5 4th

2018

Our family was pretty well known in the village. And it embarassed my parents na hindi ako ga-graduate on time. It's very obvious how disappointed they were to me—their only child. Nag-iisa na nga lang wala pang kwenta.

Nasa backyard ako habang pinapanood ang mga tauhan nila na magbuhat ng mga gamit namin papunta sa truck. Tinext ako ni Grey na pumunta dito dahil gusto daw akong makausap saglit ni Jack.

Yakap yakap ko yung stuff toy na regalo sa akin ni Grey nung birthday ko last year. Hindi ko alam, at hindi sa pagmamayabang maraming nanliligaw sa akin, pero si Grey lang ang tanging nagbigay sa akin ng stuff toy. Maybe most of them don't see me into soft and cute things dahil maraming nagsasabi fierce ang hitsura ko. Mukhang maldita. Halatang attitude at kung ano pa.

Little did they know, I'm so vulnerable and such a cry baby. Pero syempre, hindi ko iyon pinapakita sa iba.

Kaya nga ang saya ko nung niregaluhan ako ni Grey ng stuff toy na may sapat na laki para yakapin ko nang hindi ako mahihirapan o mabibigatan. Laking tulong din nito sa akin tuwing nalulungkot ako.

Sa kalagitnaan ng pagmumuni muni ko ay bigla nalang akong napatili nung may bumagsak sa puno. Akala ko kung ano. Ayun pala, si Jack.

"Rosé, malayo ba lilipatan niyo?"

"Seryoso ba, tinalon mo yung bakuran namin para lang tanungin yan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nahihiya kasi ako sa gate ninyo dumaan, baka isipin ng daddy mo nililigawan kita. Mamaya niyan lalo kang ilayo. Imbes na dito pa din sa Pinas baka sa ibang bansa na kayo lumipat."

"Sa Ayala lang kami lilipat. Lapit lang. OA mo." Inirapan ko siya ng pabiro.

"Sungit mo talaga."

Natawa ako. "Alam ko."

"Oh. Iyo nalang." Inabot niya sakin yung malaking bar ng Dairy Milk.

"Ikaw yung ga-graduate tas ako binigyan mo? Patay na patay ka talaga sa'kin," natatawang sabi ko.

"Oo, patay na patay ako sayo kahit napakaarte at napakamaldita mo," tumatawang sabi niya.

"Whatever! Umalis ka na nga, ma-late ka pa sa graduation niyo. Congrats!"

Tinapik niya ako sa braso. "Congrats din in advance. Naniniwala kaming tropa na matatapos mo 'yan."

"OK. Sabi mo eh."

Ngumiti siya bago tumalikod.

"Grey! Tulungan mo na ako pumanhik!"

Napailing nalang ako.

Mahigpit ang security dito sa bahay pero kabisado ito ni Greyson bilang madalas siyang pumuslit dito. Ang galing nga eh. Never siyang nahuli or na-detect ng system. Iba talaga nagagawa ng matalino, kaya mang-hack. At ako naman binibigay din sakanya ang mga info para tulungan siya.

Mayamaya, dumungaw na si Grey. Kumaway siya sa akin nang magtama ang mga mata namin.

Naglakad ako palapit sakanila.

"May hagdan kasi don, di ka nagtatanong eh." Tinuro ko kay Jack yung hagdan na nakasandal sa pader.

Napakamot siya ng ulo. "Wala na, nakaakyat na ako eh."

10:53 AM palang naman at 3 PM ang graduation ceremony nila. Pero kahit na, need pa nila magprepare para lalong pogi. Minsan lang ga-graduate ng college eh.

Napabuntong hininga ako.

Di ako nalulungkot dahil di ako makaka-graduate on time. Alam ko naman kasing fault ko iyon. Nalulungkot ako dahil di ko sila makakasama grumaduate.

"Sabihin mo sakanilang lahat congrats," sabi ko kay Jack.

Nag-salute sya bago tumalon pababa.

Tumalikod na ako para umalis. Ngunit tinawag ako ni Grey.

"Ano na naman?"

"Lapit ka, may sasabihin ako."

Lumapit naman ako. Nakakangalay tumingala sakanya dahil mataas ang pader.

"Kahit di ka ga-graduate on time, I'm still proud of you. I witnessed how you did your best." Sinabi niya iyon ng may sinseridad sa tono ng kanyang boses at nakangiti.

Nalaman ko nalang na nakatulala na ako mag-isa hanggang sa tinawag na ako ni Mommy.

avataravatar
Next chapter