12 11th

Chapter 11

Ano kayang ginagawa mo ngayon?

Tanong ko sa sarili habang nakatulala sa ulap. Katatapos lang namin kumain. Sila bumalik ng ligo sa dagat, ako nagsenti lang sa tabi. Nilatag ko yung shawl ko sa puti at pinong buhangin. Balak ko talagang matulog habang nakabilad sa araw (pero naka-sunblock) at namnamin ang sariwang hangin habang may magandang tunog na maririnig gawa ng alon ng dagat.

Subalit bago ako pumikit, napatitig ako sa ulap hanggang sa nagtuloy-tuloy na.

"I hate you, Cloud," mahinang sabi ko sa sarili.

I believed in each and every words of you, but get fooled. You let me drowned by your sweet actions and now I'm not sure if I could survive.

Is this what I deserve for liking you too much?

I covered my eyes with an arm.

Kaya ayokong tumitingin sa ulap. Naaalala ko siya... pati yung mga kasinungalingan niya sa akin.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Pagmulat ko ng mata, madilim na ang kalangitan.

"So you're still alive."

Napabalikwas ako ng upo nang marinig ang boses ni Grey. Nakadapa siya sa buhangin sa tabi ko habang may kung anong ginagawa sa phone niya.

"Kanina ka pa dyan?" tanong ko.

"Yes, simula nung nakatulog ka. Ang lakas talaga ng tama mong babae ka, natulog kang mag-isa dyan di mo na inisip kung ano ang posibleng mangyari. Tsk. Tsk."

"Edi sorry," sabi ko nalang. "Nasaan na sila?"

"Nag-iinom na. Hays, ang sakit ng ulo ko sa'yong babae ka. Dahil sa'yo di ako nakasabay sa kanila uminom."

"Wala naman ako sinabing bantayan mo ako ah."

"Paano mo masasabi eh tulog ka nga?"

Aba, pilosopo!

Tumayo ako at pinagpagan ang shawl ko. Nagreklamo siya dahil natalsikan daw siya ng buhangin sa mata nung gawin ko iyon.

"Hala sorry."

Nilapitan ko siya para tignan ang mata niya. Nakonsensya naman ako kasi namumula iyon at naluluha. Pero kinusot niya kasi yon kaya ganon.

And then I realized how awkward our position is. Nakahawak ako sa magkabilang pisngi niya at ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa!

Nasaksihan ko kung paano bumaba ang tingin niya mula sa mga mata ko pababa sa aking labi.

Kumunot ang noo ko at sinampal siya ng mahina.

"Kinusot mo mata mo, pulang pula tuloy." Tumayo na ako uli. In-offer ko ang kamay ko sakanya na tinanggap niya.

Pagkatayo niya, ako naman ang nakatingala sa kanya.

"Tara na, alam ko namang alak na alak ka na," biro ko sa kanya.

Kinagat niya ang pisngi ko kaya napamura ako. "Ang sakit!"

"Pasmado," aniya sabay pitik sa labi ko.

"Ang mapanakit mo!" inambahan ko siyang susuntukin pero tumakbo siya.

At syempre, hinabol ko siya.

avataravatar
Next chapter