3 Little Note

"Sira palda mo." Agad akong napatingin sa palda ko.

"Hala!" Fuck, Oo nga! Baka dahil sa pagtakbo ko paakyat!

Agad akong napaupo ulit, tangina nakakahiya. Buti na lang nagsilabasan na mga iba kong kaklase.

"Aish." Tumigil siya sa pagkain ng baon niya at ibinalik niya ito sa kanyang bag.

"Teka lang, babalik ako." Takang taka akong napatingin sa kanya habang palabas siya ng room. Anong gagawin niya?

Minabuti ko na lang kumain ng mga dala kong snacks pero naiilang ako, may nakatingin sa aking kaklase kong babae.

Ngumiti sa akin ang babae nang lumingon ako, ningitian ko naman pabalik. Lumapit na siya bigla sa akin.

"Hi! Sira palda mo? May pardible ako rito." Inabot niya sa akin ang isang idk kung ano 'to.

"What's that?" Takang tanong ko. Ano ba kasi yan?

"Pardible? Anak mayaman ka talaga haha! Gusto mo ikabit ko sayo?" Hindi pa ako nakakasagot, kinuha na niya kagad yung 'pardible' sa kamay ko.

"Tayo ka." Sabi niya. I stood up and bigla na lang niya hinawakan palda ko. May ginagawa siya sa palda ko, kinakabit niya ata together?

"Ayan tapos na!" Tinignan ko ang palda ko, medyo nasurprised ako. First time ko kasi masiraan ng palda in my life.. Baka sira na yung nabili ni Ate Linda.

"Salamat! Anong pangalan mo?" Tanong ko. Ang bait naman niya.

"Uhm, Ako si Sienna..."

"Ang ganda naman ng pangalan mo. Ako si Zaphera, pwede mo kong tawaging Hera." Ngiti ko sa kanya.

"Okay lang talaga sayo tawagin kitang Hera? Hindi ba nakakahiya kasi ang ganda mo, ang kinis mo tapos isang Rodri—" I quickly cut her off. Ohmy kaya ba hindi ako masyadong kinakausap ng mga tao through this oast few years?

"Ano ka ba, Okay lang sa akin. Kahit maging magkaibigan pa tayo eh." Sana pumayag.

"Syempre naman! Simula ngayon friends na tayo ha?" Ngiti niyang sabi. Ohmygoshness ny first ever friend!

"Sama ka sa akin sa lunch mamaya! Pakilala kita kay Elora at Talia. Huwag kang mag-alala, mababait sila." Niyakap ko na siya para maramdaman niya na mabait naman ako. Pero parang ang weird ko pala. Nakakahiya.

"Sorry! Baka nailang ka!"

"Okay lang.. Sige sasama ako mamaya.. Balik na ako ha kakain lang ako.." Bumalik na siya sa upuan niya at nagsimula nang kumain.

Umupo na rin ako at tinuloy ang pagkain ko. Pardible? Bibili nga ako nun ng madami para kapag may nangailangan pwede kong ibigay.. Ang saya ko ngayon, may kaibigan na ako.

Bumukas ang pinto sa likod kung saan dumadaan ang mga estudyante.

Bumungad sa akin ang seatmate ko at papalapit na sa akin, may hawak siyang palda.

"Suotin mo yan." Nasa harap ko na siya at inabot niya sa akin ang palda.

"Saan galing 'to?" Baka naman madumi 'to

"Sa maintenance galing." Sagot niya.

Doon? Marumi 'to, marami na siguro ang gumamit nito.

"Ahh , salamat pero ayos na kasi ang palda ko." Tumayo ako upang mapakita sa kanya.

"Pardible? Hindi yan uubra baka mahubaran ka pa mamaya lalo na ang liit lang ng pardible mo."

"Ah eh kasi.."

"Sige na, suotin mo na lang 'to, ako na bahala sa palda mo. Teka lang, babalik ulit ako." Umalis ulit siya. Saan na naman siya pupunta? Ang hilig naman nito magadventure.

