17 16th

Pagdating ko sa playground, wala naman akong nakitang ibang tao bukod sa dalawang babaeng teenager na naglalaro sa swing.

"Hi!"

Nagulat ako nang may nagtakip sa mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. His fragrance is really familiar.

Inalis ko ang mga kamay ni Grey sa mata ko at hinarap siya.

"Kailangan gugulatin ako?"

"Sorry na. Sungit mo agad eh." Inakbayan niya ako dahilan para magwala lalo ang puso ko. "Tara, alis tayo."

Tinitigan ko siya ng ilang segundo bago nagsalita. "Saan?"

Ngumiti lang siya tapos hinila na ako. Napamura ako sa isip. Ilang beses kong sasabihin na ang tagal na naming magkaibigan pero ngayon lang nagkaroon ng kakaiba sa ngiti niya... on how I look into it.

"Wait lang, dala ko yung kotse ko," pigil ko sakanya nung napansin kong papalapit na kami sa motor niya.

"Bakit mo dinala? Akala ko nakauwi ka na nung nagchat ako sa'yo."

"Hindi pa ako nakakauwi no'n. At malamang dala ko yon para di na ako mag-commute."

"Tss, pwede naman kasing magpahatid nalang sa'kin."

Hindi ako kumibo.

"Akin na yung susi. Ako magda-drive."

Binigay ko naman then we headed to my car.

"Try mo mag-motor minsan. Masaya," sabi niya as he started the engine.

"No need. Pwede naman akong umangkas lang."

Napalingon siya sa akin dahil sa sinabi ko. Tapos... tapos ngumiti siya.

"May point," nakangiting sabi niya.

Nahawa ako sa smile niya. Kinailangan ko pang tumingin sa katabi kong bintana para hindi niya mapansin iyon.

"How's your day?" he asked.

"Okay lang. Ikaw?"

"Okay na, kasama na kita ngayon eh... aray!"

Bigla ko kasi siyang kinurot.

"Dami mo kasing alam!" sabi ko sa kanya.

"Nagsasabi lang ng totoo. Kanina pa ako naghihintay na i-chat mo 'ko."

"Wow, kailangan ako mauuna?"

"Kaya ako na nagchat diba."

Natawa kami pareho. Para kaming mga bata na nag-aaway.

Tumigil kami sa nadaanang McDo drive thru at umorder ng BFF fries, dalawang choco pie, sundae at dalawang chicken burger.

Around 10 PM nakarating na kami sa sea side. Binuhat ako ni Grey hanggang sa makaakyat ako sa bubong ng kotse tapos inalalayan ko siya paakyat. Pabiro ko pa siyang inaway dahil kumalabog yung bubong nung umakyat siya.

"Finally, there's someone with me to unwind," sabi niya habang nilalantakan yung sundae.

"Eh bakit kasi ngayon ka lang nag-aaya?"

"Malay ko ba na sobrang busy niyo," katwiran niya.

Mabilis niyang naubos yung sundae niya. Busog ako kaya di ko naubos yung akin tapos binigay ko sakanya. I dip my fries sa sundae tapos isinubo ko sakanya. Sinusunod sunod ko pa kaya tuwang tuwa akong makitang ang taba ng pisngi niya dahil puno ng fries ang bibig niya.

"When you told me you hate Cloud, I knew you were referring to someone."

Napalingon ako sa kanya nang ilang sandaling katahimikan ay nagsalita siya. Nakahiga siya at nakaunan sa braso niya. Nakatitig siya sa akin habang naghihintay ng kung anong isasagot ko.

Binalik ko ang tingin ko sa karagatan na halos hindi ko na makita dahil sa kadiliman. Ganun pa man ay gustung-gusto ko ang tunog ng paghampas ng alon na sinabayan pa ng sariwang hangin.

"Did someone hurt you?" he asked. Worriedness in his tone was quite visible.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng lungkot. Dahil ba sa naalala ko yung ginawa sa akin ni Cloud o dahil ngayon lang may nagtanong sa akin tungkol sa bagay na iyon? Right now Grey makes me feel that he is behind me... and cares for me.

