7 Chapter 5

Pagkalabas ng Camila Agency ay pumunta sya sa kanyang sasakyan at nagmaneho sa malapit na mall.

She needs to change her cloth.  Kailangan nya ring kumain muna bago makipagkita kay Lore Lei.

It was 1:30 pm medyo natagalan pala sya sa pag-uusap kay Lore Lei.

Pagkarating sa Mall ay pinarada nya ang sasakyan, kinuha ang paperbag na may lamang damit nya at isinukbit sa balikat ang slim bag.

Naglakad sya palapit sa entrance ng mall ng makita si Pherlaine. May kasama itong lalaki. Halos lahat ng kaibigan ni Pherlaine ay kilala nya at itong kasama nya ngayon ay hindi nya kailan man nakita.

Pumasok ang mga ito sa mall, dali dali syang naglakad at sinundan ang dalawa.

Pano nalang kung manyakis pala ang isang to o drug user, baka ano ang mangyari kay Pherlaine.

Pumasok ang mga ito sa isang Italian Restaurant. Bitbit pa rin ang paper bag ay pumasok rin sya sa restaurant.

Umupo ang mga ito sa pinakadulo ng restaurant, walang masyadong tao. Mahina syang naglakad palapit sa kanila, umupo sya sa table kung saan malapit sa kanila ni Pherlaine. Nakaupo siya sa upuan sa likod ni Pherlaine.

Lumapit ang iang waiter sa kanila, habang sya ang pasimpleng sinusulyapan ang mga ito.

Mag-order ang mga ito at umalis rin ang waiter.

"So, what's the plan Rye? She was taking another step."

Anong plan ang tinutukoy ni Pherlaine? Sinong sya ang tinutukoy nito?

" Let her do what she want for now. Boss and I are trying to figure out things. Mapapatay rin natin sya. Mabubuhay tayo ng payapa pagkatapos."

Mapapatay? Who the hell is this guy talking about?

" Yeah! Napatay nga natin ang mga magulang nya sya pa kaya." nabigla sya sa sinabi ni Pherlaine kaya napabaling ang tingin nya rito, nakangisi ito.

She wasn't the Pherlaine she used to know.

" Ipagpatuloy mo lang ang paglapit sa kanya. Hindi nya alam ang kaibigan nyang tinuturing, ang sya palang papatay sa kany. " mahinang tumawa ang lalaki.

Kaibigan? Is there any chance that 'the she' that they both talking was her? Tinatraidor ba sya ni Pherlaine?

Hindi nya maproseso ang narinig kaya dali-dali syang lumabas sa restaurant.

May kinalaman ba si Pherlaine at ang Rye na iyong sa pagkamatay ng mga magulang nya? Kung oo nga, bakit nito iyon nagawa sa kanya gayong naging totoo sya rito. Bakit kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo ay syang tatraidor sa kanya?

Baka nagkamali lang sya. Baka hindi talaga sya ang tinutukoy ng mga ito.

Yeah! maybe thats it.

Pumasok sya sa Cr at nagpalit ng damit. Paglabas nya ay dumeritso sya sa isang Chinese Restaurant para kumain.

She love Chinese cuisines, as well as, there culture. Even though China is one of the country's rival because of The West Philippine Sea issue, she still love China.

Well, she thinks there's nothing wrong on loving another country. Hindi naman nya kinakampihan ang China, it's just that nagagandahan sya sa mga Chinese Dramang napapanoud nya kaya nagustuhan nya na rin ang mga kultura nito.

Pagkatapos nyang kumain ay pumunta sya sa cr para magbihis ng damit.

Sakay sa sasakyan nya ay bumalik sya sa Camila Agency.

Wala pala syang contact number ni Lore Lei kaya hindi nya ito matawagan o matext kung saan sila magkikita.

Saktong paglabas nya ng kotse ay ang paglabas ni Lore Lei sa building, akmang sasakay na ito sa sasakyan niya ng tawagin niya.

"Lore Lei." nahinto sa pagsakay si Lore Lei at bumaling ang tingin sa kanya.

"Hi Lean, pasensya ka na aalis na sana kasi ako papunta sa restaurant nearby at i tetext ka nalang na doon tayo magkikita. Nandito ka na rin naman lang, sumunod ka nalang sa sasakyan namin ha." tumango sya bilang sagot rito at bumalik sa sasakyan niya.

Sa isang Korean Restaurant huminto ang sasakyan ni Lore Lei, kaya itinigil nya na rin ang kanya. Hindi ito masyadong malayo sa opisina ni Lore Lei, mga limang minutong drive lang siguro dagil hindi naman traffic ngayon.

