8 Chapter 6

Pagkaparada nya ng sasakyan sa garahe ng bahay ay agad syang lumabas bitbit ang paper bag habang nakasukbit sa balikat ang slim bag.

Kinapa nya sa bag ang susi ng bahay, saka binuksan ang pintuan.

Pagod siyang umupo sa pang-isahang upuan sa sala ng bahay. Nagpahinga sya saglit bago naisipang tumungo sa kusina para kumain.

Pagtapos nyang kumain ay umakyat sya sa kwarto para magbihis.

This day is exhausting. Marami syang nalaman ngunit hindi nya maproseso sa utak niya.

Napabuntong hininga sya.

Sino yung tinutukoy ni Pherlaine at ng kasama nya?

May kinalaban ba ang kaibigan sa pagkamatay ng mga magulang nya?

Sino ang nagpadala ng ganun kalaking pera sa card ng ama ni Lore Lei?

Darn it!

Hindi nya alam kunh ano ang uunahin.

Ang malaman ba ang tinutukoy nina Pherlaine o ang nagdeposit ng pera sa ama ni Lore Lei.

Napahilamos sya sa mukha. Bago pa man sya mawala sa katinuan sa kakaisip ay naisip nyang bumaba para kunin ang slim bag.

Gusto niyang tawagan si Pherlaine at tanungin ito kung saan sya kanina at sino ang kasama nya.

Ng makababa ay kinuha nya ang cellphone sa slim bag saka pumunta sa kusina para kumuha ng tubig.

Parang nauhaw sya bigla sa rami ng iniisip nya.

Binuksan nya ang ref at kumuha ng bottled water doon, binuksan nya iyon at lumagok. Nilagay nya sa counter ang bote saka in-open ang cellphone at di-nial ang number ng kaibigan.

Naka-tatlong ring palang iyon ng sagutin ni Pherlaine.

"Hi Lea. How are you?" mahahalata sa boses nito ang pagod.

Baka marami ang tao sa restaurant kaya ganun.

"Hi Laine. Okay kang ako, ikaw kamusta? Nasa'n ka pala kanina?" 

Hindi nya magawang tanungin ang kaibigan na nakita nya ito kanina kasama ang lalaking iyong tinawag nyang Rye dahil baka manghinala ito sa kanya. Ganun na rin tungkol sa mga narinig niya kanina. Baka iba lang ang pagkakaintindi nya at sumama pa ang loob ni Pherlaine.

"Okay lang ako. Wala naman akong pinuntahan kanina. Andito lang ako sa Restau, maraming tao ngayon kaya medyo pagod ako." narinig nya ang pagbuntong hininga ng kaibigan mula sa kabilang linya.

"Sige. Magpahinga ka ma at halata ko ngang pagod ka. Good Night Laine."

"G'night rin Lea." pinatay nya ang tawag matapos magpaalamn ng kaibigan.

Bigla syang napaisip sa sinagot nito.

Wala syang pinuntahan? Andon lang sya sa Restaurant?

Panong nandon ito kung kitang-kita nya sa dalawang mata nya na pumasok ito sa mall kasama amg lalaking yon?

Bakita nagsisinungaling si Pherlaine sa kanya? Meron ba itong tinatago?

Napalagok sya bote ng mineral water ng wala sa oras kaya nasamid sya. Kinalma nya ang sarili.

Baka hindi si Pherlaine ang nakita nya. Baka kakilala lang ni Pherlaine iyon at magkamukha lang sila.

Pilit nyang kinukumbinse ang sarili na hindi si Pherlaine ang nakita nya.

Tinapon nya ang bote ng mineral water sa trash bin.

Bumalik sya sa sala, binuhay ang tv at sumalampak sa sofa.

Cartoon ang palabas kaya pinatay nya rin kalaunan ang tv.

Noong bata sya ay gustong-gusto nya daw manood ng mga cartoons sa tv ayun sa mommy nya. Pero ngayon ayaw na ayaw nya talaga sa mga ito. Pakiramdam nya kasi ay pambata lang iyon at hindi na pwedeng panoorin ng mga oldies katulad nya.

Mas gusto nya pang magbasa ng mga pocketbooks o romance novels sa mga reading cites.

