1 Chapter 1

"Dad, seriously?! Ayos ka lang?" di makapaniwalang tanong niya sa ama.

"Ofcourse I'm serious and I'm very okay, darling." seryosong sagot naman nito sa kanya.

"But Dad! Financial major po ako, bakit kelangan dun nyo ako ilagay sa marketing department??" She couldn't believe it.

Lumapit ito sa kanya at ginulo ang kanyang buhok.

"Financial major na di marunong mag handle ng sariling finances? Tsk. Tsk." sabi nito sabay iling.

Hindi siya makasagot dahil totoo naman yun.

"Dun kita nilagay kasi alam kong dun ka magaling, anak. In fact, yun ang pinakamadaling trabaho for you. At isa pa, madami kang matututunan dun sa Marketing Department. Believe me, nak."

Halos maiyak na siya sa frustrations sa mga oras na yun habang pangiti-ngiti lang ang papa niya sa kanya.

"Mas gusto ko pa din sa Finance Department Dad! Pwede naman po ako pumunta dun sa Marketing anytime I want. Please..." pagmamakaawa niya rito with matching puppy eyes.

"Di mo ko madadaan sa mga ganyang pagpapa- cute mo na yan Cassandra Marie

C———"

"Okay, fine. Fine! Alis na po ako, kakain kami sa labas nila Kate." Putol niya sa sasabihin ng ama. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan nilang iyon at ayaw na ayaw talaga niyang sinasabi nito ang buong pangalan niya. Bakit ba kasi ang haba ng pinangalan sa kanya ng kanyang mga magulang. Minsan naiisip niya trip talaga siguro ng parents nya na pahirapan siya buong buhay niya.

"Sige, basta umuwi ka ng maaga ha."

"Opo."

Humalik siya sa pisngi ng ama bago lumabas ng kanilang bahay.

avataravatar
Next chapter