5 Chapter 3

Nagbayad sya sa taxi driver at bumaba pagkarating sa harap ng bahay nila.

It was a two-storey house. Malaki-laki rin naman. Ito ang bunga nag pagsisikap ng mga magulang nya. This neoclassical inspired house is just one of their property. Nagmamay-ari rin sila ng mga restaurants, publishing company, at firm.

Lahat ng mga pagmamay-ari ng mga magulang nya ay napunta sa kanya ng mamamatay ang mga ito. Ngunit ang ibang mali-liit na ari-arian katulad ng Drugs store at grocery stores ay ibenenta nya at di-nonate sa charity na sponsor ng pamilya nila.

Ang mga naiwang ari-arian ay pinamamahalaan ngayon ng mga kamag-anak nila habang sya ay busy sa paghahanap ng mga motibo sa pagpatay sa mga magulang nya. Pinamamahalaan ng Tito nya sa father side ang firm habang ang Restaurants naman ay pinamamahalaan ng tita nya, kapatid ng ina nya.

Pagkapasok sa bahay ay itinapon nya ang slim bag sa sofa at pasalampak na umupo rin doon.

She was tired, exhausted.

Naisipan nyang magpahinga muna ng konte.

Nagising sya sa amoy ng pagkain. Parang nagising agad ang diwa nya pati na rin ang mga alagang bulate sa tiyan nya. Hindi pa pala sya nakapananghalian.

Inabot nya ang bag at kinuha roon ang cellphone upang tingnan ang oras. Alas 2 y media na. Matagal pala syang nakatulog.

Binalik nya ang cellphone sa bag saka tumayo para tingnan ang amoy ng pagkaing nalalanghap nya.

Napangiti sya ng makita kung sino ang nagluluto sa kusina. It was Pherlaine, kaibigan nya.

Magaling itong magluto sapagkat isa itong Chef sa Restaurant nila, siya rin ang manager roon.

Lumapit sya rito at ninakawan ng halik sa pisnge ang kaibigan, natawa naman ito sa ginawa nya.

"Hi Laine." nilingon sya ng kaibigan.

"Hi! Pumasok nalang ako. Nakita ko kasing bukas naman. At ikaw naabutan ko diyan sa sofa natutulog, bakit ba doon ka nagpapahinga dapat sa kwarto kana mas makakapagpahinga ka doon." halata sa boses ng kaibigan ang pag-alala.

Napangiti sya sa inasta ng kaibigan. Caring ito at may pagkaclingy at nagugustuhan nya iyon. Para syang may kapatid sa katauhan ni Pherlaine.

"Ano ka ba. It's okay. I'm actually used to it. Wag ka nang mag-alala pa." bahagya syang natawa.

Binuksan nya ang ref. Maraming stock roon, halos linggo-linggo kasi siya nitong nakaraan mag-grocery dahil wala naman syang magawa. Kain at tulog nalang dahil itinigil na nga niya ang pag-iimbestiga.

Kumuha sya ng in-can beer. Akmang bubuksan nya na iyon ng tapikin ni Pherlaine ang kamay nya.

"What?" naiinrita nya itong binalingan, kunot ang noo ngunit bahagya lang natawa ang kaibigan nya.

"Wag ka munang uminom nyan hindi ka pa nakakain. Sandali nalang naman ito oh at matatapos na ako."

Binalik nito ang tingin sa nilulutong adobo.

"Arghh, Fine!" inis nyang binalik sa ref ang beer.

Ito ang ayaw nya kay Pherlaine, maraming pinagbabawal sa kanya.

Pero alam naman nyang para pa rin ito sa kanya ngunit hindi nya minsang mapigilang mainis dahil kahit ang servings ng mga ingredients at kakainin nya ay dapat ito ang gagawa. Pati ang mga bibilhin nya pag silang dalawa ang naggo-grocery ay masinop nitong pinipili.

Imbis na beer ay kumuha nalang ulit sya ng tubig.

