webnovel

Chapter 1

Kanina pa ako naiistress dito sa classroom namin. Paano ba naman kasi, nakakasawa na itong pagmumukha ng mga classmate ko sila-sila lang din naman nakikita ko araw-araw. At ito pa ha, hindi pa tapos ang second class namin natatamad ako magsulat ng activities.

"No assignment, no activity worksheets, no quiz on monday. Goodbye," saad ng science teacher namin, sabay alis ng classroom. Minsan nga niloloko siya ng iba naming classmate. Ginagawa nila: itago sa drawer ni ma'am 'yong ibang dala niya. Kaya pagbabalik siya siyempre patay malisya kami. Pero aamin din sila at isasauli yung gamit niya. Siyempre kung tatawa kami tatawa rin siya. Siya lang ata pinakamalapit saamin na teacher namin e.

Nauna na akong lumabas kaysa sa iba kong kaklase. Saan ako pupunta? Siyempre, sa Cafeteria saan pa nga ba? Ambabagal nila eh, mga pagong kasi.

"Mary, hintay!" Sigaw ng kaibigan ko na si Khendra. Mabait ako kaya hinintay ko siya.

Nang mapadaan kami ni Khendra sa classroom nina Abhie hinarang nila kami sabay sabing "grabe kayong dalawa ah. Hindi niyo 'man lang kami hinintay ni Chlarisse," reklamo nito, sabay simagot.

"Reklamo nang reklamo makakasabay lang din naman saamin." Inis kong saad. Inirapan lang ako ng bruha. Sa isipan ko tumatawa na ako.

Sina Abhie at Chlarisse kaibigan din namin. Pero hindi kami magkakaklase sa kabilang section sila. Sa aming apat si Abhie lang itong pinaka-abnormal.

"Alam niyo kasi iba na ngayon. Hindi na uso ang salitang maghintay. Kung wala, wala talaga. Huwag ka nang umasa, masasaktan ka lang." Hugot naman ni Khendra. Kaya nagtawanan lang kaming apat.

"Grabe, andaming namang alam nitong si Khendra," puna ni Abhie. "Yon na nga eh, sanay na akong maghintay sa wala," dagdag naman neto.

"Iyon naman pala eh sanay ka na, eh ano pang inaarte mo riyan?" Tanong ko.

"Eh sa wala ka na roon." Mataray niyang sagot.

"Ganyan naman kasi kayo lagi eh, laging nang-iiwan," hugot din ni Chlarisse at na-emphasize pa ang salitang "nang-iiwan"

"Wow Cej is that you?" Hindi makapaniwalang tanong ni Khendra na medyo sarcastic. Bilang sagit nakitawa lang din ito saamin.

"Pero mga bhe maiba ako. Alam naman nating lahat na magkakaibigan tayo, at dadamayan niyo naman siguro ako sa problema ko 'di ba?" Pag-iiba nito sa usapan, sabay tingin saamin isa-isa na may nangungumbinsing tingin. Kahit naman abnormal 'yan, papakinggan pa rin namin ang sasabihin niyan. Pero 'pag non-sense na, huwag mo nang sagutin, hambalusin mo na lang.

"Alam naman nating lahat na kakaiba ka talaga sa ating apat, tsaka huwag ka mag-alala kasi especial ka kasi endangered species ka na. Kaya diretsohin mo nalang kami. Hindi 'yong parang may kasalanan ka sa nanay mo na kailangan mong magpabebe." Halong inis at may pagkasarkastikong sabi ni Khendra. Kaya natawa na lang kami, si Abhie lang hindi. Attentive naman kaming nakikinig ni Chlarisse sa dalawa.

"Naaprisyieyt ko 'yong sinabi mo Khen kahit na alien ka. Ganito kasi nga kasi 'yon, wala pa nga akong nagagawang activities at assignment sa science. Total mababait naman kayong mga kaibigan, at pare-pareho lang din tayo ng year level. At alam nating lahat na love niyo ko. Pakopyahin niyo na 'ko." Saad ni Abhie, sabay puppy eyes.

Halos mabilaukan naman sa sariling laway si Khen sa inasta ng kaibigan namin.

"Alam mo okay na sana eh. Kung hindi ka lang nag puppy eyes, hindi bagay." Biro ko.

"Bakit papakopyahin mo ba 'ko?" Tanong niya na para bang may pag-asa.

"As if naman kung may natapos na ko." Pagsasabi ko ng totoo.

"Alam mo age, ang funny mo talaga," malambing na saad ni Chlarisse, sabay ngiti ng pagkatamistamis.

