7 6th

(Present)

I took a photo of our house in Taguig then sent it to our group chat.

It feels good to be back! Dito sa bahay na ito ako lumaki, dito kami madalas tumambay ng friends ko at dito ako madalas nakakatakas dahil kabisadong kabisado ko ang bawat sulok nito. Napangiti ako.

Last week my parents decided to live back here again. Simula daw kasi nung lumipat kami sa Ayala, sunod sunod ang problema sa firm. Ilang taon na rin naman daw ang nakalipas mula sa issue kong hindi naka-graduate on time.

Ang sweet ng parents ko, hindi ba? Wala ng ibang inintindi kundi ang sasabihin ng ibang tao.

Mayamaya tumunog ang phone ko.

Naka-receive ako ng PM from Grey. "Nice one! See you more often!"

Nag-reply lang ako ng GIF tapos bumalik na sa loob.

"Ma'am!" tawag sa akin ng isang maid.

"Bakit?" tanong ko.

Paakyat na ako ng hagdan papunta sa kwarto ko.

"Nako Ma'am, yung mga stuff toy niyo napipi. Hindi inayos ng kargador ang pagkakalagay pinatong doon ang ibang appliances–"

"WHAT?" I snapped. "Where's my Nini?"

Hindi kumibo yung maid. Napahawak lang siya sa ibabang ilalim ng labi niya.

Tatakbo na sana ako papuntang truck nang sumulpot si Mommy.

"Here."

Laking saya ko nung inabot niya sa akin yung baby ko.

"Alam ko namang mas mahal mo yan kaysa sa'min kaya sinafety ko yan agad."

"Thanks! Akyat na ako." Hinablot ko sakanya si Nini at tumakbo papunta sa room ko.

Wala akong pake sa ibang stuffs. Just my Nini. She witnessed all my burdens and pains. This thing can makes me feel okay.

Pagkasalampak ko sa kama, natulala ako sa ceiling. That moment, biglang kumirot ang puso ko. Naalala ko na naman si Cloud.

Sa ceiling na ako nakatingin pero naaalala ko pa din ang hinayupak na yun. That guy has the guts to fool me. It's been almost a year pero di pa din ako maka-move on.

Nakasama ko siya nung nagpart time ako sa isang studio agency. He was my supervisor back then. Napapagaan ang trabaho ko kapag kasama ko siya kasi he won't let me do the heavy job. Basta madaling project lang ang binibigay niya sa'kin at kung mayroon mang bigger events, sinasamahan niya ako.

I was so comfortable with him until one day I realized I like him. Then he confessed he liked me, too. The thing is mayroon siyang girlfriend. I tried my very best to distance myself. But he kept on approaching me lalo na nung nag-break na sila ng girlfriend niya. I thought every thing will be okay.

May isang araw na inamin niya sa'kin na magkasama sila sa isang project. I was okay with it. I have thoughts in my mind but not that much kasi I trusted him.

Then, I figured out nagkikita pa pala sila nung ex niya kahit walang project. Nagkakasama uminom and all the stuffs. Nalaman ko yon nung one time nalasing siya at nag-away kami kasi my instinct was telling me there was something wrong.

Dahil nga lasing siya at wala sa tamang pag-iisip, he gave me his phone and told me to read eveything.

Mahusay sya sa part na binura niya convo nila ng ex niya. Ngunit mas mahusay ako na chineck ko ang mga group messages and there I saw his picture with his ex kissing.

Nagbasa pa ako non at nakita na inaasar sila. Parang sila na daw uli pero bakit ayaw lagyan ng label.

Sobra ang gigil ko non. Gusto kong umiyak at magwala. Pero pinigilan ko. Ayokong umiyak sa harap niya.

Binalik ko sakanya ang phone niya at sinabi with all my pride, "Bakit hindi nalang kayo magbalikan ng ex mo? Ang effort mo sa'kin, hindi rin naman kita sasagutin."

That was true. Sobrang ma-effort niya sa'kin and he made me feel so special. Ramdam kong ako ang prio niya–which turned out magaling siyang pagsabayin ang dalawa.

Iniwan ko siya ng gabing 'yon.

Pagbalik ko sa kotse ko, doon bumuhos ang luha ko.

Gusto kong awayin ang lahat–even that girl. Pero biktima lang din siya. Ramdam ko kung gaano niya kamahal si Cloud at halos binigay na niya ang lahat.

Then nainis ako sa sarili ko. I was the reason of that girl's heartache.

Lumayo ako. Di na ako nagtrabaho pang muli sa studio na iyon. I blocked all his accounts and yung phone number niya. Wala na akong balita sakanya kung nagkabalikan na ba sila or what.

Pumikit ako at niyakap si Nini.

Sobrang bigat sa dibdib ng ganitong pakiramdam.

Ang daming nagsasabi pusong bato ako, ayaw ng commitment at paasa. Little did they know I have an untold stories. And behind this mask, I am vulnerable.

Nag-ring ang phone ko.

Hindi ko iyon sinagot dahil wala ako sa mood.

Matapos nitong tumigil ng ilang segundo, nag-beep ito hudyat na may text message.

Since it's just a text, binasa ko na ito.

Gawa mo?

Text ni Greyson.

Hindi ako nagreply dahil bigla akong nakaramdam ng antok hanggang sa nakatulog na ako.

Paggising ko, may tatlong unread messages ako galing kay Greyson.

Uy Rosé!

Pwede ka bang lumabas/tumakas ngayon?

May gusto kang puntahan?

