13 12th

Chapter 12

Ang chill ng vibe. Ang lamig ng simoy ng hangin at nakapalibot kami sa bonfire kung saan din namin niluluto ang mais, mallows at hotdog na nakatusok sa stick. Sa kabila ng kadiliman ng kalangitan ay nagbibigay liwanag ang magagandang bituin at ang buwan.

Habang sila nag-iinom, busy ako na nakatitig sa mga bituin. Nakasandal pa ako kay Grey para hindi mangalay. Today I am not seeing clouds, only stars.

Sandali akong pumikit para namnamin ang sariwang hangin. Walang ganito sa Manila. Stress meron.

Napangiti ako mag-isa sa sariling biro.

Beach is really my stress reliever. Mabuti nalang inaya ako ni Grey dito. Well, not really inaya niya ako.

"Sure ba kayong mag-best friend lang kayo?" tanong ni Jericho.

Napalingon ako sa kanya. Ang lawak ng ngiti niya lalo na yung girlfriend niya habang salitan kaming tinitignan ni Grey. Eto na naman po sila, inaasar kami.

"Oo naman, bakit?" tanong ko pabalik sa kanila.

Umayos ako ng upo.

"Ang sweet niyo kasi," sagot ni Ally na girlfriend ni Jericho. "You two are sweeter than a couple actually."

Tumawa ako. "Sanay na ako masabihan ng ganyan. Many people usually misinterpret our friendship cause we're clingy, but it's pure a beshie thing."

Tumango tango sila but none of them looked satisfied with my answer. Sumimangot ako.

"Ikaw ang tatanungin namin, Grey." Bumaling ang atensyon namin kay Leon. "Has there any time that you see her more than a best friend?"

Napangiwi ako sa tanong niya. Ang i-issue talaga ng mga tao. Greyson and I have been best friends for almost 6 six years. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang bagay na iyon.

Uminom muna ng alak si Grey bago sumagot. Yung sagot niya pa iling lang.

Nakita ko kung paano nagtinginan si Leon at Chie na tila nag-uusap. Galing. Nagkakaintindihan sila just by staring each other's eyes.

"Bakit niyo tinatanong?" I asked in a sweet tone.

Inabutan ako ni Grey ng inihaw na mais na nasa stick; hinipan niya pa iyon bago binigay sa akin.

"Bagay kasi kayo."

Sakto sinabi ni Chie yon nginunguya ko yung mais. Muntik akong mabulunan tuloy.

"Hindi ah," kontra ko agad. "May iba yan sa tropa namin. Si Sulli."

Napa-ooooohhh sila.

Siniko ako ng mahina ni Grey. "Tumigil ka nga. Baka mamaya maniwala sila."

"Oh, bakit? Totoo naman ah, kayo yung love team sa grupo natin." Bumaling ako sa mga kasama namin. "Kapag sila yung nakita niyong magkasama, mas sweet pa."

"If that's the case, bakit ikaw ang sinama niya rito?"

Naghiyawan sila sa pang-aasar nung tinanong iyon ni Chie. Hays. Ang lakas mang-asar ng mga taong ito.

Hindi ako affected sa pang-aasar nila sa amin ni Grey pero pakiramdam ko namumula ang pisngi ko.

"Maybe it's only because you two are living in the thought of being just best friends resulting in limiting your emotions. Try to expand your feelings, guys."

Napangiwi ako sa sinabi ni Angel. Di ko talaga maintindihan bakit pinu-push nila kami.

Ang tagal bago na-divert ang atensyon nila sa ibang bagay. Ang saya ko nga nung ibang topic na ang pinag-uusapan nila eh. Tungkol sa multo. Tss.

Hindi naman ako natatakot, medyo lang.

Sumandal na uli ako kay Greyson at inubos ang hawak kong pagkain. Naghikab ako at pumikit.

"Tulog na tayo?"

Nilingon ko si Grey nang magsalita siya. Napamali nga kasi naglapit ang mukha namin sa isa't-isa. Inasar na naman tuloy kami.

Tumango ako. "Tara, antok na ako."

Tumango siya at inubos yung tirang alak sa boteng hawak niya bago nagpaalam sa mga kasamahan namin. Nag-good night din ako sa kanila.

"Hoy, tulog mag-best friend lang ha!" pahabol na kantiyaw ni Leon at nagtawanan sila.

Natawa din kami ni Grey habang naglalakad papalayo.

Ang weird para sa akin na asarin kay Grey. Siguro nasanay lang ako na sa iba siya laging inaasar at may ibang lalake ang inaasar sa akin.

Habang papalapit sa tent, doon ko lang na-realize ang mga bagay bagay. Magtatabi kami matulog! Just me and him! This will be the first time that I will be sleeping next to a guy.

Ngunit hindi naman ako nakaramdam ng anumang takot dahil malaki ang tiwala ko kay Greyson. Aside from having my first time sleeping with a guy, wala na akong ibang naisip pa.

avataravatar
Next chapter