1 SIMULA

NOATHAST ACADEMY

Written by _genibabe

SIMULA

"Oh, dear, I know you love him," sabi ng matandang babae na maraming alahas sa katawan habang nakangisi sa dalagitang umiiyak at nagmamakaawa sa tapat niya.

"Please, let me get out of here! I'm begging you!" Humawak ang dalagita sa tuhod ng matandang babae at lalong nagmakaawa.

"Baka ikaw na Annie, ang bubuhay sa anak namin," sabi naman ng matandang lalake at inalis ang taling nakapulupot sa kanya. Binuhat niya ang dalaga at inihulog sa hagdan pababa sa basement.

Napahagulgol ng iyak ang dalaga at niyakap ang nasaktang katawan. Namamaga na ang mga mata niya sa kakaiyak. Paos na rin ang kanyang boses. Pagod na siya. Pagod na pagod na ang katawan niya na gustuhin man niyang sumigaw para humingi ng tulong ay hindi niya na halos magawa. Bukod dito ay maraming mga sugat, pasa, at bukol ang katawan niya.

Ang huling natatandaan niya ay nakasakay siya sa isang taxi na may naka-mask na driver. Hindi niya alam kung anong meron para bigla nalang siyang antukin ng sobra. At nang magising siya, nakatali siya at ang mag-asawa ang bumungad sa kanya.

At ngayon, nandito siya sa madilim na basement.

"Help me," halos pabulong na sabi niya habang umiiyak. "Please, somebody help me."

Nabuhayan siya ng kaunting pag-asa nang may bumukas na incandescent lamp. Nasilaw pa siya ng bahagya kaya naging malabo ang tingin niya sa lalaking nakatayo sa harapan niya.

Namilog ang mga mata niya nang malinaw na makita kung sino ang lalaking nasa harapan niya. May taglay itong napakagandang mukha at matangkad. Hindi lang basta gwapo. At hindi lang ito ordinaryong lalaki dahil ang lalaking ito ang hinahangaan niya ng lubos.

Bigla ay binalot ng takot ang katawan niya ng natunghayan niya kung gaano magpalit ng anyo ang lalaki. From a very handsome guy turns into a scary monster.

Humaba ang buhok nito, ang matipunong katawan ay tila lumubog. Ang maayos nitong tindig kanina, ay ngayon kuba na. Naging pula ang mga mata nito, lumaki ang bibig at tumulis ang mga ngipin.

The monster let out a creepy sound at dahan dahang lumapit sa kanya.

Nanginginig siyang napaatras.

"No, please, no." She begged for her life but the monster did not seem to care as if he did not hear her.

Malikot ang katawan ng halimaw na para bang hindi mapakali. Nakakatakot tumitig sa mga mata nito dahil para kang nakikipagtitigan sa isang demonyo na kukunin ang iyong kaluluwa.

Hindi ininda ni Annie ang sakit ng katawan. Tumayo siya at akmang tatakbo. Subalit napakabilis ng halimaw at natagpuan nalang niyang hawak siya niyo sa leeg.

Then the monster did his evilness. Gamit ang matutulis na kuko, dinukot niya ang puso ni Annie and feed himself.

Sa itaas, pinapanood ng mag-asawa ang nangyari. Galit at nakasimangot ang dalawa. Lalong lalo na ang matandang babae.

"That girl is a fraud. Pare-parehas lang sila," galit na sabi nito habang pinapanood na atakihin ng halimaw ang puso ng babae.

"Makakahanap rin tayo ng babaeng may pusong nararapat para sa ating anak."

avataravatar
Next chapter