9 Chapter 7

Nagising si Lean dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto niya. Humihikab syang umupo habang nag-i-inat-inat ng mga kamay.

Her sleep last night was far good than the other day. Mas mahimbing ito.

Inangat nya ang ulo para tingnan ang oras sa wall clock. Alas Siete palang pala ng umaga.

Bumaba sya sa kama saka nagtungo sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.

Pagkatapos nyang mag-ayos ay bumaba sya sa kusina dala ang cellphone niya.

Baka kasi may tumawag at hindi nya masagot agad.

Nilapag nya ang cellpone sa island counter saka tumungo sa ref para tingnan kung ano ang pwede nyang maluto.

Sa huli ay napaili nya ang hotdog at bacon. Habang pini-prito ang mga ito ay nagsaing na rin sya ng kanin.

Mag-isa syang kumain ng breakfast.

Wala naman kasi syang kasama sa bahay. May pumupunta lang rito twing weekend para maglinis at maglaba. Wala ring guard dahil heavy secured ang subdivision nila.

Napatigil sya sa pagkain ng tumunog ang telepono nya. Tiningnan nya ito at si Val ang caller, binaba nya ang mga kubyertos saka pinindot ang answer  button.

"Hi Val! Good Morning." masaya niyang binati ang kaibigan.

Nakakapagtaka nga at alas 7 y medya palang gising na ito dahil halos alas nuebe na nga ito minsan gumising.

"Nasa ospital ako. Dinala dito si Pherlaine, nakakain daw ng pusit kanina sa Restaurant sa baba ng Condo nya kaya nagkarhuses. Ewan ko nga dito bakit kumain eh alam naman nyang allergy sya dito." kahit na halata ang medyo pagakairita sa boses ng kaibigan ay di pa rin mapagkailang nag-aalala ito.

"Sige pupunta ako dyan tatapusin ko lang tong breakfast ko saka maliligo."

"Sige." pinatay nya ang tawag saka binalik muli ang pansin sa pagkain.

Nagtaka sya sa nangyari kay Pherlaine.

Alam naman nitong may allergy sya sa pusit bakit pa rin sya kumain?

Imbis na ilunod na naman ang sarili sa kakaisip ay minadali niyang tapusin ang pagkain saka umakyat sa kwarto nya para maligo.

Isamg ripped jeans at blue cotton shirt ang napili niyang suotin.

Pagkatapos magbihis ay kinuha nya sa sofa ang slim bag at isinukbit sa balikat. Dinaanan nya muna ang cellphone sa kusina bago lumabas papunta sa garahe.

Tahimik syang nagmamaneho ng maalalang may usapan pala silang magkita ni Lore Lei.

Siguro ay hahabol nalang sya mamaya kung may magbabantay kay Pherlaine.

Halos hindi kasi ito makatayo kung ina-allergy dahil nanghihina ang kanyang katawan.

Meron pa ngang noong nasa High School sila hindi nila alam na may pusit na ingredients ang kinakain kaya nagkarushes si Pherlaine na kung hindi agad nasugod sa ospital ay baka binawian ng buhay.

Alas nuebe pa lang naman at baka nasa Batangas palang si Lore Lei. Kung wala namang magbabantay kay Pherlaine mamaya ay magpepresinta syang sya nalang at ipagpaliban muna ang pagpunta sa Bangko at Kulungan.

Dumaan muna sya sa Mall para bumili ng mga prutas para sa kaibigan.

Pagkatapos mamili ay dumeritso na sya sa St. John Hospital kung saan naka confine si Pherlaine. Ipinarada nya sa harap ng hospital ang kotse. Dala ang eco bag na may lamang prutas at bag na nakasukbit sa balikat ay pumasok sya sa Hospital.

Naglakad sya palapit sa nurse station para malaman kung anong room number ni Pherlaine.

"Hi!, ano po ang room number ni Pherlaine Bautista?" tiningala sya ng babaemg nurse kaya nginitian nya ito na sinuklian nya rin ng ngiti.

"Sandali lang po ma'am." tumango lang sya bilang sagot. May kung ano namang tinype ito sa computer. Hinahanap siguro ang room number.

Pinagmasdan nya ang mga taong dumadaan sa harap ng hospital nang biglang mapatili dahil sa lakas ng sirena ng ambulansya.

Natulos sya sa kinatatayuan. Para bang bumalik ang alaala nya sa araw na nakita nyang nakahimlay ang malamig na bangkay ng mga magulang sa hospital bed natatakpan ng puting tela.

Nagkagulo ang mga tao sa loob. Ang mga nurse ay dali-daling nagsikilos kumuha ng stretcher para ilipat ang katawan ng pasyente.

Napasinghap nalang sya ng marinig ang matinis na boses sa likura nya. Nang lingunin ay ang isang lalaking doctor.

"Miss, tumabi ka dyan." tumatakbo ito palapit sa kinaroroonan nya. Nang maproseso sa utak ang sinabi ng doctor ay agad syang humakbang paligid para bigyan ng espasyo ang mga nurses at doctor para dumaan habang tulak-tulak ang stretcher. Laman nito ang isang nasa 50s na lalaki.

