15 14th

Chapter 14

Hindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ko ang mga pinrint kong pictures na kuha sa Zambales.

Dinampot ko yung picture namin ni Greyson sa malaking bato, si Ally ang nagpicture nito. Lalo akong napangiti remembering the moments we had habang dumadaan kami sa malalaking bato na iyon. The way he held my hand para alalayan, everything.

Sure, the photo looks beautiful. But the scene behind it is indeed more beautiful.

After that outing, ang dami kong na-realize.

I started to realize how handsome, hot and attractive Greyson is, how sweet and caring he is, etc. Alam ko din sa sarili ko na may nagbago sa amin. We became more clingy and sweet to each other.

About the kiss, we haven't talked about it yet. Which is good. Though may tanong sa utak ko na gusto kong masagot, saka nalang siguro iyon.

Nag-alarm yung phone ko. I have to be ready for school na. Napabuntong hininga nalang ako. Ayoko nito, pero kailangan tapusin.

Inayos ko ang mga photo paper at lumabas na sa mini studio ko na nasa loob rin ng kwarto ko. This corner is my haven where I can do my passion freely.

I checked my phone then saw a message from Greyson. Picture lang ng tequila.

Nag-iinom na naman. Tss.

Nag-reply ako ng, "Puro inom ah" tapos kumuha na ng damit sa closet para maligo. Thrice a week lang naman ang pasok ko sa school pero limang oras. At nakakatamad.

Hirap talaga kapag pinipilit yung hindi mo gusto.

Class is boring. Wala akong maintindihan. Ewan ko kung anong ugali meron ako pero tamad akong makinig sa teacher. Prefer kong mag-self study. At ginagawa ko lang yon kapag may quiz or exam kinabukasan. Doon ko natututunan ang mga bagay bagay.

I am discreetly chatting Greyson through Messenger, and that keeps me awake from class.

Me: Tagal mag-uwian

I sent to him then took a photo of me pouting.

Greyson: Wawa naman. Sunduin kita. Malapit lang ako sa school mo.

Me: San ka ba?

Greyson: The John's Restaubar. Para na rin makaalis ako. Haha.

Me: Bakit naman? Sino kasama mo?

Greyson: Highschool friends. Ayaw mo ba?

Me: Sige, sunduin mo ako.

Kagat-labi kong binulsa ang phone ko. Pinipigilan kong ngumiti ng malapad para di ako magmukhang tanga at dahil ang saya ko, bigla akong nakinig sa prof ko. Take note! Nagre-recite pa ako.

Napagtanto ko kasi na dapat maging active ako sa klase para in case na mahuli ako ni Sir na nagcecellphone, hindi niya ako gaanong papagalitan.

"Aba, marunong ng lumandi."

Napalingon ako kay Meri. Siguro kanina pa ako pinagmamasdan ng bruha na ito. Well, kung nagtataka kayo kung sino siya, siya ang close ko sa classroom. Siya lang. Dahil irreg student ako at ilang subjects lang ang tini-take ko, hirap akong makasalamuha sa mga kaklase ko.

Kung sino lang yung dumaldal sa akin, siya lang rin ang dinadaldal ko. At si Meri iyon, maliban sa limang lalake na lagi akong kinukulit.

Natutuwa ako na maging close siya dahil bukod sa may friend ako, siya ang palaging nag-a-update sa akin regarding sa subjects na magkaklase kami.

"Gagi, best friend ko 'to," sabi ko sa kanya.

"Best friend pero kilig na kilig ka dyan?" pang-aasar niya.

"Bawal ba?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Sana all may nagpapakilig."

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

avataravatar
Next chapter