Sinukbit nya ang slim bag at lumabas sa sasakyan. Lumabas na rin si Lore Lei pero hindi pa ito tuluyamg pumasok, siguro ay hinihintay sya.

"Tara." ngumiti sya sa kanya at naunang pumasok.

Binati pa sila ng guard na sinuklian lang nila ng matamis na ngiti.

"Table for two please." ngumiti ang babaeng waitress sa kanila bago sila igaya sa isang table.

Umupo sya sa isang upuan habang umupo naman si Lore Lei sa kaharap nito.

"What's you order?, my treat." tumango sya sa sinabi ni Lore Lei bago damputin ang menu at nag-order, ganun na rin si Lore Lei. Kinuha ng waitress ang menu at sinabing babalik nalang ito maya-maya.

"So, here's the plan. Kailangan nating tingnan ang investigation ng mga pulis sa aksidente ng parents ko at ng tatay mo. Possibleng may alam ang mga pulis ngunit di nila sinasabi sa atin."

"...pwede nating matingnan sa record nila ang mga ginawa ng tatay mo sa kulungan bago ito mamatay. Ang  mga taong nakausap nya, ang mga taong bumisita sa kanya, at kung may kahina-hinala ba syang ginawa bago sya magpakamatay. "

"...possibleng binayaran lang ang tatay mo at hindi talaga sya ang pumatay sa parents ko. O sya talaga ang pumatay pero inutusan lang sya. "

Naalala nya ang sinabi ng kapatid ng suspect sa kanya noon. Hindi ito ang totoomg suspect at possibleng malaking tao ang nag-utos rito dahil kagit sya ay walang nakalap sa nakalipas na mga taong pag-iimbistiga.

"Nakausap ko ang tatay isamg araw bago sya nagpakamatay. Sinabi nyang may pera na daw akong pangbayad sa tuition fee ko. Nasa credit dark nya iyon. At ng tingan ko nga pagbalik ko sa bahay, sampung milyon ang laman ng card na yun. Hindi ako nagtaka kung saan nya kinuha dahil ang akala ko ay nagtatrabaho sa isang malaking kompanya ang tatay baka ipon nya iyon." nilingon nya si Lore Lei, malungkot itong nakatungo.

"Malaking lead na iyan Lor, posssibleng ang nagpadala sa tatay mo ng pera ay syang mastermind. Na check ko na rin noon ang buhay at trabaho ng tatay mo. Isa lang syang janitor sa isang fast food chain kaya malabong nakapag-ipon sya ng ganun kalaling pera. Kailangan nating makausap ang bangko at ma check kung sino ang nagpadala sa kanya  ng ganoon ka laking pera. Na sa'yo pa ba ang credit card nya?"

Dumating ang waitress dala ang mga in-order nila kaya saglit silang natahimik.

"Salamat."

"Thank you."

Pagkatapos nilang magpasalamat at malagay ng mga waitress ang kanilang order ay umalis rin ang mga ito.

"Na sakin pa ang credit card ni tatay, may laman rin iyon dahil ang iba kung ipon ay nilalagay ko roon."

"Mabuti kung ganon. Bukas na buka ay pupunta tayo sa Bilibid para i check ang records ng tatay mo, ganun na rin sa distrito ng kaso ng mga magulang ko. Pupuntahan na rin natin ang bangko para mahingi ang records ng deposits 5 years ago." nagsimula na syang kumain.

"Sige. Tatawagan nalamg kita bukas pag nakarating nako sa Manila." tumango si Lean bilang ganti at pinagpatuloy nila ang pagkain.

Tomorrow will be a big day. Ang nag deposit ng limang milyon sa card ng tatay ni Lore Lei ay possibleng galamay ng mastermind. Hindi ito ang magdedeposit dahil alam nyang alam ng mastermind na madali ito kung sakali mahuli.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Bumalik si Lean sa Manila habang si Lore Lei ay bumalik sa opisina dahil amsy shooting pa daw ito.

As she drove back to Manila. She was trying to figure out who could be the mastermind.

She hope matatapos na ang lahat ng ito. Because she wanted to just enjoy her life. But she knew until the mastermind of her parent's death is free, hindi sa matatahimik.

Sisiguraduhin niyang matatapos na ito dahil pagkatapos ng labang ito, she wanted to have her own family. Dahil hanggang sa nag-iimbistiga sya wala syang panahong mag-enjoy at ma-inlove kaya sana ay matapos na ito.

avataravatar
Next chapter