2 Slipup

ELLE

Nagising ako dahil sa kakaibang amoy ng paligid. Tumingin-tingin ako sa paligid at sigurado akong hindi 'to kwarto ng mga kaibigan ko lalong lalo na hindi ko kwarto to. Tatayo na sana ako mula sa kama nang bigla akong makaramdam ng pananakit sa pagitan ng mga hita ko. Hindi agad na-absorb ng utak ko kung bakit sumasakit to, nang maaalala ko yung nangyari kagabi.

"Sh.t! What have I done?! This is so wrong! Mali to, Elle! Bakit pumayag ka?! Bakit nagparaya ka?! You totally make out with a stranger --- Completely stranger!" Bulong ko sa sarili ko. Maya-maya pa'y biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko. Iniluwa nito ang isang makisig na lalaki dahil naka-boxers lang siya at topless pa! Matangkad, medyo may kaputian, gwapo, at mukhang anghel na lalaking may dala-dalang tray ng bacon, eggs, tocino, at coffee.

"Good morning. Masakit pa ba'ng katawan mo?" Tanong niya na may halong pag-aalala.

"Medyo." Pagsisinungaling ko wherein fact, it's so damn painful!

"Sorry. Kumain ka na muna, para magkaroon ka ng lakas mula sa nangyari kagabi. " He said while grinning at me. I rolled my eyes at him at tumayo na despite all the pain that I'm feeling right now at pumasok sa bathroom. Sinuot ko parin yung ginamit kong dress kagabi sa bar since wala naman akong masusuot dito. Kaysa andito ako kasama niya. I can't stay any longer with him.

"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong niya nung nakita niyang nakabihis na ako.

"I'm going home." Casual na sagot ko sa kanya habang sinusuot yung hikaw ko pagkatapos ay umupo ako sa edge ng kama para suotin rin yung heels ko.

"Kumain ka muna bago ka umalis." Sabi niya saakin nung tuluyan ko ng nasuot yung heels ko.

"Thanks but no thanks. I'm sure na hinding-hindi na mauulit yung nangyari saatin kagabi kasi this will be our first and last meeting. I'll make sure of it. " Sabi ko sabay kuha ng pouch at naglakad na papuntang pinto nang bigla siyang magsalita.

"I'll make sure that this will not be our last meeting, Elle. I'm sure of it. " I didn't bother to answer him neither look at him. Naglakad ako ng medyo mabilis hanggang sa tuluyan na akong nakalabas sa hotel. Pumasok agad ako sa kotse ko na nakapark sa parking lot ng hotel at nagdrive na papunta sa condo ko.

Elle Lavender, 22 years old at nagtatrabaho bilang architect sa isang company. Though it's not that typical company na sikat, at malaki yung sweldo, pero okay lang kasi ineenjoy ko naman yung trabaho tsaka ang bait ng mga katrabaho ko doon.

Pagdating ko sa condo ko, agad-agad ko itong nilock at ikinulong ang sarili ko sa bathtub tsaka ko inaalala yung mga nangyari kagabi. Ang daming nangyari kagabi Elle. You lost your first boyfriend, na inakala mong magiging kayo na sa habangbuhay, na makakasama mo hanggang sa pagtanda, pero hindi pala.

"Tarantadong tadhana! Bakit kailangan pang magkita ng dalawang tao kung hindi naman pala sigurado sa isa't-isa?" Bulong ko sa hangin. Para na akong sira dito, kasi habang nagsasalita ako, tumutulo na din pala yung mga luha ko.

"Saan ba ako nagkulang? Bakit ba ang dali-dali lang ako sukuan ng mga tao? Pinaglaban ko naman siya ah! Pero bakit ganoon!" Niyakap ko yung mga tuhod ko saka yumuko. Ang sakit. Sobrang sakit. Mahal ko siya - Mahal na mahal pero kung iwanan niya ako, parang hindi niya ako minahal. Umiyak lang ako ng umiyak doon hanggang sa naisipan ko nang umahon mula sa bathtub. Kinuha ko ang bathrobe tsaka sinuot ito. Nagapply ako ng lotion at pinatuyo ang buhok ko. Habang pinapatuyo ko ito, naisipan kong buksan yung cellphone ko, at nagulat ako dahil may 42 missed calls ako galing kay Vanessa at kay Patty na mga bestfriends ko at katrabaho ko rin sa company, 12 missed calls galing kay Mom, at 2 missed calls galing kay Papa.. Tinext ko na muna sila para sabihin na ayos lang ako. Pagkatapos ay naisipan kong buksan yung IG ko na matagal ko ng hindi inoopen. Nagscroll-scroll lang ako hanggang sa may post na nakaagaw tsaka nakapagpatigil saakin sa pagscroll. Isang litrato ng lalaki't babae. Nakangiti ang lalaki na nakatingin sa cam, habang yung babae naman nakahalik sa pisngi niya. Si Nick Javier. My ex boyfriend.

'Finally, she said Yes.. ' And she tagged her new Gf. Martha Diaz?

"Huh?!" Pagtingin ko kung kailan pa niya pinost to, August 29, 2018 at 09:46pm..

"Wow..." Ang sabi ko na lang at tinapon ang cellphone ko kung saan man. Hindi ako makapaniwala na habang nagdurusa ako doon dahil sa sakit, siya naman, masaya na dahil nakahanap na agad ng papalit saakin or should I say, planado na ang lahat ng to? Ganon ba yun, Nick? Ganoon ba ako ka-useless sayo kasi hindi ko naibigay yung matagal mo nang hinihingi? Wow!

Buong gabi siguro ako hindi nakatulog ng maayos dahil sa mga nangyayari saakin ngayon. Buong gabi iniisip ko kung may problema ba saakin, kung abnormal ba ako, or kung hindi ba ako kamahal-mahal tsaka ko lang naisip na may trabaho pa palang naghihintay saakin.

