10 9th

Chapter 9

Zambales

Halatang hindi kami mag-jowa ni Greyson. Unlike kasi ng pairs na mga kasama namin, hindi sila mapaghiwalay. Kami ng best friend ko, hindi mapagsama.

Magkaiba kasi kami ng trip. Hilig niyang pumunta doon sa malalim eh hindi naman ako marunong lumangoy. Nasa shallow part lang ako ng dagat at kung anu-ano ang kinukuhanan ng litrato.

I'm taking strangers stolen shots. Mga tumatawa, kumakain ng barbeque, yung tatay na pasan ang anak na babae sa kanyang batok, yung mga batang gumagawa ng sand castle at maging yung magbabarkadang babae na panay ang picture taking.

Kinukuhanan ko rin ang dagat. Ito ang pinakapaborito ko. Kasi tuwing babalikan ko ang mga larawan, tila nare-refresh nito ang mood ko. Lalo na kung video tapos maririnig yung tunog ng alon at hangin. Ugh. God really took his time when he did nature.

"Ang ganda ng ulap, oh. Bakit hindi mo kuhanan?"

Napatingin ako kay Greyson. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal na nakaupo sa tabi ko.

"I hate Cloud," wika ko atsaka ini-stretch ang binti ko para kuhanan ito. Ipinostura ko ang binti ko para magmukhang sexy. Hindi pa ako nakuntento, nilagyan ko ng buhangin ang ilang bahagi ng balat ko.

"Damihan mo pa kaya," panggugulo ni Greyson. Nilagay niya ang dinakot niyang white sand sa legs ko.

"Epal ka talaga, ano?"

"Sinabi ko bang picture-an mo yung legs mo?" tanong niya.

"Wow, jowa kita?" sarkastik na sabi ko.

Wala siyang naisagot. Ginulo niya lang ang buhok ko. "Picture tayo," sabi niya matapos ko siyang suntukin sa braso.

Ang hard ng muscle ha.

Binigay ko sakanya yung DSLR ko. "Ikaw maghawak. Ang taba ng mukha ko kapag malapit sa camera."

"Hay, ewan ko ba." Umiling iling siya nang nakangiti.

Natawa nalang ako.

We take photos together.

"Tara, punta tayo doon sa bandang maraming isda. Kaso ma-corrals do'n," anyaya niya.

Tumango ako tapos tumayo. Sumunod naman siya.

Bigla akong may naalala kaya pinigilan ko siya at inayang bumalik ng tent. Maglalagay kasi ako uli ng sunblock. Hindi sa ayaw kong mangitim. Ang hapdi lang talaga kapag nagka-sunburn.

Napakamot nalang siya ng ulo pero sumunod sa akin. Na-touch pa nga ako sa kanya dahil habang nagpapahid ako ng lotion sa balat, kinuhanan niya ako ng egg sandwich at chocolate na baon namin.

Kinain ko iyon habang naglalakad kami papunta sa parte na maraming raw mga isda.

Suot ni Grey ang tali ng DSLR ko habang may hawak siyang goggles. Ako naman ay walang ibang dala kundi ang pagkain.

Nang makarating kami sa nasabing lugar, namangha ako sa mga nakita ko. Mayroon mga rock formation na ang iba ay nagiba. Not sure kung dahil ba sa nature disaster or what. Still, nakakaaya itong tignan at pwede pang akyatin.

I retrieved my camera from Grey then I do my passion; capturing sceneries through the lens.

It's not only the sceneries that a camera can capture, but the moments as well.

avataravatar
Next chapter