"Thank you sa mga compliment niyo ha. Naaprisyieyt ko talaga kayo, kahit mga bruha kayo," taos pusong pasasalamat nito saamin.

At tuluyan na kaming bumagsak sa katatawa kay Abhie. Hindi ko alam kung anong klase siya. Kung nagpapanggap ba siya o sadyang hindi lang nakakaramdam na kanina pa namin siya pinagkakaisahan.

"Teka, bakit? Anong nakakatawa? May clown ba sa loob ng caferia, o nadulas, whatsoever? Ano sabihin niyo naman para hindi naman ako OP." Inosenteng tanong ni Abhie sabay simangot.

"Wala, funny ka lang talaga. Nakakatuwa ka kasi eh...funny-wala-in," dagdag pa ni Chlarisse, halos pabulong na lang ang huling sinaad niya dahil sa pagtawa. Hindi na rin nagsalita pa si Abhie.

Kararating lang namin dito sa cafeteria, medyo marami na ring tao. Kaya hinanap na namin ang puwesto namin na nasa bandang dulo kaya tanaw na tanaw mo ang magandang garden ng school. Glass wall eh.

Hindi na rin namin pinansin pa ang mga pinagsasabi ni Abhie, hayaan mo siya riyang dada nang dada. Wala namang patutunguhan 'yan eh. Hindi ko nga alam kung seneseryoso niya mga sinasabi namin o hindi eh. At nang makita kong papalapit na sa pwesto namin sina Heaven at Marcus, saka lang ako nagsalita.

"Bakit kaya may nakapasok na MASAMANG HANGIN dito?" Pinagdiinan ko talaga 'yong "masamang hangin" kasi may paparating na bagyo este ang magpinsan Jirus at Mike.

"Grabe ka naman Mary, para namang napakabigat ng kasalanan no'ng dalawa sa 'yo," puna ni Chlarisse.

"Wala sadyang ayoko lang na nakikita pagmumukha ng dalawang 'yan. Nakakasira ng araw eh," Inis na sambit ko.

"Ah ganoon. Bakit sila nakakasira ng araw? Eh para namang hindi, kasi para saakin nakakabuo sila ng magandang araw, tulad ko. May dalaw ka teh? Haha." Pagtatanggol niyang saad sa dalawang tukmol sabay tawa.

"Ewan ko sa inyo," inis kong saad ko sabay irap. At tumahimik na rin ako tulad ni Abhie.

"Tala huh? Anlaki naman ata nang galit mo samin, para namang may nagawa kaming mabigat na kasalanan sa'yo." At sumilay na naman ang ngiti sa pagmumukha nitong si Marcus.

"Anlaki naman ng tainga ng isang 'to," bulong ko.

"Siyempre naman Tala malapit lang naman kami sa inyo tsaka malakas din naman ang usapan niyo kaya rinig na rinig hanggang do'n sa entrance." Nakangiti at sarcastic naman na saad ni Heaven. Umirap lang ako. Oo na pikonin ako.

"Bakit ba palagi niyo 'kong tinatawag na Tala ha? Nanay ko ba kayo ha?" Inis kong saad, sina mama at papa lang kasi ang tumatawag saakin ng Tala minsan itong tatlo kong kaibigan.

"Easy, your friends keep calling you Mary while your first name is Maria and, the second one is Nathalia so I will call you Tala just like how your parents call you." Depensa naman nitong si Heaven. Inirapan ko lang sila, ayokong makipag-away ngayon. Humagikhik naman ang tatlo, aba't ako na ngayon ang center of attraction ng tatlo, hindi na si Abhie.

"Ah alam ko na. Para naman nawala yang galit ni Tala samin. Treat na lang namin kayong apat, ni pinsang abo." Sabat naman nitong si Marcus, sabay akbay kay Marcus na nakangisi.

"What da! How many times that I told you, don't call me abo. Ang ganda ng pangalan kong Marcus Ashler." Reklamo ni Marcus. Na siyang ikinahagalpak naman ng tawa, kasi natabla na siya ng pinsan niya. Buti nga sa'yo.

"Bro, para patas lang. Everything's good." Kibit-balikat kong saad na may kasamang pagtaas ng isang kilay, sabay akbay kay Marcus.

"Eh, alam niyo ba palagi naming inoorder na magkakaibigan?" Tanong ni Khendra, na siyang nagpabalik sa topic.

"Of course!" Sabay nilang sagot.

"Then, well see." Panghahamon naman ni Abhie. At tuluyan ng umalis ang dalawa diretso sa counter area para umorder.

Next chapter