12 Chapter 10

Maagang nagising si Lean kinabukasan dahil balak nyang kausapin si Lore Lei na puntahan na nila ang bangko.

Pagkagising ay agad syang naligo. Pagkababa ay kumuha lang sya ng sliced bread saka nilagyan iyon ng peanut butter.

She didn't usually eat heavy breakfast, though.

Nagmaneho sya sa pinakamalapit na grocery store. Mag-go-grocery siguro muna sya dahil maaga pa rin naman wala na rin kasing laman ang ref nya.

Dumeritso sya sa vegetables and fruit stands. Kumuha sya ng iilan doon at lumipat sa mga meats. Bumili rin sya ng mga snacks. Nang makuha ang lahat ng gusto nya ay binayaran nya na iyon.

Tahimik syang nagmaneho pabalik sa bahay nila nang makita ang isang kotseng pagewang-gewang dahil sa pag-oovertkae, mukhang may hinanahabol ito. Sa kaisipang baka maaksidente iyun ay sinundan nya ang kotse. Nag-oovertake sya sa mga nasa kotse sa harap ng makitang papalayo na ito.

Hindi nya namalayan lumalayo na sila sa mga sasakyan at mga gusali. Mukhang ang daang tinatahak ng kotse ay pa probinsya. Mag binilisan nya ang pagtakbo hanggang sa maunahan nya ito, bumwelo sya at hinarang ang kotse nya sa kaninang sinusundang kotse.

Nakita nya ang paghinto ng kotse, siguro ay nagulat pa ang driver sa pagpreno dahil bahagya itong umalog. Lumabas galing doon ang isang lalaki, nasa 6'2 ang height nito, kita sa mukha nito ang labis na pagkairita.

Sya na itong nilayo nya sa disgrasya ito pa ang may ganang magalit!

Inis syang lumabas ng kotse at sinalubong ang mga masasamang tinging binabato sa kanya ng lakaki.

"Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?" galit sya nitong binulyawan at bahagya pa syang tinuro, sya naman ay napanguso nalang.

"Malamang! I'm just saving you from the possible accident, Mr. Ang bilis kaya ng takbo mo." inis nyang sabi ay inirapan pa ito.

"Well, your not helping me Ms. Alam mo ba dahil sa pagharang mo sakin ay nakatakas na ang hinahabol ko?" masama pa rin ang timpla ng mukha nito ng sabihin iyon.

"Bakit mo ba hinahabol yun? Did you know that stalking is considered as intentional injury?" ngumuso sya rito ng makitang ngumisi ang lalaki.

"Well, do you think selling drugs ain't a crime?" ani nito sa kanya, hindi nawala ang ngisi nito sa mga labi.

"Huh?" napamaang sya at bahagyang kumunot ang mga noo.

"Ang hinahabol ko ay isang drug dealer. I'm in a mission Ms. At ng dahil sayo nakatakas sya." mariin nitong sabi sa kanya.

Shit!

"Sorry po. Sorry. Hindi ko naman kasi alam eh." paulit-ulit nyang niyuko ang ulo habang kinakagat kagat ang kuko sa daliri, ngumuso pa sya para itago ang kabang nararamdaman.

Bakit ba kasi ang pakialamera nya.

"Walang ng magagawa yang sorry mo." malamig ang boses nito ng sabihin iyon.

Hindi nya makayanan ang walang ka-ekspresyong mga mata nito kaya napa-iwas sya ng tingin habang kinakamot ang ulo

"... I'm captain Dael Miranda. Sumama ka sakin sa presinto, nag-overspeeding ka, wala akong dalang ticket kaya sa presinto mo nalang isipin kung ano ang magagawa mo." mariin at malamig nitong saad.

Agad syang napaangat ng tingin dahil sa narinig.

"Bakit sa presinto agad? Overspeeding lang naman yun eh. Hindi ko naman kasi alam na may hinahabol kang kriminal. Hayaan mo nalang akong makaalis hindi naman gano kasama yung violation ko eh." ngumuso sya rito.

Hindi ba pwedeng paalisin nalang. Patawaran ganun. May pupuntahan pa naman sya.

"Wala ka nang magagawa. Pulis ako at ginagawa ko lang ang trabaho ko." nakakapangilabot ang lamig ng boses nya.

"Mr. Miranda may pupuntahan pa ako kaya pwede po bang ipagpaliban na muna natin ito, hmm?" pinandilantan nya ito ng mga mata.

"Sa presinto ka nalang magpaliwanag, Miss." seryosong ani nito.

