11 Chapter 9

Nagising si Lean sa tunog ng telepono nya. Pikit mata nyang kinapa ito sa side table at sinagot ang tawag ng hindi manlang tinitingnan ang caller id.

"Hello?" gamit ang bedroom voice ay binati nya ang tumawag ngunit ilang segundo na ang lumipas ay hindi nya ito narinig magsalita.

"Hello?" may pagkairita na ang boses nya sapagkat antok na antok pa sya ngunit heto't ginambala lang ng caller na ito ang tulog nya at hindi man lang sya sinasagot.

Inis nyang binaba ang telopono mula sa tenga saka pakurap-kurap na tiningnan ang screen. Antok pa talaga sya.

Unregistered number ito.

Pinindot nya ang loud speaker saka iritang sumigaw.

"Pwede ba kung wala ka man lang sasabihing maganda wag mong gambalain ang tulog ko. Bwesit ka! Maghanap ka ng kausap. Letse!" akmang papatayin nya na ang tawag ay narinig nya ang pagtawa ng caller sa kabilang linya.

"Masyado ka namang galit Lean. Hindi mo ba ako na miss?" mapanuya ang boses nito.

"Tita Yvangelin?" narinig nya ang mahinang pagtawa nito bago sumagot.

"Ako nga Lean. Mabuti naman at kilala mo pa ako?"

Si Yvangelin Mc Laren ang half sister ni Andy Lacsamana, ng mama nya. Anak sa labas si Yvangelin, anak ni Don Felipe sa isang katulong. Naging Mc Laren lang ang epilyido nito sapagkat may umampon ditong amerikano bago pa sya makuha ni Don Felipe. Hindi na rin nila ito pinalitan pa kaya ito ang dala nya hanggang sa paglaki. Bata palang daw ang dalawa ay hindi na sila magkasundo. Maluho itong si Yvangelin na syang kinaayaw ni Andy sa kanya.

"Panong makakalimutan ko ang Tita kong halos maging dragon ng hindi pinamanahan ni Lolo?" ngumisi sya.

"Wala pa ring tabas yang dila mo Lean. Katulad na katulad mo ang Lola Tania mo." mariin nitong sabi na nag-ani lang ng pahilim na irap at tawa sa kanya.

"Magkadugo kami Tita Yva, alangan namang sayo ako magmamana diba?" ramdam sa boses nya ang labis na pagkasarkastiko.

This evil aunt of her is really something. Nagawa nitong awayin ang Papa nila nang malamang hindi sya nito pinamanahan ni kusing. Isang ancestral house lang ang itinira nito sa kanya kaya naman ay nagalit sya. Pinamana lahat ni Don Felipe, ang lolo ni Lean, sa nanay nya ang mga ari-arian nito na syang ikanagalit ni Yvangelin. Binenta nito ang pinamana sa kanyang ancestral house saka naglayas sa mansyon nila. Nagpakita lang ito ng mamatay si Don Felipe at agad rin namang umalis.

" Ang saklap nga Lean, bakit sa lola mo pa ikaw nagmana? Eh ang malas malas non?" humalakhak ito na syang kinainis naman ni Lean.

"... Kinaliwaan ng asawa. Namatayan pa ngayon ng anak."  mapanuya nitong ani.

" Mas malas ka po Tita. Alam mo kung bakit? Dahil ni minsan walang nag mahal sayo. Walang pumili sayo. Lahat ng tao sa paligid mo, sa huli iniiwan ka."

Hindi nya alam kung saan nanggagaling ang labis na inis sa tiyahin. Siguro ay ang kaisipang ito ang huling kausap ng mga magulang nya bago namatay, sa posibilidad na ito ang may pakana nang pagpatay sa mga magulang.

May masqaurade ball noon sa kompanya nila ng bigla nalang sumulpot ang Tiya nya at inaway ang ina. Nag-usap ang dalawang ito at mula sa labas ng kwarto ay narinig nya ang pagsisigawan nila.

Ito ang una nyang napagbintangang suspect sa insidente ngunit lumabas sa imbistigasyon ng mga pulis na nasa bangko ang tiya ng mangyari ang insidente.

Sa mga nagdaang taong pag-iimbistiga ay nakumpira nyang nasa bangko nga ito nong nangyari ang krimen. Nagloan ito sa bangko. Ngunit hindi mawala sa kanya ang agam-agam lalo na nang makita ang bracelet ng tiya sa damuhan kung saan natagpuan ang sasakyan ng mga magulang nang minsan mag-imbistiga sya noon.

