3 Chapter 1

Ting...

Mula sa pagkakaupo sa kama ay nilakad ni Lean ang diatansya nya mula sa center table na pinagiliran ng isang mahabang couch at isang single sofa, kaharap nito ang isang flat scree tv ng marinig ang tunog ng cellphone, may nagtext.

'You cost nothing, they cost everything.'

Napakunot ang noo ni Lean sa nabasa. Mula sa unregistered no. ito.

Cost? Nothing?

Hindi nya maintindihan ang nais iparating ng mensahe kaya agad syang nagtipa ng reply.

'What do you mean?  Do I know you? Who are you?'

Agad nya iyong si-nend ngunit, nag-e-error lang ito.

Pilit nyang iniintindi ang laman ng mensahe.

You means sya ang tinutukoy nito at cost nothing, ibig-sabihin ay walang halaga o kwenta?

Wala syang halaga?

At they cost everything? means Mas mahalaga sila?

Sino ang tinutukoy nyang sila?

Bakit sila mahalaga?

Isang salita ang nabuo sa kanyang isipan.

Kill. Patay.

Ang mensahe ay nagsasabi sa kanyang wala syang kwenta at sila ay mas mahalaga, ibig sabihin mas madali syang mapatay dahil wala syang pakinabang habang ang tinutukoy nitong sila ay mas mahalaga kaya pinakikinabangan nila.

It only means that her investigation through the past years comes to the attention of her enemies.

At kailangan nya na ring kumilos.

Agad nyang pinatay ang cellphone, kinuha ang sim card saka nilagay sa isamg maliit na plastic.

Mabilisan syang nag-ayos. Sout ang black jeans at black top ay kinuha nya ang slim bag saka lumabas sa kwarto nya.

Kailangan nyang ipahacked ang sim card baka sakaling malaman ang location ng sender ng message.

Pagkalabas ng bahay ay binunot nya sa loob ng slim bag ang susi ng kotse. Agad nya itong pinaharurot papunta sa pinakamalapit na technology company kung saan rin nagtatrabaho ang kaibigan nya.

Ipinarada nya ang kotse sa harap ng gusali.

"I'm looking for Valder Noaoma." pagkatapos sabihin ang pangalan ng kaibigan sa receptionist ay kinuha nya ang cellphone sa bag at tumipa ng mensahe para rito.

'Val, Im at the lobby, meet me. Importante.'  pagkatapos itipa at i-send ang mensahe ay binalik nya sa bag ang cellphone.

Tuminhin-tingin siya sa paligid habang hinihintay ang kaibigan. Malaki-laki itong kompanya kaya marami ang mga tauhan. Iilang mga  grupo ng mga kababaihan ang nakita nya, nag-uusap. Siguro ay break time ng mga ito.

"Hey!" agad niyang iniwas ang tingin sa mga kumpol at nilingon ang pinagmula ng tinig. None other than her mighty bestfriend Valder Noaoma.

"Sorry for interupting you but its really important." bahagya syang ngumiti rito.

"Its okay.No worries." ngumiti rin ito pabalik sa kanya saka sya ginaya papasok sa elevator, paakyat sa opisina nito sa ika-7 palapag.

Napatingin pa ang ibang nadadaanan at nakakasalubong nilang mga empleyado sa kanila. Who wont? Masungit itong si Val kaya kunte lang ang kaibigan at hindi maipagkakailang gwapo rin, head turner, sino ang hindi maiintriga kung ang isang famous hacker ay may kasamang babae, at nakangiti.

With her confidence and fiesty look, she walk with elegance following Val when the elevator opens, nasa tamang palapag na sila.

Tahimik ang pasilyong nilalakaran nila. Walang masyadong tao sa labas, ngunit kita ang mga ito sa kani-kanilang cubicle, busy sa kani-kanilang trabaho. Naka glass wall ang bawat opisina kaya kita ang mga dumadaan sa pasilyo ganun na ein ang mga nasa loob nito.

Tumango siya kay Val ng inilahad nito ang kanang kamay sa kanya, sinasabing maunang syang pumasok, habang ang kaliwang kamay ay nakahawak sa seradura ng pinto.