"...Sundan mo ko papunta sa presinto dahil hindi naman pwedeng iwan natin dito yang kotse mo. Medyo malayo na ito sa syudad at baka manakaw pa yan. Wag na wag mong susubukang tumakas dahil may kuha na ako ng plate number mo." nilabas nito ang cellphone at pinakita sa kanya ang kuha ng dash cam.

Piste!

"Arghh. Fine!" inis nyang ani rito at umirap.

Hindi nya na hinintay pang makasagot ito. Agad syang bumalik sa kotse nya. Napakunot ang mga noo ng hindi pa rin umaalis ang lalaki sa kinatatayuan nito.

Napairap sya sa kawalan bago pindutin ang busina ng sasakyan. Gumawa iyun ng tunog pero hindi man lang natinag ang lalaki. Tinapunan lang siya nito ng tingin at nginisian bago naglakad pabalik sa kotse nya. 

Nakasunod lamang sya rito.

Hindi naman kasi nya magawang tumakas lalo na at may pruweba ang lalaking yun baka sya pa ang kasuhan dagdag iisipin naman nya iyun at oras.

Her time was precious especially now na nag-iimbistiga sya. Gusto niyang matapos na ito because seriously, its giving her headache. But she know she cant stop. Gusto nya rin namang mabigyan ng hustisya ang mga magulang nya.

Her grandparents were peacefull in heaven too. Kaya sya nalang talagang mag-isa sa pamilya nila. Andyan rin ang tita Yvangelin nya pero hindi nya rin naman iyon nakakasama at hindi nga silang dalawa bati.

But luckily she have her friends.

Ang tita nyang namamahala sa mga restaurants nila ay pinsan ng mama nya ngunit hindi sila nito masyadong malapit. Ang tito naman nyang kapatid ng daddy nya na syang namamahala sa firm nila ay may asawa na ngunit hindi pa ito binibiyayaan ng anak. Bata pa rin naman kasi ang mga ito. 31 palang ang tito nya habang 28 palang ang asawa nito. Malayo ang age gap nito sa kapatid sapagkat menopausal baby ito.

Hanggang sa pumasok sila sa presinto ay nakasunod pa rin sya kay Dael. Ang mga nadadaanan nilang mga pulis ay sumasalado dito ngunit tinatanguan na lamang nito. At sa twing lilipat ang paningin sa kanya ay hindi nya maiwasang mapanguso dahil base sa mga mapapanuring mga mata ng mga ito ay naiisip nyang inaakala ng mga ito na girlfriend sya ni Dael.

Sa sungit ng lalaking to himalang may pumapatol pa dito. Napatawa sya ng mahina sa naisip kaya nilingon sya ng binata, tinaasan nya ito ng kilay kaya umirap ito sa kanya.

"Bakla" natatawa nyang salita ngunit napatigil ng masalubong ang malalamig ngunit nagbabagang mata ng binata.

"Anong sabi mo?" mariin nitong sabi kaya naman ay napayuko na lamang sya.

"W-ala." mahina nyang pinagalitan ang sarili sa ulo ng ma utal.

"Hindi uubra sakin yang pakulo mo." ngumingising ani nito kaya napakunot ang noo nya. Napa-awang ang bibig niya ng ma-realize ang sinabi nito.

"Abat! Hoy lalaki ang kapal ng mukha mo ah." mariin nitong sabi bago naunang naglakad ng padabog, sinangga pa nito ang balikat ng binata.

Wala na sya sa mood halos buong oras na naroon sya sa presinto. Binigyan lang sya ng ticket at agad rin namang pinaalis.

Imbis na puntahan si Lore Lei ay pumunta sya sa Publishing House nila. Gusto nyang alamin ang takbo ng kompanya simula ng magleave sya para makapagfocus sa pag-iimbistiga.

Nagtrabaho sya buong araw hindi na nga nya nagawa pang kumain ng lunch sapagkat hindi rin naman sya gutom. Pumirma lang naman sya ng mga files at contract saka nagreview ng mga documents.

Alas tres na ng maisipan nyang umuwi. Pagakarating ay kumain sya ng lunch bago manuod ng movie sa sala.

Hindi nya maiwasang maisip ang binata. Si Dael Miranda. Parang pamilyar ito sa kanya, parang nakita na nya dati pero hindi nya matandaan kung saan at kailan.

Bumalik sa ala-ala nya ang pagngisi nito kanina sa kanya. Hindi man nya aminin. Shit! That was damn sexy.

Mahina nyang tinampal ang sarili dahil sa mga iniisip.

She hope magkikita sila ulit kahit na medyo naiinis sya rito.

avataravatar
Next chapter