18 17th

"Madaya ka. Dinala mo talaga ako doon para magkwento ako sa'yo, ano?" tanong ko sakanya habang nagmamaneho siya.

Tumawa siya. "Hindi ah," tanggi niya. "Gusto lang talaga kita dalhin don. Eh nung pinapanood kitang nakatulala sa malayo halatang may malalim kang iniisip kaya nagtanong na ako."

"Oh, talaga ba."

"Wag ganyan, Rose! Di lahat nagsisinungaling." Nakita kong sumilay ang ngisi niya.

Hindi sa inaasahan...

"Next time ako naman ang may iki-kwento."

Natameme ako ng ilang segundo sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Sa pagkakaalam ko kasi ayaw na ayaw niyang pag-usapan yung dahilan ng break-up nila ng ex niya.

Or... baka iba ang sasabihin niya?

"Ipapamukha ko sa'yo na hindi lang lalake ang nagloloko." Humalakhak siya pero may bahid ng lungkot sa likod ng mga tawa niya.

Tumawa nalang ako ng mahina para hindi niya mapansin na naramdaman ko ang lungkot niya tapos tumingin sa bintanang katabi ko.

Alas tres na ng madaling araw. Mabuti nalang tumawag yung mommy ko kaya nalaman namin ang oras. Kung hindi ay baka magulat nalang kami na maliwanag na.

As usual, para akong teenager kung hanapin nila.

Tumigil kami sa playground ng village kung saan niya iniwan ang motor niya. Pagkababa niya, ako naman ang pumalit sa driver's seat.

Hindi niya sinara ang pinto hanggang sa makalipat ako ng pwesto. Pero binuksan niya uli. Akala ko may nakalimutan.

"Salamat pala," aniya.

"Diba dapat ako ang mag-thank you sa'yo?"

Umiling siya. "I know even before it's hard for you to trust someone. So thank you for sharing me your bitter past and for trusting me."

Inismiran ko siya. "Wag ka masyadong magdrama! Malay mo last ko nang kwento sa'yo yun."

Kinurot niya ang pisngi ko. Kinagat ko nga yung kamay niya.

"Ang hilig mo talagang mangagat!" reklamo niya habang nakahawak sa parte ng kamay niya na kinagat ko.

Tapos... tapos nahuli ko siyang tumingin sa labi ko.

Shiz! Alam kong parehas kami ng iniisip. During our...er...kissing scene sa Zambales kasi, kinagat ko yung buttom lip niya tapos nagreklamo siya non, ang sadista ko daw talaga.

Naramdaman kong nag-init yung pisngi ko.

Nag-iwas ako ng tingin at kunyare may kung anong inayos sa manibela.

"Salamat sa pagsama sa'kin," dagdag ni Grey. Dinig na dinig ko ang awkwardness sa boses niya.

"K," tipid na sagot ko.

"Lagot ka sa parents mo."

This time, napatingin na ako sa kanya. "Kapag ako binugbog, ituturo din kita para fair."

Nagtawanan kami.

"Strict masyado ni Tito. Kahit kami di makapunta sainyo." Pinatong niya yung siko niya sa bubong ng kotse ko at nag-bend down to level me.

Aba, mukhang may balak pa makipagchikahan.

"Ganun siya ka-walang tiwala sa akin."

"Ikaw talaga..." Binalak niyang kurutin na naman ang pisngi ko pero mabilis kong tinaboy ang kamay niya.

"Uuwi na ako, anong oras na. Lalo ka na, alas sais pa yung pasok mo."

Ngumiti siya ng matamis. "Mamaya uli, hatid kita para kapag sinundo kita hindi tayo magkaibang sasakyan."

"Ang dami mong sabi. Umuwi na muna tayo para matulog ka na, mas maaga pa pasok mo sa'kin." Inirapan ko siya ng pabiro.

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "See you later."

At bilang pang-asar, ginulo niya ang buhok ko bago tumakbo palayo kung saan naka-park ang pinakamamahal niyang motor.

Kumaway ako sakanya bago tuluyang sinara ang pintuan ng kotse ko at nagmaneho paalis. Tumingin ako sa side mirror, nakita kong nasa gilid lang siya ng kotse ko. Para tuloy siyang security staff ko.

Nakasunod siya sa akin hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay namin. Habang hinihintay ang pagbukas ng gate, binuksan ko ang bintanang katabi ko at dumungaw para makita siya.

"Bigla kong naalala alas sais yung pasok mo tapos ako alas otso. Paano mo ako ihahatid, aber?"

Hinubad niya ang helmet niya. Bumungad sa akin ang nakangiti niyang labi.

"Yaan mo na nga," sabi niya. "Magkita nalang tayo uli. Pumasok ka na sa loob."

Tumango tango nalang ako. "Good morning!" ang huling sinabi ko sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa loob.

Thank you. Hindi mo alam kung gaano mo pinagaan ang loob ko ngayon. You helped release the pain I was carrying for a long time. Thank you so much, Grey!

avataravatar