9 8th

Chapter 8

I was being impulsive to join Greyson, but seeing the beautiful island makes me not regret it. The view is just breathtakingly beautiful. I could stay here forever just by staring the mountains and the crystal sea water.

Ang pino din ng puting buhangin. Matapos kong kuhaan ng magandang shot ang paligid, nilingon ko si Greyson na busy-ng nagse-set-up ng tent. Tiningnan ko rin ang iba naming kasamahan.

Napangisi ako dahil na-realize kong ayaw sumama ng kaibigan ko sakanila nang siya lang dahil lahat sila may bitbit na girlfriend. Wala naman siyang girlfriend so ang awkward para sakanya na mag-isa. By the way, we're 5 pairs.

"Napakaganda ng kasama ko," parinig ni Greyson. He was being sarcastic kasi di ko siya tinutulungan.

Tumawa yung mga kaibigan niya even ung girls.

Nagkibit balikat ako. "Thank you."

I took him a photo bago siya nilapitan.

"Tulungan na kita," sabi ko sakanya. Naawa ako bigla ng very light.

Napaangat siya ng tingin.

"Akin na yung bag mo."

Ngumisi siya at inabot sa akin yung backpack niya. "Wag kang matutulog sa loob ng tent ko ah."

"Pake ko? Kaya ko naman matulog doon." Tinuro ko yung open nippa hut kung saan inaayos ni Ate Lita, nililinis ang mahabang lamesa na gawa sa kahoy tapos ihahanda na niya ang pagkain namin.

Nilapag ko yung bag niya sa tabi ng puno kasama ng mga gamit ko. Para kasing ewan, hirap na hirap na pag-ayos ng tent di manlang naisip na ilapag yung gamit niya para mabawasan bigat na dinadala niya.

"Papakin ka sana ng lamok doon tapos gagalisin ka," pang-aasar niya.

He knew how much I cared for my skin. Yung tipong mas pipiliin kong magkaroon ng malaking pasa or bukol kaysa masugatan.

"Epal!" Sinipa ko yung bag niya.

Sakto namang tapos na niyang i-setup yung tent.

"Hoy ikaw pasaway ka talaga!" Nagpagpag siya ng kamay tapos mabilis na pumunta sa'kin. Kinurot niya yung pisngi ko.

Tinulak ko nga.

"Sweet nyo naman," sabi ni Alfie habang pinapagpagan yung tuwalya niya. Nakangiti din sa amin si Shaira na girlfriend niya.

Ngumiwi lang ako. Anong sweet doon?

Nagpunta ako sa CR, which is public at may kalayuan mula sa tent namin. Ako lang mag-isa. Hindi na ako nagpasama kay Greyson dahil busy siya sa pag-aayos ng gamit namin tapos di ko naman close yung girls.

I dunno. I'm a type of person na mahirap makisalamuha sa umpisa. Not being maarte or what. Nahihiya lang ako. Ewan ko ba.

I wore my black two-piece swimsuit. Pero syempre, dahil wala yung girl friends ko in which I am not that comfortable, I also wore beach shorts and a see-through top.

Pa-conservative effect na medyo teasy.

On my way back to our tent, may time na tumitigil ako kapag may nakikita akong view or bagay na magandang picture-an using my phone.

Lumuhod ako para maangguluhan ang puno kung saan makikita sa kabila nito ang kagandahan ng kalangitan. Asul na asul ang kulay at tila may buo buong bulak na nagkalat.

Natigilan ako sa ginagawa ko. Seeing clouds make me remember him.

Pumaiba ako ng anggulo upang ang puno nalang ang mag-focus sa nakikita ko.

"Miss, may nagpapatanong kung ano daw name mo at kung may boyfriend ka na."

Natigilan ako sa ginagawa ko.

May dalawang teenager na lalake ang nakatayo sa gilid ko. Ang isa ay may Mediterranean look habang ang isa ay mukhang half-filipino half-chinese.

Tumayo ako at hinawi ang buhok ko. "I'm Elsa," sagot ko at ngumiti.

Yun ang sinabi ko dahil I admire Elsa's hair sa Frozen. Nagpa-blonde pa nga ako ng buhok and sometimes I braid my hair like hers.

"Napakatagal mag-ayos."

Napalingon ako nung marinig ako ang isang napaka-pamilyar na boses. Nagulat ako nang makita si Greyson. Di ko naman kasi inasahan na susundan niya ako dito. Iniisip ko nga naliligo na siya sa dagat ngayon.

Inakbayan niya ako at giniya paalis sa lugar. Nilingon ko yung dalawang lalake. Nakatingin sila pareho sa akin habang nag-uusap.

"Mga bata pala tipo mo ha," sabi ni Greyson habang naglalakad.

"I don't like boys my age, mas bata pa kaya?"

He stared down at me, "Anong gusto mo? Matanda?"

"Mga 3-4 years ahead sa'kin ganon."

Nag-pout ako. Naalala ko na naman si Cloud. Pasok na pasok siya sa standards ko. Successful sa career, mabait, gentleman and such. Kaso, manloloko.

Bigla akong nairita upon remembering how he made me fool in having me believe he was already done with his ex when he's really not.

avataravatar
Next chapter