6 5th

2019

"Beeeeb!" Tumakbo si Sulli papunta sa akin pagkababa ko ng kotse. "I missed you!"

"Mas na-miss kita gaga!"

"Tagal na nating di nagkita, 3 weeks?" Tumatawang sabi niya.

Madalas kasi kami magkita niyan. Pareho kaming mahilig sa coffee so sa mga coffee shop kami nagkikita madalas at nagchichikahan.

Reunion ng batch namin though isang taon palang naman ang nakalipas after they graduated. Ganyan ka-close ung bond namin. Mababait sila and none of them belittle me dahil di ako nakasabay ng graduate sakanila. Or maybe not. Anong malay ko kung anong pinag-uusapan ng iba kapag wala ako.

However, I don't care.

Well, kahit naman undergraduate pa ako, masasabi kong successful pa din ako. I received awards for being an amateur photographer sa isang company. Though it's not as big as you thought.

Nag-aaral pa din ako. Pinipilit kong tapusin yung kursong gusto ng magulang ko kahit ayoko. Kahit na mas gusto kong pinaglalaruan ang camera ko kaysa sa calculator.

Pini-picture-an ko yung former classmates kong sumasayaw nang may sumabunot sa'kin.

"Arnel!" masayang tawag ko sa pangalan niya. Kung hindi ko pa naiki-kwento, siya yung pinaka-close ko. As in solid!

Siya lang yung lalakeng nasasabihan ko ng mga napagdaanan ko before. Basta sakanya ako pinaka-comfortable.

"Na-miss kita, unggoy." Niyakap ko siya.

Tinulak niya ako. "Kadiri ka. Hanggang ngayon may gusto ka pa din sa'kin."

"Napaka-kapal!"

Tumawa lang siya. Mayamaya, may nakita siya sa likuran ko.

"Jack! Andito yung bebe mo!"

Narinig siya ng iba naming kaklase at sinimulan na kaming tuksuhin.

Kami daw kasi yung Titanic Couple sa classroom noon. Kahit iba pronounciation ng name ko. Not the typical Rose. It's Ro-sei.

Lumingon ako at nakitang magkabay na naglalakad papunta sa direksyon namin sila Jack at Grey.

"Hi, Grey! I missed you!" Niyakap ko siya. Hinawakan niya lang ako sa balikat. Ganun siya ka-gentleman. Everytime I hug him, he would not hug me back but will just pat my shoulder instead.

"Ako, walang hug?" tanong ni Jack.

"Wala!"

"Walang pinagbago. Attitude ka pa din," natatawang sabi niya.

Nagpicture kaming lahat, kumain, uminom at nag-swimming.

Di ko mahagilap si Sulli kasi madalas siyang dikit kay Grey. Well, kahit naman dati sila lagi yung dikit. Kung ako inaasar kay Jack, siya naman ay kay Grey.

Nung hatinggabi na, nakumpleto kaming lahat sa pool. At hindi na naman ako nakaiwas sa tanong nila.

"Ngayon ba may pag-asa na si Jack sayo, Rosé?" tanong ni Carrick.

"Wala. Tropa is tropa."

"Ang rekta mo naman sumagot. I-sugarcoat mo naman ng konti minsan," biro ni Allen.

Inirapan ko lang siya ng pabiro.

"Kapag kayo kinasal sinasabi ko sainyo sagot ko catering," sabi ni Harrold.

"So kailangan pang may ikasal bago namin matikman ang libre mo?" Tanong ni Sulli.

Natawa kami.

Nakita ko si Ann na tumatawa habang nakatingin kay Jack. Sweet. Kahit di magsalita si Ann, alam ko noon pa na gusto niya si Jack.

Nung bigla akong nakaramdam ng antok, tinawag ko si Sulli. Sabi niya mauna na akong matulog dahil mag-iinom pa siya. Edi sila na malakas sa alak.

Umahon na ako sa pool para maligo. Ang sarap! Ang lamig ng tubig tapos ang lambot ng PJs na suot ko. Ang komportable lang at nakakaganang matulog.

After that, nagpunta ko sa living room, nagulat ako nang makita si Grey sa sofa na naglalaro sa phone niya.

"Uy, bat ka andyan? Ayaw mo don sa kanila?" tanong ko at umupo sa tabi niya.

"Ayoko, masyadong maingay." Seryoso ang mokong sa paglalaro.

"OK." Inagaw ko yung kumot na gamit niya.

"Hoy, ano ba yan," reklamo niya nang hindi inaalis ang tingin sa phone.

"Ang lamig eh, ang tagal ko nakababad sa pool."

Di na siya nagsalita at hinayaan akong gamitin yung kumot niya.

Sumandal ako sakanya. Natawa ako kasi nagreklamo na naman siya sa ginawa ko tapos tinulak ako ng mahina. Nasagi ko kasi ung braso niya so nagulo yung nilalaro niya.

Pero di ako natinag. Sumandal ako sakanya at pumikit para matulog.

"Dun ka kaya sa room. Pinapahirapan mo sarili mo pati ako."

"Ayoko nga. Natatakot ako wala akong kasama. Kapag andyan na si Sulli gisingin mo ako."

"Oo na. Wala naman akong choice."

avataravatar
Next chapter