Napakunot ang noo ko. Anong problema nito?

Di ko alam alin una kong sasagutin sa tanong niya so nagreply nalang ako na "Kagising ko lang."

Mabilis naman siyang nagreply.

May ride kami bukas kaso di na ako sasama. Wala akong angkas eh.

Napangisi ako sa sinabi niya.

"Ako nalang."

Bilis ng desisyon ko. Porket bagong gising?

"Weh? Talaga ba? Niloloko mo lang ako eh."

"Mukha ba akong nagloloko?"

"Sabi mo yan ah! Walang bawian."

"Oo nga. Epal mo eno."

"Hahaha! Nasa playground ako, nagsesenti. Wanna join me? "

"Wala kang pinagbago! Drama king ka pa din."

"Pumunta ka nalang dito, dala kang pagkain."

"Ayos ah."

"Sige na! Namiss kita beshie!"

"Oo na! Magdadala na ako ng Crunky fave mo."

Naabutan ko siyang tulala sa kalangitan. Nakaupo siya sa tuktok ng slide, his favorite spot.

Nagpunta ako doon pero di ko siya ginulat. Mahirap na, gabi pa naman. Baka ito pa ikamatay naming dalawa.

"Oh! Drama boy!" Hinampas ko ng mahina sakanya yung dala kong Cranky at Coke-in-can.

"Thank you, Beshie! Bakit ito lang dala mo?"

"Kung itulak kaya kita dyan ng malala?"

Tumawa siya. "Biro lang."

Nakaupo ako sa likuran niya. Pinagmasdan ko siyang nakatitig sa kalangitan.

Nakakainis din ito eh. Hangga't maaari nga ayokong tumitingin sa ulap dahil may naaalala ako.

"Di ka pa din talaga nagbabago," nasabi ko nalang bigla.

Nilingon niya ako. He gave me a why look.

"Hindi ka pa din nagkikwento ng problema."

Natawa siya. "Nagsalita! Palibhasa ice princess ka."

Napairap ako sa sinabi niya. Akala niyo lang....

Magaling lang talaga ako magsuot mg maskara at magtago ng problema.

I leaned into him. Napalingon siya sa akin saglit pero di naman siya mukhang nagulat. Sanay na yan sa pagiging clingy ko kahit nung classmate pa kami.

"Weird. We beshie but we ain't tell our problems to each other."

Tumawa siya sa sinabi ko.

"Edi mag-share ka na."

"Wala akong iki-kwento eh," I lied. I have so much thoughts.

"Hindi ko alam paano iki-kwento."

Yun lang at nanahimik na kaming dalawa. Siya, nakatingin sa kalangitan habang ako nakatitig sa mga mata niya. Nababasa ko sa mga iyon na may mabigat siyang dinadala.

Eversince may family problem na siya. Tapos last year, nagbreak sila ng long-term girlfriend niya. I witnessed how much he loved her. At alam kong sobrang masakit sakanya ang hiwalayan nila although hindi ko alam ang dahilan.

"4AM tayo bukas ah," sabi niya mayamaya.

Napaayos ako ng upo sa sinabi niya.

"Ang aga!" Then I checked the time on my phone. "9:30PM na, matulog na kaya tayo. Magda-drive ka pa, bawal kang mapuyat."

"Kaya ko mag-drive kahit walang tulog."

"Wala akong pake sa kayabangan mo, buti sana kung di ako yung angkas mo. Tss." Bumaba na ako ng slide sa pamamagitan ng hagdan.

Siya naman eh nagpadulas pababa habang iniinom yung coke.

"Masamid ka sana," sabi ko na tinawanan niya lang.

Naglakad kami pauwi sa bahay.

"Saan kita sunduin? Pwede ba sa tapat ng bahay niyo?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Edi nahuli tayo? Tatakas nga lang ako eh."

"Tanda mo na, tumatakas ka pa din."

"Di naman kasi ako papayagan."

"20 ka na girl."

Natawa ako the way he pronounced the word "girl".

"Saka lang ako magiging malaya kapag graduate na ako ng college."

Tumango tango lang siya. "So akyat bahay gang na naman ako neto."

Natawa ako sa sinabi niya ng malakas kaya nahampas ko siya. "Ayaw mo bang i-pursue? Sayang talent mo."

Tiningnan niya ako ng masama. "Basta ba dadamayan mo ko para may partner in crime ako?"

"No, thanks. Masaya na ako sa pagiging mabuting tao."

"Di ka sure."

I looked up to him habang naglalakad. "Na mabuti ako?"

"Na tao ka." Then he bursted out laughing. Tumakbo siya palayo bago ko pa siya masapak. Pero mayamaya lang ay sinabayan na niya ako uli maglakad.

Nung natanaw ko na ang gate, pinahinto ko na sa paglalakad si Grey.

"Dito ka nalang, baka makita tayo ni Daddy. Bye!"

Nag-wave siya at ngumiti. Pagpasok ko ng gate, nakita kong nakatayo pa rin siya sa spot kung saan ko siya iniwan.

His hands were inside his pocket. Ang gwapo talaga ng beshie ko!

Nilabas ko yung phone ko and took him a photo. Napansin niya yun at ngumiti. Natawa nalang ako ng mahina.

Kumaway ako sakanya at tuluyan nang pumasok sa loob ng gate.

"Trip mo talaga ako picture-an ah. Kanina ka pa sa playground, kala mo di ko napapansin?" he texted me.

Napangiti ako then I replied, "Cute mo kasi tumulala eh."

avataravatar
Next chapter