Saan na kayo?

Elora: Papuntang school

Talia: Super traffic

Hera: Okay see u guys sa McDo. Andito na ako.

Talia: Stay Gold!

I turned off my phone at tinago ko na sa bag ko. Argh kainis! Ang tagal nila lagi, malalate na kami like 20 mins na lang. Kinain ko na lang yung hashbrown at ininom ko na yung iced coffee ko. Parang hindi naman kami malelate kasi nasa harap lang naman ng Mcdo yung gate ng school namin.

I can't believe na grade 10 na ako. Feel ko naman baby girl pa rin ako. First day naman so I hope maayos.

"Uy Hera!" Napalingon ako at nakita ko si Elora at Talia, buti naman at nakarating na sila.

"Kakain pa ba kayo? 10 mins na lang eh." Tanong ko. Jusko naman kasi hindi pa kumain sa bahay ng breakfast, buti na lang at nagorder na ako para sa kanila.

"Yup! Mabilis lang naman kami kumain." Umupo na sina Elora at Talia at nagsimula na kumain.

Silang dalawa talaga yung magbestfriends sa aming tatlo. Yung tipong pag by pair, sila na kagad yung magpartner. Pakiramdam ko nga, napilitan lang sila isama ako simula grade 7 kami.

Sana naman may maging kaibigan ako na ganun rin.

"Hoy Hera! Anong iniisip mo? Kinakabahan ka bang malalate tayo?"

"Huh? Hindi naman." Tinignan ko yung relo ko. Fuck 6 mins na lang.

"Kung malate tayo edi malate." Ibang klase rin talaga 'tong si Talia eh. Siya yung taong tipong hindi takot sa conduct.

Hindi takot madungisan yung report card. Well, Money speaks.

"Kaya ka C+ last year eh, muntik pa maging C-" Natatawang sabi ni Elora. She's the opposite of Talia. Elora is simple and quiet while Talia tends to be loud sometimes. Parehas naman silang matalino and masipag. They have to for their future and dreams.

"Tara na!" Talia shouted. Kinuha ko na kagad ang bag ko at tumakbo na kami palabas at papuntang gate.

"Ate, pakilagay ID niyo rito." Bumungad sa amin ang isang guard na may hawak na box.

Shet, ibig sabihin late na kami. First na first day.

Nagulat ako dahil biglang hinawakan ni Talia ang bag namin ni Elora. We both looked at her and the next thing we knew the three of us we're running away from the guard.

"Ohmygod Talia." Hinihingal kong sabi. Hindi ako makapaniwalang tumakbo kami paakyat sa 5th floor. First time kong tumakas sa guard!

"Makikilala ba tayo nung guard?" Tanong ni Elora. Kabadong kabado kaming dalawa eh, Itong si Talia kasi sanay na sanay na.

"Hindi, mukhang bago pa lang eh." Kampanteng sagot ni Talia. Natahimik at nagpahinga kami ng onti sa tabi ng hagdanan.

"Ay potek, Late na nga tayo, nakuha pa natin magpahinga."

"Anong section mo, Hera? Magkaklase kami ni Elora." As always. Tinignan ko ang card ko doon kasi nilalagay yung mga sections.

"Section 1 ako..." Putangina.

Bakit?! Ayoko rito! Nasa mixed section ako.

"Hala! May mga lalaki ka ng kaklase." Gulat na sabi Elora.

"Hatid ka na namin sa room mo, Hera." Naglakad na kami papunta sa room ko. Sobrang kabado ako kasi first time ko magkakaroon ng kaklaseng lalaki. Ang school kasi namin Co Institutional kapag Elementary and JHS. Kapag SHS naman na magiging Co Ed na.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng pinto ng room ko. Fuck eto na.

"Galingan mo sa paglandi ha." Pang-aasar sa akin ni Talia. Napailing na lang ako at kumatok na sa pintuan.

Pumasok na ako at lahat ng tao nagsitinginan na sa akin.

"Good Morning. Sorry, I'm late." Nakakahiya naman 'to. Dapat hindi na ako naghintay eh, kaninang 6:10 pa ako nasa Mcdo.

"Take your seat beside Lopez." Sabi noong teacher namin, siguro ito yung adviser namin? Pero take sino si Lopez?

Nagtatakang ako lumapit at umupo sa isang bakanteng upuan baka dito, ito na lang kasi yung natitirang upuan.

Lumingon ako sa katabi ko. Pogi. Siya ang first ever kong seatmate na lalaki. Sana naman mabait..

"Okay! Kumpleto na tayo diba? So, My name is Ms. Reneé Ann Santos." Masiglang sabi ni Ma'am at tuloy tuloy na siyang nagsalita.

Andami na niyang sinabi, nakwento na niya ata talambuhay niya. May aso nga raw siya ang pangalan daw snow kasi kulay white na pomeranian.

Ang dami niyang ginawang kaechusan pinagsulat kami sa index card ng tungkol sa amin at mayroon pa na isusulat kung anong ineexpect namin this school year. Siguro magmoving up at magprom?

Tuloy pa rin si Ms. Santos sa pagkkwento habang nagsusulat kami, medyo tahimik naman mga kaklase ko, yung iba pabulong magkwentuhan para hindi mahuli.

"Introduce yourself na, Let's start with Ms. Rodriguez since late siya." Bigla bigla niyang sinabi. Wtf. Ang galing niya rin sumegway! Nagsusulat at nakikinig lang ako sa mga kwento niya tapos biglang ganun. Bakit ba kailangan pa ng ganito?

Hindi ako mapakali, hindi naman ako na informed na may ganito! Surprise! Tumayo na ako at nagsalita.

"My name is Zaphera Lanori T. Rodriguez. I'm 15 years old." Umupo kagad ako at nagtago ng mukha.

Tuloy pa rin pagintroduce yourself pero hindi na ako nakinig at hinihintay ko na lang kung kailan magpapakilala yung katabi ko.

Nagsusulat sulat lang ako ng kung ano ano sa last page ng notebook kakahintay.

Ang tagal naman niya magpakilala...

After ilang minutes, Siya na ang sunod!

"My name is —" Biglang nagbell at tumayo na si Ms. Santos.

Panira naman yang bell na yan.

"Okay class! Recess niyo na, bukas na lang natin itutuloy. At paalala lang pala, Kung sino seatmate niyo, ayan na ang permanent seat hanggang magtapos ang school year." Sabi niya at nagayos na ng gamit.

So siya makakatabi ko sa buong year? Ang swerte ko naman. Ba't hindi ko na lang tanungin pangalan niya?

Joke! Ayokong magfirst move, nakakahiya.. Hihintayin ko na lang talaga bukas. Baka mahanap ko naman siya sa FB? Add ko na kagad mamaya paguwi, bawal kasi talaga magdala ng cellphone, sadyang makulit lang parents ko at pinagdadala ako.

Tumayo na ako at akmang maglalakad paalis nang bigla siyang magsalita.

avataravatar
Next chapter