Inisang lagok nya ang laman ng bote ng mineral water pagkatapos ay itinapon ang bote sa trash can sa gilid ng island counter.

"Palit muna ako Laine." tumango lang ang kaibigan.

Kinuha nya muna ang slim bag sa sala bago umakyat.

Binuksan nya ang pinto ng kwarto at saka pumasok. Nilagay nya sa single sofa ang slim bag at dumeritso sa walk in closet nya para kumuha ng damit.

Isang puting t-shirt at cotton short ang napili nya. Dala ang mga gamit ay pumasok sya sa banyo para maligo.

Nanlalagkit na ang katawan nya dahil sa pawis.

Pagkatapos maligo ay binuksan muna nya ang mga social media accounts nya.

Sa facebook puro notifs, friend requests, at messgaes mula sa mga kakilala nya ang bumungad sa kanya. Ki-nonfirm nya ang iba, ganun rin sa mga messages, ni-replyan nya lang ang mga kakilala at agad na naglog-out.

Iilang reacts sa post nya sa ig at new followers ang bumngad sa kanya sa instagram. May nag message rin sa kanya ngunit di na nya nagawang mag-reply pa.

Sunod nyang binuksan ang twitter, wala namang masyadong ganap dahil hindi sya madalas gumamit non.

Huli nyang binuksan ang mga emails. Mula ang iba roon sa proposals ng mga investors sa kompanya nila, halos lahat ng mga naroon ay mga files na kailangan nyang i-review at pirmahan. Nireplyan nya ang iba na sa secretary nya nalang makipag-ugnayan at ang mga files namang kailangang nyang riview-hin ay dinownload muna nya bago i close ang application.

There were a lot of responsibilities that awaits her.

Binalik nya ang laptop at cellphone sa study table bago naisispang lumabas.

Siguro naman ay tapos ng magluto si Pherlaine.

Pagbalik nya sa kusina ay nakahanda na nga ang lahat. Nakahain na ang mga pagkain at nakalagay na ang mga plato at kubyertos.

Habang sinasalin pa ni Pherlaine ang adobo sa mangkok.

Ng maramdaman nito ang presinsya nya ay nilingon sya nito. Ngumiti ito bago nagsalita.

"O, kain na." nilagay nya ang mangkok sa mesa at umupo sa upuan katapat ng inuupuan nya.

Kumuha sya ng pagkain ganun na rin si Pherlaine.

"Laine, I'd be gone for a month or two." napaangat ng tingin ang kaibigan nya sa sinabi.

"Saan ka pupunta?" binalik nito ang tingin sa pagkain at nagpatuloy kumain.

"May gagawin lang ako. Hindi ko na muna sasabihin sayo alam ko namang mag-aalala kalang kung sakali. Don't worry mag-iingat ako." ngumiti sya ng pilit sa kaibigan.

Ang totoo ay ayaw nyang sabihin dito na mag-uumpisa na naman syang mag-imbistiga dahil baka pati ito ay madamay pa.

She don't want to lost another friend. Nawala na sa kanya si Karylle dahil sa pag-iimbistiga nya at ayaw nyang pati si Pherlaine ay mawala pa.

"Sige. I know your not yet ready to open up things to me. I'll wait. Just remember I'm always here for you." ngumiti ito sa kanya.

Tumango lamg sya bilang ganti. Pinagpatuloy nila ang pagkain. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ring umalis si Pherlaine may aasikasuhin pa daw ito.

She spent her remaining hours reading articles and news about Lore Lei Latuza. So far, walang kahina-hinala sa kanya. Maayos ang feedback sa kanya ng mga tao.

Alas 8 sya natapos sa pagbasa-basa. Hindi nya na na namalayan pa ang oras.

She wanted to see everything about this girl. Baka may mahanap syang scoop sa internet and badly, none.

Naghalf bath lang sya at agad natulog.

She needs energy for tomorrow. Dahil sisiguraduhin nyang sa oras na ito makakakita na sya ng kahit konteng lead.

avataravatar
Next chapter