webnovel

Preface

"Miss, Priya, parang awa mo na! Kumain ka naman, ilang araw na po tayong nagpapabalik-balik sa ospital dahil sa gawain niyo. Hindi na po healthy 'yan Miss. Naapektuhan na nga rin po ang trabaho niyo, kahapon pa tawag ng tawag si Direk. Kung hindi ka pa daw magpapakita, papalitan na daw nila yung lead." My assistant rant. Inirapan ko nalang siya, kahit ano pang sabihin niya, hindi ako makikinig sakanya. Bakit? Sino ba siya? Kung hindi lang siguro ako naawa sa kanya hindi ko talaga pagtitiisan ang bunganga niya.

"Edi palitan nila! Aba! Mabuti nga at pinagbigyan ko pa sila! Eh ang cheap cheap naman ng network nila!" gigil kong sagot bago tanggalin ang dextrose na nakakabit sa likod ng palad ko. Napangiwi naman ako sa hapdi ng natanggal na karayom.

"Miss. Parang awa mo na, yung fans mo namimiss ka na. At baka kung hindi ka pa sasalang, mababawasan ang fa--" hindi ko nalang siya pinakinggan at nagtuloy-tuloy na CR ng kwarto. Hindi niya kasi ako nakikita dahil nakatalikod siya. Oh diba? Parang tanga lang? Takot kasi 'yan kapag nakaharap saakin.

I'm Priya Colson. Certified showbiz star sa edad na dise-otso. I'm well-known, not only in the Philippines but also worldwide. I even roled a character in US when I was just sixteen and oh! they were the one who contact me, wala ng audition, salang kaagad. Yeah, I'm so proud of my self, sa dami ba naman ng achievements ko, hindi pa lalaki ang ulo ko? Pero sa isip ko lang naman 'to, hindi ko namang inilalabas. Kaya nga wala akong pakialam kung palitan pa ng lead yung isa kong pelikula, hindi sila kawalan.

Binilisan ko na lamang ang pagbibihis ng damit nang marinig ko ang pagpupukpok ng assistant ko sa pinto. Aish! Kaonti nalang talaga at papalitan ko na 'to!

"Ano ba! I hired you as my assistant hindi as a nagger! Tigilan mo nga ako't papalitan talaga kita!" Inis kong sigaw dito kaya tumigil na siya. Takot naman pala.

After changing my hospital gown to my fashionable clothes, I come out. I was so shocked when my mom's face was the one I first saw after opening the door. I thoughtght, I would see Trina's depressed face, but I got it all wrong. Mom's left eyebrow hitched up. Natahimik tuloy ako at napabalik nalang sa kama at doon umupo. And of course, ready my ears, 'cause she'll gonna fire like a machine gun, believe me! Proven and tested. Kahit hindi ka na magtanggal ng tutuli before this session dahil siguradong malilinis naman 'yon pagkatapos.

"How many times do I have to tell you Princess Yanna! Ayusin mo ang sarili mo! You're just eighteen for Pete's sake! Gust mo bang mamatay ng maaga? Dapat sinabi mo na lang saakin para hindi na tayo gumagastos ng malaki sa pabalik-balik mo sa ospital! Diretso morgue na dapat, ang tanga mo talagang bata ka!" mariin nitong sigaw habang hinihilot ang sentido. Mabilis naman siyang inabutan ni Trina ng tubig na mabilis naman niyang ininom.

"Thank you Hija," aniya sabay ngiti ng matamis, para naman akong nakahinga dahil doon, so it means? Ok na? Tapos na si Mommy? Tapos niya na 'kong pagalitan?

Nabura naman ang ngiti ko sa labi nang dumako ang paningin saakin ni Mommy. Sinamaan niya ko ng tingin kaya napasimangot naman ako. "Hay naku! Priya! Kung nabubuhay pa ang Daddy mo! Paniguradong sinakal ka na non para mamatay ka na! Pinalaki ka namin nung bata ka pa! Hindi mo ba alam na ultimo kanin na isusubo ko ay ibinibigay ko pa sayo kasi nakukulangan ka? Alam mo yun? Tapos ngayon? Mababalitaan kong nagakakaganito ka na! Anak! Maawa ka naman sa sarili mo, a little bit of food won't kill you! Huwag naman sa puntong hindi ka na kumakain!" anito na parang pagod na pagod na. "Anak! Figure is not important, tandaan mo 'yan. Mamahalin ka pa rin ng mga fans mo kahit ano ka pa basta ay magaling ka lang talagang artista. Anak, go on, eat healthy foods like the way you always do noong bata ka pa." aniya sa mahinahon nang tono.

Napaiwas nalang ako ng tingin pagkatapos ay kinuha ang cellphone ko para doon na lang ibaling ang atensiyon. Ayaw ko na, ayaw ko nang balikan pa ang nakaraan, ayaw ko nang maging katulad ng dating walang nagmamahal. Sabihin niyo nga saakin? Bakit pa 'ko magpapataba kung alam ko namang wala nang magmamahal saakin kapag nangyari 'yon? Mas mabuti nang ganito.

I opened my messenger app. Siguro ay magpapahinga muna 'ko, siguro ay ilang linggong bakasyon, pwede na. I message my manager.

Ako:

I'm so sorry Cadie. I bet you're disappointed? Sino ba namang hindi? I want to take vacation nalang muna para makapag-isip isip na rin. So sorry talaga and 'bout nga pala sa ongoing dramas, huwag mo nalang tanggapin sabihin mo I'm busy due to health issues. Byee.

Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pindutin and send button. Cadie was my bestfriend slash my manager. Naging kaibigan ko siya noong bago pa lang ako sa showbiz she's the one who guide me everytime na may nagagawa akong mali o wala pa akong alam sa pagtakbo ng industriya. She's eight years older than me, siguro naman ay maintindihan niya ang desisyon ko. Humarap ako kay Mommy, katulad kanina ay masama parin ang tingin niya saakin yun nga lang ay gusto niya na ring balibagin ang cellphone ko sa paraan ng paninitig niya. Tumayo na 'ko at isinukbit sa balikat ang puting hand bag.

"Oh? At saan ang punta mo aber? Ani Mommy habang nakapameywang pa.

Bumuntong-hinga muna 'ko bago sumagot. "I'm going to Isla." tipid kong sagot. Nakita kong natigil siya pero hindi ko na iyon pinansin at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad palabas.

"Teka Miss! Paano na 'ko?" habol pa ni Trina na hinihingal pa.

"Eh di simulan mo ng maghanap ng trabaho." I said bluntly kaya napasimangot siya. "Don't worry, itatransfer ko na lang yung sahod mo for this month, may sobra pa kaya huwag kang mag-alala."

Yeah. This the real me, walang pakialam sa nararamdaman ng iba, bakit? May pakialam din ba sila sa nararamdaman ko? Then it's a fair situation. I guess.

Next chapter