webnovel

Chapter 2: Ballpen ni Tala

"Hi, Tala!"

Bati ni Eric habang may dala dalang bouquet of red roses at nang tuluyang makalapit ay ini abot niya na sa akin.

"And what's the meaning of this?" I teased him. "Oy! Wag kang assuming may nagpadala lang niyan, nasa meeting ka kasi with sir Martin kaya ako na ang tumanggap"

Binato ko siya nang ball pen. "Nagbibiro lang ako, Haha! Defensive mo nu!?" He smirks at umalis na.

Chineck ko yung bouquet, hindi card ang nakalagay, isang sobre ang nandito at nakasulat ang pangalan ni Vince.

After that, halos araw araw na 'kong nakakatanggap ng flowers at letters sa office. Hindi ko naman binabasa ang mga sulat, iniiwan ko lang yun sa isang maliit na box na nakalagay sa loob nang drawer ko. Hindi ko rin inuuwi ang mga bulaklak.

Pinamimigay ko yun o kaya naman ay itinatapon.

.

.

"Tala!" Pagtawag sa'kin ni Eric. "Hmmm?" Sinagot ko siya nang hindi man lang nililingon, masiyado akong busy sa mga paper works ko.

"Inaya ako nila Shara kanina gimik daw sa bar" I didn't know his expression, hindi ko pa din siya hinaharap.

"E ano? Haha! Nagpapaalam ka ba sa'kin?" Panguuyam ko pero busy pa rin ang mga kamay ko kakadutdot ng computer, hmmm may hinahanap akong files e nasan na ba yun...

"Sabi kasi nila kasama ka daw e" Sinabi niya sa pinaka mahinang boses. Pero malinaw pa din ang pagkaka rinig ko at doon ko naisipan na sulyapan sya...

Ayyyyyyy haha! Why so cute hahahahahaha  nakapout kasi siya. Disappointed ba siya or what.

"Uyyyy, ba't ka sad?" Sinundot sundot ko siya sa pisngi gamit ang ball pen ko.

"TSS! Ano ba" Bumakas sa mukha niya ang pagkayamot at mariin niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako sa ginagawa ko.

"Aray ha! Ba't ka ganyan, napaka defensive mo palagi e binibiro lang naman kita" Tinitigan niya lang ako, mas naging seryoso ang mga tingin niya.

"O b-bakit?" Hala ba't ako kinakabahan...

Hinigit niya pa lalo ang kamay ko dahilan para mas lalong maglapit ang mga mukha namin...

Hala bakit ba ko nanlalamig, ano ba kasing ginagawa niya? "A-ano..." Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Teka bakit mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko shockss baka lumabas na 'to any minute.

Unti unti niya nang inilalapit ang mukha niya sa aking mukha. Hindi ko magawang magpakawala nang kahit anong ingay pakiramdam ko ay naghahabol ako nang hininga.

Nararamdaman ko pa naman ang pagpapawis nang kamay ko na hawak niya pero pakiramdam ko ay napadpad kami sa ibang mundo. Wala akong magawa kun'di ang mapapikit na rin.

Tila bumabagal ang oras...

Hindi ko pa nararamdaman ang kanina ko pa inaasahan kung kaya naman napapa nguso na din ako...

Bakit ang tagal?

"Hmmfmpfp" Napadilat ako nang Mata ng maramdaman kong may kung anong bagay ang sumuksok sa bibig ko at dumunggol pa sa ipin ko.

Nakangiti siya at para bang maduduwal na sa pagpipigil nang tawa, hanggang sa...

"Hahahahahaha" At may papalo Palo pa siya sa desk ko. Aba't talaga namang!

Napatayo na 'ko sabay nang pagtaas ng kamay ko para mahampas ko siya nang malakas pero agad siyang umatras at tumayo paalis...

Sinulyapan niya pa ako ng isang beses at sabay kindat, buset!

I shook my head at alam kong bakas na din sa mukha ko ang panggigigil sa lalaking yun!

Napatingin ako sa gilid ko at nakita si Badet na tumatawa, nakatayo kasi ako kitang kita niya ang panggigigil ko...   ay Shem's!

Napaupo ako agad nang mapansin ko na kagat kagat ko pa pala ang ball pen na sinungalngal sakin ng siraulong Eric na yun!

Parang gusto kong maiyak!

Nagmukha akong aso na nag ngangarog habang may kagat kagat na buto Y_Y