"Well, no pressure. I can wait for the time you're ready to tell me---"

I cut him off.

"Sabihin nalang natin na I once believed someone. Alam mo yun, akala ko totoo lahat ng mga sinasabi niya pero ang sinungaling niya pala."

Kinwento ko ang mga pangyayari sa amin ni Cloud habang nakatalikod kay Grey. Hindi ko alam kung napapansin ba niya na may time na nagca-crack ang boses ko. Akala ko nakalimot na talaga ako. Akala ko okay na ako. Napatawad ko naman na si Cloud, eh. Pero hindi ko makakalimutan kung paano niya ako binilog sa mga kasinungalingan niya.

"Ang swerte ko pa din na nalaman ko yun agad bago ko siya sinagot." I smiled bitterly. Baka lalong masakit kapag nagkataon.

"Baka confused siya kung sino ang mas gusto niya between you and his ex," opinyon ni Grey.

Hindi pa rin ako lumilingon. Natatakot kasi ako na baka bigla nalang bumuhos ang luha ko. Makita pa niya akong umiyak nang dahil sa lalake, which I've never done yet and I don't want to.

"Pero kung totoo yun, mali pa rin siya. Hindi tama na nililigawan ka niya tapos sumasama sama pa rin siya sa ex niya as if sila pa rin. Ang dating kasi niyan parang may reserba; kapag binasted mo siya, mababalikan niya pa yung ex niya. Tapos kapag sinagot mo siya, doon na niya talaga lalayuan yung ex niya. Well, kung layuan nga niya."

Tumingala ako kasi nagbabadya na ang luha ako. I hate crying because of Cloud. He definitely doesn't worth of my tears. Pero kasi... ang sakit nung ginawa niya sa akin. Nililigawan palang niya ako, niloloko na niya ako.

Pinagmukha niya akong tanga. Paniwalang paniwala ako na wala na siyang communication sa ex niya, ayun pala naghahalikan pa sila. Diring diri ako kapag naiisip kong hinahalikan niya ako sa pisngi after niya akong ihatid sa tapat ng bahay namin, tapos pupuntahan niya yung ex niya and who knows anong ganap sa kanila.

Tumunog ang bubong ng kotse sa pagkilos ni Grey. Ilang sandali lang ay hinawakan niya ako sa siko at hinila.

Nagulat ako sa ginawa niya.

Inihiga niya ako sa tabi niya at niyakap. Napakapit ako sa shirt niya at sinubsob ko ang aking mukha sa chest niya.

"Sige lang, Rose. Iiyak mo lang. Pero last na ngayong gabi na iiyak ka sa kanya huh," sinabi niya iyon habang hinahaplos ang buhok ko.

Napahagulgol na ako.

Hindi ako normally nagki-kwento sa iba ng mga problema. Sanay ako sa self-comfort. Well, akala ko sanay ako at kaya kong hanggang self-comfort lang until tonight.

My best friend just snapped in my face that no man is an island. It's better to have someone where I can release the sadness and loneliness that have been prisoned inside me for a long time.

"Siraulo yon ah. Ang ganda ganda ng best friend ko, ang talino, ang bait bait tapos niloko lang. Alam ba niya na ilang lalake ang di mo pinapansin? He should have felt honoured you let him courted you."

Kinurot ko siya ng mahina sa tagiliran.

"Aray! Bakit ba, totoo naman ah? Buong college natin wala pa ata sa lima yung nakita kong pinayagan mong ligawan ka pero di mo naman din sinagot."

Lumayo ako ng kaunti para makita ko ang mukha niya. "Baka kasi ako yung tao na okay lang pagsinungalingan kaya parang ang dali sakaniyang lokohin ako?"

Napa-aray ako nung pinitik niya ako sa noo.

"Never say that. You deserve the best, Rose. Yung mga taong katulad ni Cloud? Hindi mo sila kailangan. Kalimutan mo na siya, huling luha mo na yan na siya ang dahilan. Okay?" Pinunasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya.

You make me forget about him while I am looking deeply into you.

avataravatar
Next chapter