111 Chapter 110: End

Umiiyak akong yumakap kay tita. Knowing that I have someone on my tummy now. I really can't imagine na ganun kabilis lumaki ang tyan ko. "Tita, si daddy.." nag-aalala kong sabi. Sa totoo lang. Di naman ako takot kay daddy. Actually, daddy's girl nga ako. Ang ikinakatakot ko ay ang magiging reaksyon nya pag nalaman na nyang buntis ako. Kung anong sasabihin nya at anong magiging tingin nya sakin gayong may nangyaring magandang balita. Kung maganda nga para sa kanya iyon. I hope so. I really wish na matanggap nya ako kahit na nagkamali ako. Kahit na, heto ako't mag-isa. Walang maiharap sa kanya na kaisa.

"Don't cry.. makakasama yan sa bata.. don't worry about him.. akong bahala sa kanya.." inayos nya ang magulo kong buhok saka pinalis ang luha saking mga mata.

Ngayon ko lang narealize na. May ganito palang tao. Sa unang tingin mo. Masungit at manghuhusga. Lahat nang pwedeng idescribe para sa isang taong kabaligtaran nang iyong ugali ay naiisip mo. Pero mali pala. Nagkamali pala ako. Dahil itsura lang pala nila ang ganun. Kumbaga, paraan nila para hindi makita ng mga tao na sila ay mahina. Para hindi sila masaktan ninuman. Nagpapanggap silang matapang pero sa totoo lang. Hindi naman talaga.

Di ko alam bat bigla nalang nyang naikwento ang lahat ng tungkol sa kanila ni daddy. She said. She never wants to hurt someone. To gain someone whose lost to everyone. Tinutukoy nya ay si daddy. Alam nya raw na may pamilya ito at anak. Tinanong ko sya kung bakit pumatol pa sya kahit na may pamilya na. Ang tanging sagot nya lang ay 'nagmahal lang ako.' Hindi ko alam bakit ko iyon naintindihan. Tama naman sya. Nagmahal lang sya. Napikot sya sa pagmamahal na hindi nya kayang iwasan.

Tulad ko.

Dahil sa pagmamahal at hindi ko pag-iisip ng normal sa panahon nang kagipitan. Wala na akong ideya kung paano malulusutan ang bagay na naiipit na ako.

Before heading back home. Nagpalamig muna kami sa mall ng ilang minuto. Gumala at tumingin tingin na rin ng mga damit para sa magiging anak ko.

"Lets go.." yaya na nya. Ilang minuto bago mag-alas syete nang gabi. Lumunok ako. Bumara ang kaninang tubig na nilagok ko kanina. "Keep calm okay.. ako muna kakausap sa daddy mo para malinaw sa kanya.." paulit-ulit nitong bilin nang makasakay na kami ng kotse.

Kahit anong pilit kong kumalma. Kinakabahan pa rin. Natatakot.

Dumating kaming bahay na nagluluto sya. Pareho namin syang binati ni tita. He asked kung saan nga ba kami galing. Si tita na ang sumagot para sakin. Sabi nyang nagbonding lang kmaing dalawa, na ikinatuwa naman nya. Little does he know.. My little secret.

Umakyat ako ng kwarto kong medyo kabado. Sinong di kinakabahan sa pagsisinungaling?. Malamang, daddy mo yun girl.. Dapat lang na kabahan ka!

Natapos ang gabing iyon na tiwasay. Walang malateleseryeng naganap. Normal lang.

Pero ako. Daig ko pa makikipag-kumpitensya sa dami ng iniisip ko. Hindi ako mapakali kahit na nakahiga na ako. I tried to blink and think for a second. Positivity. Iyon ang kailangan ko. Iyon ang dapat. But damn! DAMN IT! Hindi ko maiwasan sapagkat, naglilihim ako. Hindi ko kaya coz I'm not used to it.

Dumating ang araw pati ang gabi. Walang bahid ng galit si daddy. He acts like he knows nothing. So did I. Lagi ko nga lang nahuhuli ang mga titig ni tita sakin. Sinasabing, wag. Balak ko ng aminin sa kanya ang lahat pero sa tuwing nakikita nya ako. Umiiling sya.