"Boyfriend mo yun?" Nagulat ako bigla sa nagsalita. Lumingon ako at si Sienna pala , kanina pa ata niya kami pinapanood nung seatmate ko kanina.

"Huh? Hindi! Hindi ko nga alam pangalan nun eh." Alam mo ba, Sienna? Pabulong naman haha joke. Natawa na lang ako sa naisip ko. Hinawakan ko ang binigay na palda sa akin. Sa restroom na ako magpapalit.

"Magpapalit ka?" Tanong ni Sienna

"Oo." Sagot ko at naglakad na ako palabas.

"Samahan kita!" Hinabol ako niya ako.

"Ah sige.." Sabay na kami naglakad papuntang restroom, pumasok na kami at mabuti na lang walang tao.

Pumasok na ako sa unang cubicle, lagi kong ginagamit ang uang cubicle kasi mostly ang mga tao nagsskip sa dito dahil iniisip nila na rito madalas nagamit yung tao when in fact, it's completely the opposite.

"Hintayin kita."

"Sige! Salamat." Hinubad ko na ang palda ko at pinalitan at sinuot ko na ang binigay ng seatmate ko.

I deeply breathe. Pabayaan mo na nga kung madumi, Nageffort na nga yung tao kuhaan ako eh. I'll just thank him later when he gets back.

Binuksan ko na ang pinto at nakita kong nagpupulbo si Sienna. May nilalagay siya sa lips at cheeks niya.

"What's that?" Turo ko sa mukha niya.

"Liptint, Hindi ka ba gumagamit ng ganito? Ang pinkish ng labi at pisngi mo eh."

"No, I just use lipbalms and I do skincares." I should try using that.

"Tara na! Mukhang magbebell na." Hinatak na niya ko at bumalik na kami sa classroom.

Nakita kong nakabalik na yung seatmate ko. Umupo na ako sa tabi niya.

"Kanina pa kita hinihintay, akin na yung palda mo." Binigay ko kagad ang palda ko, mukhang galit eh.

Bigla siyang may kinuha sa isang paper bag. Tinignan ko kung ano ang kinuha niya. Sewing Kit??

"Ano yan? Para saan?" Takang tanong ko.

"Tatahiin ko yung palda mo para masuot mo na ulit. Alam kong hindi ka komportable dyan sa binigay ko." Sabi niya habang nilalabas niya ang mga gagamitin niya. Marunong siya magtahi? Wow.

"Salamat pero baka dumating na yung susunod na teacher." Nahihiyang sabi ko. Nakakahiya naman kasi! Hindi ko pa nga alam pangalan niya pero ito siya kinuhaan ako ng palda sa baba tapos ngayon tatahiin na niya yung palda ko.

"Walang dadating." Nagsimula na siya magtahi ng palda ko. Pinanood ko na lang siya.

Major Turn On.. Baka pwede ko na siya maging crush, kung ganun siya pinakauna kong crush. Hindi ako masyadong malapit sa mga lalaki, kapamilya ko nga lang ang madalas kong kinakausap.

"Huwag mo kong panoorin."

"Ah eh sorry!" Agad akong humarap sa harap ko. Nakakahiya, pang-ilang beses ko na ba nasabi yan?

"Matulog ka na lang habang ginagawa ko 'to." I nodded at him. I rested my head above my arms. Hindi ko alam pero kusa na lang ako napapasunod sa lalaking 'to. Hindi naman ako inaantok pero ipipikit ko na lang mata ko hanggang sa matapos na siya.

Nagising ako dahil may biglang tumapik sa akin. Panira ng tulog.

Inangat ko ang ulo ko at kinusot kusot ko ang mga mata ko 'cause may vision is kinda blurry.

Nakatingin na sa akin ang seatmate ko nang lumingon ako.

"Lunch na, hindi na kita ginising kanina kaso may mga naghahanap sayo, sinabi kong mamaya ka na lang ulit puntahan."

"Okay.."

