2 1st

2015

I was not the type of person who easily gets along with others. Are you familiar with the set up na you have a best friend whose very friendly tapos nadadagdagan yung mga kaibigan mo because of her? That's Sulli. Karamihan sa mga kaibigan ko, nauna niyang maging ka-close.

Syempre may mga time na nagkakasama-sama kami so nagiging close ko na rin ang iba. I don't usually talk to someone until they talk to me first. Not being maarte, suplada, or whatnot. It's just my personality. Sabihin na nating nahihiya akong maunang mang-approach.

"Rosé, may gawa ka na sa project?" Tanong ni Greyson Ryder.

"Wala," simpleng sagot ko dahil nagsusulat ako ng essay. Assignment ito pero tinamad akong gawin sa bahay at dahil pang-third subject naman ito, dito ko na ginawa.

"Tayo nalang partner, wala pa akong partner eh."

I stopped writing and looked up to him. "Partner na kami ni Sulli."

Yun lang at nagsulat na uli ako.

I heard him murmured something but I did not care.

"Guys, listen up!" tawag pansin ng class president namin. Tumigil ako sa pagsusulat, sila Sulli naman at mga kaibigan naming lalake ay tumigil sa pagki-kwentuhan. Ganun din ang iba naming classmates para makinig sa sasabihin ni Annabelle na aming klase presidente.

"Nakausap ko si Ma'am Ibañez, wala tayong klase sa kanya ngayon—"

Nagsihiyawan naman yung mga maloloko kong kaklase lalo na yung mga kaibigan namin. Sila kasi ang pinakamaingay sa section, to be honest.

"Wag kayong magsaya, mga baliw! Marami siyang ipapagawa sa atin. Sa time ng subject niya kailangan natin magpuntang Library para sa research about enterpreneurship tapos non pwede na nating gawin yung interview. Tapos dahil may pinadagdag siya sa output, hindi na by partner; by five members na. Si Ma'am ang naghati sa grupo based sa lapit ng mga bahay para di mahirapan sa pag-interview."

Kumuha siya ng pen at nagsulat sa white board. Sinulat nya ang bawat magkaka-grupo.

"Shet, di tayo magkasama sa group!" Kinalabit ako ni Sulli.

Kagrupo ko si Greyson, Jack, Arnel at Harold.

Kasama naman ni Sulli si Bob, Carrick, Elijah at Justine.

"Bait ni Ma'am pinagsama sama magkakaibigan," sabi ni Justine.

Napailing ako ng bahagya. Knowing my friends? Alam kong ako lang ang gagawa ng project namin. I mean, pagdating sa paggawa ng term paper.

avataravatar
Next chapter