May koleksyon nga sya ng mga libro ng paborito nyang author. Mystery ang halos sinusulat nito kaya nahumaling sya. Halos lahat ng libro nito ay may kopya siya. Sa publishing company kasi nila ito pinu-publish ang mga libro nya kaya nagkakaroon sya ng pagkakataong makakuha ng kopya sapagkat pag lumabas sa publiko ay sold out agad ito.

Sa halip na manood ay naisip nyang magbasa nalang.

Bumaba sya sa basement nila para kunin ang isa sa mga sulat ng pabirito nyang manunulat.

Mystery thriller ang genre ng librong iyon.

Nakalagay ang mga libro sa isang shelf sa basement nila. Pinagawa nya talaga ito para doon i stock ang mga kopya ng libro na nakikita nya sa national bookstore kapag nag-so-shopping sya.

Nilibot nya ang paningin sa loob ng basement. Himdi ito kagaya ng ibang basement na nakakatakot dahil halos kamukha nito ang sala nila.

May mga couch na nakapalibot sa isang maliit na table sa gitna. Habang ang book shelf nya ay nakalagay sa kanang bahagi nito. Ang ibang mga gamit nila ay nakalagay sa isang gilid, naka arrange pa ito ng maayos.

Kinuha nya ang libro saka umupo sa couch.

Dito nya ito gustong basahin.

Nilagay nya sa kandungan ang libro saka binuksan at umpisahang basahin.

The story starts...

Namatay ang kapatid ng babaeng nagngangalang Nancy na syang bida sa kwento. Sinaksak ito na sya daw dahilan ng pagkamatay nya. Hindi naniwala si Nancy sapagkat daplis lang ang naging tama ng saksak sa tyan ng kapatid.

Mahal na mahal ni Nancy ang kapatid kaya naisipan nitong mag-imbistiga. Ngunit wala syang mahanap na lead o kahit konteng scoop manlang, kaya itinigil nya rin kalaunan ang pag-iimbistiga.

Namuhay sya ng payapa.

Hanggang sa may lumapit sa kanyang pulis. Sinasabing alam nito kung sino ang suspect. Naniwala sya rito at muling nag-imbistiga. Kahit na sinabi ng pulis na ito ang suspect hindi pa rin ito makukulong gayong walang matibay na ebidensiyang nagpapatunay ng paratang.

Nakaramdam si Lean ng antok kaya tiniklop nya ang libro at binalik sa lagayan nito.

Bumalik sya sa kusina at uminom ng tubig bago naisipang umakyat sa kwarto para matulog.

Pagkasarado ng pinto ay umupo si Lean sa gilid ng kama.

Napangiti siya bigla ng may maalala. Baka nag-update na ang pabirito nyang manunulat sa cite.

Dali-dali syang umupo sa upuan kaharap ang laptop nya. In-open nya ito. Pagka-open matapos nyang i refresh ang laptop ay si-nearch nya sa web ang pangalan ng cite. Dinala sya nito sa home ng cite. Tinap nya ang profile na icon saka pinindot ang profile ni Astrophilepen na nasa following nya. Ito ang pen name ng paborito nyang manunulat. Ito ang pen name nya ngunti ang nakasulat sa book cover ng physical book ay ang totoo nitong pangalan, Daine Del Mar.

Chi-neck nya ang istorya nito ngunit wala pa ring update.

Ito ang Book 2 ng binasa nya kanina. The Diary ang title nito. Hindi nya nga mawari kung bakit ito ang title gayung mystery thiller ang genre nito.

Ang physical book nitong The Who ay napublish na mga walong buwan na ang nakakaraan. At ang Book nga nito ay on-going pa.

Ito ang last 10 chapters ng istorya. Dito malalaman kung ano ang magiging resulta ng pag-iimbistiga ni Nancy at kung sino ang suspect.

Wala pa palang update. Napasa na ni Daine ang manuscript nito sa kanila pero hindi pa na post ang full chapters ng Book 2.

Pinatay nya ang laptop saka humiga sa kama nya at natulog.

This day is tiring, and tomorrow she bet will be too.

avataravatar
Next chapter