Ngumiti ito bilang tugon sa kanya.

"So, this is your new office huh." hayag nya habang inililibot ang paningin sa loob ng opisina ng kaibigan.

Nasa 2nd Floor kasi noon ang opisina nito at pinalipat sa 7th Floor dahil prinomote na rin ito.

"Yup!! So, what do you think?" nagtungo ito sa kanyang swivel chair at umupo.

"Well, I must say, its good. Mas maganda sa una mong opisina." tumingin sya saglit sa binata saka pinagpatuloy ang pagmamasid.

Katamtaman lang ang laki ng office. Mas isang lamesa paharap sa pinto at swivel chair roon, kung saan nakaupo si Val at may isang maliit na bookshelf sa gilid nito, na puno ng makakapal na libro. Sa kanang bahagi naman ng lamesa ay may isang malaking table kung saan nakalagay ang mga computers, gamit ni Val sa panghahacks.

"Here." lumapot sya rito at umupo sa kaharap na bakanteng upuan. Inabot nya sa kaibigan ang mallit na plastic, laman nito ang sim card nya.

Agad naman nitong kinuha sa kanya ang plastic.

"A sim card?" kumunot ang noo nitong tumingin sa kanya.

"Yeah! Can you hack that sim card of mine? May nagtext kanina sakin, from unknown no. saying 'You cost nothing, they cost everything.'  that rings a bell to me, baka makatulong sa akin para makuha ang hustisya para kina Mommy at Daddy." malungkot syang tumngo.

"I'll try my best An." An ang tawag nito sa kanya. An cute raw kasi.

Ngumiti sya ng bahagya sa kaibigan.

"But An, aren't you done yet? aren't your tired? Its been 5 years An, wala pa rin." bitbit ang plastic ay naglakad ito palapit sa lamesa, kung saan ang mga computer niya.

"I wont stop until I get the justice tbey deserved. Wala akong pakialam kung umabot pa ng ilang taon ito." she said coldly as she reminisce the day she learned about her parents death.

Nasa eskwelahan sya noon ng makatanggap ng tawag mula sa hostipal.

"This is Nurse Cara from Montemayor Hospital, are you Ms. Lean Lacsamana? Can you please come? Nandito po ang bangkay nina Mr. and Mrs. Lacsamana."

After hearing those, she felt like hear world stop. Nabitawan nya ang hawak na cellphone. Pumaulit-ulit na bumubulong sa kanya ang boses ng Nurse.

Hindi nya na matandaan kung paano sya nakarating sa ospital, nakarating sa kwarto kung saan natabunan na ng puting tela ang malamig na katawan ng mga magulang nya.

Dahan-dahan ang ginawang nyang hakbang palapit sa kanila.

'M---my!'

Nanginig ang mga tuhod at kamay nya ng maramdaman ang lamig ng katawan ng ina, habang niyayakap nya ito.

Sunod nyang nilapitan at hinagkan ang ama.

She screams and cry her lung out. Halos hindi sya makahinga dahil sa pagbara ng lalamunan. Halos hindi na rin sya makatayo. Hinang-hina ang buo nyang katawan.

She just felt a hot liquid falling from her eyes. Hindi nya namalayan umiiyak na pala sya. Agad nyang pinunasan ang mga luha at malalim na bumuntong hininga.

She should stop reminsicing those days. Mas masasaktan lang sya pag naaalala nya ang araw na iyon.

The day she became the weakest person. Also the day she promised to be brave and give the justice her parent deserve.

Tumikhim sya upang kunin ang atensyon ng kaibigan na busy sa pagtipa. Napalingon ito saglit sa kanya at agad ring binalik ang tingin sa monitor.

"Hmm?"

"I'll just take a walk or magcocofee sa labas. Babalik nalang ako maya-maya." tumayo sya at sinukbit ang slim bag.

"Yeah! Sure." ngumiti ito sa kanya at kumaway pa bago muling magtipa.

She made her way out. Kailangan nyang libangin ang sarili dahil kung hindi ay baka kung saan naman makakaabot ang mga imahinasyon nya.

avataravatar
Next chapter