Walang dugo kaya naisip nyang baka na heart attack o na high blood.

"Ano bang problema mo, Miss? Alam mo namang may pasyente bakit hindi ka agad gumilid?" di nya namalayang nakalapit na pala ang lalaking doctor.

"Pasensya na po." paulit-ulit nyang iniyuko ang ulo.

Ng hindi marinig ang tugon ng lalaki ay itiningala nya ang ulo. Wala na ito sa harap nya, ang likod nalang nito ang nakita nyang tumatakbo sa direksyong pinanggalingan nya kanina.

"Ma'am, nasa room number 212 po si Ms. Pherlaine." tumango lang sya sa babaeng nurse at balisang naglakad papasok sa elevator.

Ito ang ayaw nya sa lahat. Ang pumunta sa mga pinupuntahan nila dating mag pamilya at mga bagay na nakakapagpa-alala sa kanya sa mga ito dahil bigla syang mawawala sa sarili.

Narinig nya ang pagtunog ng elevator kaya agad syang lumabas. Nasa ikalawang palapag na pala sya. Hindi nya manlang namalayang pinindot ang button sa elevator.

Lumiko sya sa kanan nang makitang number 210 ang room number nito.

Nang marating ang harap ng room number 212 ay kumatok sya. Wala syang narinig na tugon kaya naman ay binuksan nya nalang ang pinto.

Bumungad sa kanya ang kaibigang nakahiga sa hospital bed, may dextrose at oxygeng nakakabit. Nilapag nya ang dalang eco bag sa maliit na lamesa sa gilid nito.

Tiningnan nya ng maigi ang kaibigan ng mapansing kikibot-kibot ang bibig nito, na nanaginip siguro. Maraming pantal ang katawan nito.

Imbis na gambalain sa pagtulog ang kaibigan ay naisipan nyang tawagan muna si Lore Lei.

Dinukot nya sa slim bag ang cellphone at di-nial ang numero ni Lore Lei, agad naman nito itong sinagot.

"Hello Lor, pwede bang i-cancel muna natin ang pagpunta sa bangko? May emergency lang." narinig nya ang ugong na mga sasakyan sa background ng kabilang linya, siguro ay bumabyahe na ito pa Manila.

"Don't worry. Pwede naman nating i move yun dahil may emergency rin ako ngayon. Biglang tumawag ang manager ko at sinasabing kailangan  na naming i shoot ngayon ang para sa magazine cover."

"Sige. Mag-ingat ka."

"Salamat. Mag-ingat ka rin. Ikaw na ang magpatay ng tawag Lea nagmamaneho kasi ako."

Agad nyang pinatay ang tawag at binalik sa bag ang cellphone.

Nanghihinayang sya sa araw na ito. Dahil kung wala lang sanang emergency ay baka nasa bangko na sya ngayon.

Napalingon sya sa pintuan ng bumukas iyon. Bahagyang nanlaki ang mga mata nang makilala ang pumasok. Ito ang lalaking kasama ni Pherlaine kahapon ng makita nya sa Mall.

"Who are you? What are you doing here?" itinaas nya ang isang kilay. Feisty.

She want to let this guy know na hindi sya isang mahinang babae. Dahil kung totoo ngang may kinalaman ang mga ito sa pagpatay sa mga magulang nya, baka iniisip ng mga itong mahina sya kaya madali para sa kanilang patayin sya.

"I'm Rye. Kaibigan ako ni Elaine." tinapunan lang sya nito nang tingin at dumeritso ng upo sa sofa.

Elaine is just one of Pherlaine's nickname.

"We've been together for almost 10 years. And as far as I remember, wala akong natatandaang Rye na kaibigan ni Pherlaine. Are you a stalker?" malamig nya itong tiningnan.

"Sa gwapo kung ito pag-iisipan mo akong stalker? Kidding me?" nginisian sya nito.

Ang hangin ah.

"Di ko alam may bagyo pala." she scoffed.

"I'm just telling the truth, Miss Whoever you are."

"Aba't. Hindi mo ba ako kilala?" pinanlakihan niya ito ng mata.

Sumusobra na tong gung gong na ito ah. Maka Miss Whoever you are to.

"Obviously not. At wala akong balak alamin kung sino ka. " inirapan sya nito.

Parang bakla.

"Bwesit kang lalaki ka." dahil sa inis ay dinampot nya ang bag at lumabas ng room at pabalya itong sinara.

Arghhh. She hates that guy. Ang hangin. Hindi ba nito alam na isa syang Lacsamana? Lacsamana is one of the successful family in busseniss industry in Asia.

Padabog-dabog syang naglakad. Siguro ay magsho-shopping nalang muna sya gayong wala naman syang magawa. Bahala yung lalaking yun magbantay kay Pherlaine. Letse sya!!! 

avataravatar
Next chapter