"Maayos na ang palda mo, magpalit ka na ulit." Binigay niya sa akin ang palda ko.

"Salamat!" Nilibot ko ang aking mga mata, kaming dalawa na lang pala ang natira, mukhang pumunta na ang mga kaklase ko sa canteen. "Nakita mo si Sienna?"

"Oo, Nasa CR." Tumango lang siya at umalis na rin. Ako na lang pala mag-isa.

Napapagpasya kong mag-ayos. I put some lipbalm on my lips and I brushed my hair. Ako lang naman ang tao rito, magpapalit na lang ako ng palda rito. Mabilisan akong nagpalit, nakakakaba at baka may biglang pumasok.

Minutes passed by at dumating na si Sienna.

"Hi! Nag CR ako, hinahanap ka kanina nina Elora at Talia."

"Hala, Sana ginising mo ako para nakapaglunch na tayo. Sorry sa paghihintay." Nakakahiya naman!

"Sabi kasi ng seatmate huwag kang gisingin eh, mukhang galit kaya 'di na rin kita ginising." She shrugged.

We went down and meet my friends. Pinakilala ko na si Sienna sa kanila, they seem cool about it. The four of us ate lunch. I was happy.

Dismissal na at sinundo na ako ng driver namin.

Umakyat ako kagad sa kwarto ko pagkauwi ko. I removed my uniform and nakasando at shorts na lang ako. Maghahalf bath kasi ako mamaya but I'll rest para hindi ako mapasma.

My mother called me and asked how my day went. Both of my parents are doctors. My mom is OBGYN while my dad is a Cardiologist. Minsan lang sila sa mansyon, but I don't feel lonely here. Anong karapatan ko maging malungkot? Binibigay na lahat sa akin. I'll just be thankful.

I always love doctors not because my parents are but I can see their hardships. Gusto ko rin maging katulad nila kaso takot ako sa dugo.

The next day, I went to school early, hindi na ako naghintay at buti na lang hindi ako nakilala nung tinakasan namin kahapon.

I didn't bring my phone since hatid sundo naman ako ng driver namin. I don't wanna risk it. Alam kong bawal eh, susunod na lang ako.

Our adviser went inside the classroom, "Okay, itutuloy pa ba natin ang Introduce Yourself? Mukhang kilala niyo naman na ang isa't isa eh. Maglelesson na ako." What the actual fuck? Second day pa lang maglelesson na?? At tsaka hindi ko pa kilala ang seatmate ko!

Marami namang sumang ayon pero nainis dahil maglelesson na kagad.

So ayun naglesson na si Ms. Santos, CLED ang subject niya. About God.

Nakinig na lang din ako, my family is very maka Diyos. Kaya nasa Catholic School ako nag-aaral.

Joke lang pala na makikinig ako. Nagisip na ako kung paano ko malalaman ang pangalan ng seatmate ko, Ba't kasi wala pang ID? Tanging Lopez lang ang alam kong pangalan niya.

Tatanungin ko na nga lang. Pero mamaya na siguro...

Hindi na ako makapaghintay tapos naman na magdiscuss eh.

Tinapik ko ang balikat niya. "Kuya," Lumingon siya sa akin halatang takang taka kung bakit.

"Anong pangalan mo?" Lakas loob kong pagtatanong. Tinitigan niya lang ako at umiling.

Hindi na niya pinansin ang tanong ko at tumingin na ulit sa harap. Snob

Nakakahiya! Dapat hindi na ako nagtanong eh. Buong araw nakasimangot lang ako dahil sa kahihiyan na ginawa ko. I went to the restroom to fix myself before going home.

Maayos naman ang itsura ko eh. Bakit kailangan maging snob? Kainis!

The same routine, I went home, My mother called me and naghalfbath ako. Aayusin ko na bag ko. Since may pinapadala sa amin bukas.

I opened my bag and I saw a little note. Saan galing 'to? Binuksan ko ang nakatuping note and there I saw,

Christian Gauis Lopez

avataravatar