6:10am, nang maisipan kong bumangon na dahil hindi naman na ako makatulog at much better kung maghahanda na ako para sa trabaho ko. Another day to prove that I'm totally wasted. Naligo't nagbihis na ako. White dress na above the knee siya na pinaresan ko ng 5-inches black heels. Binun ko lang ng mababa yung buhok ko at dahil hindi ako nakatulog kagabi, at namumugto yung mga mata ko, eh kailangan kong magapply ng concealer at foundation sa mukha ko. After 10 minutes, kinuha ko na yung shoulder bag ko saka bumaba para kumuha ng makakain sa ref.

"I'm running out of stock na pala. Dadaan na lang ako mamaya sa grocery after ng work. " Sabi ko sabay kuha ng 2 bars of Dairy Milk, at isang bottled milk. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa parking lot at sumakay sa kotse at nagdrive na papunta sa company.

Pagkarating ko sa company, agad akong pumasok sa loob ng elevator at pinihit ang 7th floor nitong building. Dumiretso ako sa cubicle ko pagkarating ko doon sa working station namin.

"Oy babae! Kumusta ang puso mo?" Bungad saakin ni Patty.

"Ano ka ba naman bakla! Kahit kailan talaga napakabopols mo, eh malamang, hindi okay!" Sabat naman ni Vanessa sa kanya.

"Alam ko yun noh! Nagbibiro lang ako tsaka hindi ako bopols babae ka!" Sabay irap ni Patty kay Vanessa.

"So ano nga best, okay ka lang ba?" Tanong ni Vanessa. Huminga muna ako ng malalim bago siya sagutin.

"Heto, pinipilit na maging okay. So many questions na patuloy na tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon lang kadali sa kanya ang itapon yung limang taon naming relasyon to the point na nakahanap na agad siya ng bago." Niyakap naman nila ako at ngumiti saakin ng malungkot.

"We're just here for you best, huwag kang mahihiyang tawagan kami or kailangan mo ng makakausap. " Sabi ni Vanessa.

"Oo bakla, makakamove on ka rin balang araw. " Sabi naman ni Patty. Tumango naman ako sa kanila. Hayy, oo makakamove on nga ako, pero hindi ko alam kung kailan.

Busy ang dalawang kaibigan ko na magkwentuhan since magkatabi lang naman yung cubicles naming tatlo nang biglang pumasok yung may-ari ng kompanyang ito na si Sir. Albert.

"Good morning to all of you. I want to introduce to you our new employee.. Mr. Kyle Villafuente. " Sabi ni Sir Albert sabay pasok ng Kyle na sinasabi niya. Literal na lumaki yung mga mata ko at medyo napanganga ako sa lalaking ito.

"Hi. I'm Kyle Villafuente. I'm happy to be here and at the same time, working with you all. Pleased to meet you....again." Sabi niya. Napanganga halos lahat ng kasama ko dito lalo na si Vanessa at Patty pero hindi nila narinig yung huling salitang sinabi niya. Ako lang kahit bulong yun.

"Okay then. Goodbye." Paalam ni Sir Albert saamin. Dumiretso si Kyle sa bakanteng cubicle na medyo malapit sa pinto..

"OMG! Ang gwapo niya bakla!" Tili ni Patty.

"Oo nga bakla! Akin yun!" Biglang sabi ni Vanessa.

"Che! Anong sayo?! Akin yun!" Napailing na lang ako sa inaasta ng dalawa kong kaibigan. Tumayo ako at dumiretso sa kusina namin dito. Nagbrew ako ng coffee since inaantok ako na hindi pa man din naguumpisa yung trabaho ko.

"So... I told you na hindi pa ito ang huli nating pagkikita. " Medyo nagulat naman ako dahil sa biglang sabi niya.

"Who cares..." Cold na sabi ko. Bat ang tagal magbrew ng coffee?!

"Well, may gagawin ka ba mamaya after ng work?" Tanong niya. Well, I must admit it, boses niya palang, parang nanginginig na yung hormones ko, what more pa kaya if --- Jeezz! Ano tong iniisip ko?! Go back to your senses, Elle!

"So what If I say yes?" Sabi ko. Habang tinitignan yung mug ko.

"Hmm. Can I ask you to go out with me?" Go out with you?

"No. I'm a bit busy eh.. And I don't talk to strangers.." Sagot ko saka kinuha yung mug ko na may lamang coffee..

"Strangers? You had a one night stand with this stranger infront of you last night!" He said. Napapikit naman ako sa sinabi niya.

"Can you please lower your voice? Somebody might hear you! And, mali yung nangyari saatin kagabi! I was so lost and so damn lonely kaya nangyari yun! Let's forget about what happened and act as if we're strangers.." Sabi ko sa kanya in a very low tone pero madiin. Sumeryoso naman yung mukha niya sa sinabi ko.

"Seryoso ka?! How can I forget about what happened to us last night?! I mean, every inch of you, it drives me crazy.---" I cut him off. To stop this nonsense convo!

"I already told you, what happened last night, mali yun. Maling-mali. Hindi dapat yun nangyari pero since nangyari na, let's just forget about it. No buts!" Sabi ko saka nilampasan siya pero may pahabol pa siya saakin.

"No. I'll never do that. I can't even forget that I once inside of you, and now you're commanding me to completely forget that we exist in our world called Love making? No.. Never. " I faced him again.

"LUST. It was a pure lust, Mr. Kyle. No Love involved. " Sabi ko at tuluyan ng tinalikuran siya.

Love making? Stupid. It was a lustful thing that should never happen again!

avataravatar
Next chapter