"Tita, gusto ko nang sabihin kay daddy.." umiling sya. Naisip ko lang kanina. Kung magalit man sya sakin. Atleast nalaman nya. Atleast, naging totoo ako sa kanya. Atleast, hindi na ako nagsinungaling pa. Diba? Dahil, kingina! Hirap na nga ako sa kalagayan ko. Magpapahirap pa ba ako?. No!. Pagod na ako. Pagod na ang mag-isa. Hindi ko na talaga kaya.

Lumipas ang mga araw. Linggo at apat pang buwan bago nya nalaman.

"Damn it!.. Nerissa!.." bigla ay galit na galit syang bumaba. Nagmamadali. Kulang nalang tumalon sya galing ikalawang palapag pababa para lang mapuntahan agad ako sa sala. King saan. Prente akong nakaupo doon. Kumakain ng pizza na nirequest ko kay tita.

Napatayo ako nang makita kung gaano kapula ang buo nyang mukha. Itatanong ko na sana kung ayos lang sya nang unahan nya ako. "Jesus!.." histerya nitong himig. Pinunasan ang pawisang noo bago muling ibinalik ang kamay sa baywang nito. "Why hija?.." halatang nagpipigil sya ng galit nang magtanong na sya. Tumalikod pa muna sya. Hinawakan ang labi bago hinilamos ang mukha. "Bakit di mo agad sinabi sa akin na... he stopped na para bang nahihirapan sa sasabihin. "-that you're pregnant?.." mahina nalang nyang binanggit ang huling mga salita.

Matagal akong tumiitig sa kanya. Tahimik ang namagitan sa amin. Dumating man si tita. Hindi pa rin sya nagsalita.

"Daddy.." sa mata ko sya tinignan. Kinakausap duon. Inipit nya ang sariling labi. Namula rin ang dalawa nyang pisngi. Halatang nagpipigil umiyak.

"Who is the father?.." kaybigat nya itong sinabi. Dahan dahan. Na konting mali lang. Hahagulgol na sya.

Naipit ko rin ang nanginginig kong labi. Naging malabo ang paningin ko dahilan para magbaba ako ng tingin. Duon lalong bumuhos ang luha. Saka dahan dahang umiling.

"What the heck Joyce!!..." malutong nitong mura. Umalingawngaw sa buong kabahayan. Pinigilan sya ni tita pero hindi man lang ito natinag. Pumikit ako sa sakit na dumaan saking lalamunan. Marami pa syang sinabi. Mura at iba't ibang salita ngunit ni isa sa mga iyon ay wala na akong naintindihan. Naging malabo na ang lahat sa akin. Wala na akong naririnig kundi ang tibok ng puso kong ang bilis. Bumibilis at palakas nang palakas.

"Daddy, let me explain.." sinubukan kong sabihin ito sa kanya. Hindi nya ako pinakinggan. Imbes. Itinaas lang ang kanan nyang kamay para pigilan ako.

Nag-unahan tuloy ang luha ko. Tinalikuran nya ako pero hindi sya umalis. Nakaalalay sa amin si tita na di alam kung saan pupunta. Kung sino samin ang kakausapin o lalapitan.

"You should Joyce!!.. I need your goddamn explanations!.." hindi na napigilan pa ang galit sa boses nya.

Matagal bago ako kumalma. Matagal bago kami naging kalmado.

At kahit mahirap. I explained it to him, everything!. Walang labis. Walang kulang.

"Gago sya!.." hindi na naman nya napigilan ang magmura. Ang murahin ang taong kasama kong gumawa nang apo nya.

Masakit man pakinggan. Wala akong magawa kundi lunukin ang mga iyon dahil totoo naman si daddy. I never thought na ganun pala si Lance. Pagkatapos nang lahat. Mang-iiwan sya. For what!?. Para saan Lance!? Pakisabi naman sakin kahit text o call lang! Kingina! Hinihintay ko pa rin ang paliwanag mo kahit alam ko nang malabo na ito. Kasinglabo mo!..

avataravatar
Next chapter