" Mabuti na nga rin at wala ang ina mo Lean. Lahat ng pagmamay-ari ko ay kinukuha nya. Ngayon ako naman ang kukuha ng lahat na mayron sya, ang mayroon ka. Babawiin ko sayo ang kompanya Lean. Ito ang tatandaan mo, what I want, I get. Either by crook or by hook." pagkatapos sabihin iyon biglang naputol ang kabilang linya tanda na pinatay na nito ang tawag.

Hindi maiwasang pangilabotan ni Lean dahil sa narinig sa tiya.

Sana naman ay walang ibig sabihin ang sinabi nito sa kanya.

Dahil hindi man nya aminin ay natakot sya. Na ang bantang iyon ay may kinalaman sa nangyari sa ina.

Parang biglang nagising ang diwa ni Lean dahil sa naging pag-uusap nila ng tiya.

Nang tingnan ang oras ay alas singko na ng hapon. Bumaba sya sa kama saka nagtungo sa bangyo para maligo.

Tinanaw nya ang repleksiyon sa salamin habang binoblower ang hanggang balikat na buhok.

Hindi nga maipagkakailang magka itsura sila ng Lola Tania nya. Mula sa mahahabang maiitim na pilk mata, bilogang itim na mata, makurteng bibig at hindi kalakihang matangos na ilong.

Mas umangat ang ganda nya dahil sa hanggang balikat na bagsak na buhok nya. Umaaliwalas at mas lalo syang nagmumukhang inosente.

Pagkatapos patuyuin at suklayin ang buhok ay bumaba sya sa kusina dala ang laptop at cellphone. She need to check some emails. Siguro pagkatapos nyang kumain.

Nilapag nya ang laptop at cellphone sa island counter bago magtungo sa ref para tingnan kung ano ang pwedeng makain. Halos wala na palang laman ang ref nya. Sa huli ay pinili nya nalang ang cup noodles.

Habang kumakain ay hindi nya maiwasang isipin ang mga natuklasan nya nitong nakaraan lang.

Mula sa narinig nyang pag-uusap ni Rye at Pherlaine sa Mall sa Batangas na agad nitong tinanggi. Sa kaibigan umano ni Lando na nagbisita sa kanya bago sya mamatay, si Holer. At sa pag-uusap nila ni Tiya nya Yvangelin.

Maaari kayang konektado ang lahat ng ito? Ngunit kung isa nga sa kanila ang suspek sa pagpatay sa mga magulang nya, bakit?

Bakit nila papatayin ang mga magulang nya?

Kung si Pherlaine, wala naman itong naging alitan o ano mang motibo na syang maging dahilan para patayin ang mga magulang nya.

Kung si Tiya nya Yvangelin, alam nyang kahit na medyo may pagkademonyita ito ay hindi naman siguro nito magagawang patayin ang kapatid.

Pero sa kabilang banda baka ang labis na pagkainggit nito sa ina ang naging dahilan para sila ay tambangan at patayin at dahil sa pagmamadaling makatakas ay naiwan nito ang bracelet nya. Pero pa ano naman ang imbistigasyon nya at ng mga pulis na nasa bangko ito?

Napakagulo. Napakahirap.

Napahilot sya sa sentido dahil sa kaguluhan ng isip nya.

Kailangan nyang mahanap ang Holer Magbanua na yun. Dahil sya ang isa sa pinakamatibay na ebidensyang makakapagsabi sa kanya ang dahilan kung bakit nito nagawa iyun sa mga magulang nya, kung ito ba talag ang pumatay sa mga ito, o kung ano ang mga huling sinabi nito sa kanya.

Kailangan nya ring makuha ang records ng deposits sa bangko sa card ni Lando. Dahil baka ang nagpadala nito sa kanya ay ang isa sa mga tauhan ng mastermind.

Tinapos nya ang pagkain saka binuksan ang laptop para i check ang mga emails sa kanya. Nireplyan nya ang iba rito pero ang iba ay pinabayaan nya lang. Pagkatapos magreply ay pinatay nya ang laptop.

Hanggang sa makabuo ng panibagong plano.

Bukas na bukas rin ay mamanmanan nya si Pherlaine. Uunahin nya ito sapagkat ito ang pinakamalapit sa kanya. Hindi rin sya makakapunta sa bangko dahil siguradong hindi naman sya ng mga staff nito hahayaang makita ang records ni Lando ng walang matibay na dahilan at wala ang card.

Sana nagkamali lang sya. Sana ang mga agam-agam nya sa kaibigan ay mga espikulasyon lang at pawang imahinasyon nya na lamang.

avataravatar
Next chapter