16 15th

Chapter 15

"We have known each other for so many years, and I've never thought only one night can make me crave this much to see you and feel your presence."

That is what I write on my notes.

Gusto kong sabihin sa iyon yan, but I don't have the guts yet. Hindi ko din naman maintindihan kung bakit ko nararamdaman ito.

Kagabi nung sinundo ako ni Greyson, hindi maitago ang pagka-excite ko. Dala ko yung kotse ko pero iniwan ko iyon sa parking lot sa school at pinakuha kay Manong Edgard para siya na ang mag-uwi para maka-angkas ako sa best friend ko sa motor.

I love it every time he would take my hand to surround his waist. Sa likod ng tinted na salamin ng helmet ay napapangiti ako. He always wants me to hug him from behind kapag nakaangkas ako sa motor niya.

Gusto kong sabihin sa kanya na ngayon lang ako uli kinilig ng ganito. Feeling ko isa akong heroine sa isang libro at siya ang hero ko.

Naging masaya ako nung nakilala ko si Cloud. But not as happy as this. Iba eh, hindi maipaliwanag. Within an instant, nakalimutan ko yung mga panlolokong pinaranasan sa akin ng ilang lalake na nakilala ko.

Gusto kong makita si Grey ngayon kahit na magkasama kami until 3 AM kaninang madaling araw. Kung hindi lang dahil may work siya, hindi na kami uuwi.

Gusto ko siyang i-chat, pero nahihiya ako kaya maghihintay nalang ako na i-chat niya ako.

"Bye, Rose! See you tomorrow!" paalam ni Trish, katrabaho ko.

Ngumiti ako sakanya at kumaway. Bumuntong hininga ako at sinipat ang phone ko. He's online pero di siya nagchachat.

Ugh. I badly wanna talk to you but I don't want to start the conversation myself.

Nakasimangot akong lumabas ng building. Nakasalubong ko pa si Jared, isa sa mga katrabaho ko na close ko.

"At sino na naman ang nagpainit ng ulo mo?" tanong niya.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. "Dun ka nga, lalo akong nababadtrip sa mukha mo," biro ko sakanya.

Tumawa naman siya. "Sinira mo nga yung gabi ko, ganda na sana eh. Oh siya, ingat sa pag-drive!" Tinapik niya ako sa balikat.

"Wow, concerned?"

"Syempre. Ganda ganda ng kotse mo sayang naman kung magagasgasan."

Tumakbo siya papasok sa loob ng building nung umakto ako na sasapukin siya. Pareho kaming tumatawa kahit medyo magkalayo na kami. He waved his hand and so did I.

Nagpatuloy ako sa parking lot hanggang sa tumunog yung phone ko. Dali dali ko itong chineck dahil ini-expect kong may message si Grey. To my disappointment, hindi. Yung boss ko ang nagtext, reminding me sa event na pupuntahan ko in the next 2 weeks. Nagrespond ako at tuluyan nang tinungo ang sasakyan ko.

Ang traffic!

Chineck ko uli yung phone ko. There are messages pero wala akong ganang mag-reply. Message lang naman kasi ni Grey ang hinihintay ko.

Out of boredom, I took a selfie then posted it on My Day. Nilapag ko na yung phone ko sa dashboard dahil nag green na yung stoplight.

My phone beep thrice pero di ko pinansin hanggang sa nasa tapat na ako ng gate namin. It is automatic. Meron akong key at isang press ko lang ng button ay bubukas na ang mataas na gate.

Habang hinihintay na tuluyang bumukas ang gate, sinilip ko yung phone ko. I was filled by excitement upon seeing his name on my notification.

"Ang ganda naman ng beshie ko," he replied on my Facebook Story.

I mentally giggled then replied, "Nasaan yung maganda dyan?"

The gate is already wide open and it will close automatically after 5 minutes.

Napangiti ako nung mabilis niyang na-seen yung message ko tapos biglang typing.

"Tara dito sa playground para makita ko yang maganda na yan. :)"

Di ko mapigilang ngumiti sa sinabi niya. I pressed a button to make the gate close again. Nagmaneho ako papunta sa playground. Sinilip ko ang sarilli ko sa rearview mirror. Dang, I can't keep myself from smiling knowing I'm going to see him.

avataravatar
Next chapter