Agad naman lumingon si Marvin, pero walang tao sa kanyang likuran.
Ang kakaibang boses ay nagmula sa kawalan.
"Sino 'yan?" Malakas na tanong niya habang hawak ang dalawang dagger niya, alisto.
Walang napansin na kahit sino ang kanyang Perception nang marinig niya ang boses na iyon.
Tanging katahimikan na lang ang sumunod dito
Hindi na muling nagsalita ang boses mula sa kanyang likuran.
Maingat na siniyasat ni Marvin ang kanyang mga log at nakitang walang skill check para sa ano mang ilusyon o kahit ano pang tulad nito.
May pakay ang boses, pero kakaiba ito.
Suminghal lang si Marvin at hindi na ito pinansin at pumasok na siya sa gubat.
Hindi naman siya duwag para matakot na dahil lang sa isang pangungusap.
…
Napakadilim ng gubat.
Kumpara sa Thousand Leaves Forest, ang mga puno ng Lumber Wood ay tila mas matatangkad.
Pero hindi tulad ng mayabong at masiglang Elven Forest, na damang-dama ang buhay nito, tila kakaiba ang hugis ng mga matatangkad na puno ng Lumber Woods.
Ang bark ng mga puno ay tila mukha ng mga matatanda, kakaiba, at ang sino mang tumingin dito ay mababalisa.
Hindi masabi kung paano magawang magtrabaho dito ng mga lumberjack.
Walang masyadong alam is Marvin tungkol sa gubat na ito. Sa katunayan, maraming mga grupo ang nagsasabi na ang Lumber Woods ay itinuturing na kasing panganib ng kasukalan. Mas mapanganib pa raw ito kesa sa Dead Area.
Kaya naman, naging maingatt siya at patuloy na sinundan ang ilog pagkapasok niya rito.
Sa magkabilang panig ng ilog, maraming mga abandonadong logging site. Ito ang bahagi ng gubat kung saan nagtatrabaho ang mga lumberjack dahil mas ligtas dito.
Kung hindi, hindi mananatiling buhay ang mga mahihinang tao ditto.
Ang kinainis ni Marvin ay napakalawak ng kagubatan na ito, at ang bakas na iniwan ni Butterfly ay hanggang sa labas lang. Kaya naman mahihirapan siyang tuntunin ito.
Sinundan niya ang ilog at may nakitang mga tao. Nawala na ang mga ito sa katinuan dahil sa Chaos Magic Power.
Hindi naging mahabagin si Marvin.
Malupitang mundong ito. Kung hindi sila makakalaban, magiging halimaw sila at patuloy na magpapaikot-ikot sa kalupaang ito, at magdudulot ng kapahamakan sa ibang mga nilalang.
Nagmadali si Marvin at kalaunan at nakahanap siya ng kakaibang comb malapit sa isang espasyo.
'Isang Elven Comb.'
Ang Comb ay nasa pagitan ng mga logging sites at ng ilog, at nakapatong sa isang bato.
Malinaw na isa itong bakas na iniwan ni Butterfly.
Marahil naubusan siya ng breadfruit at walang itong nagawa kundi gumamit ng iabng bagay para mag-iwan ng bakas.
'Alam niyang susundan ko ang ilog…'
'Nag-iwan siya ng breadfruit at comb. Malinaw na matino pa ang pag-iisip niya nang gawin niya 'to.'
'Ano ba talagang ginagawa niya?'
Pero gayunpaman, dahil nakakuha na siya ng isang bagay nap ag-aari nito, magagawa na niyang tuntunin ito.
Agad siyang gumamit ng Night Tracking.
At gaya ng inaasahan, isang manipis na pulang linya ang lumitaw sa kanyang paningin at patungo ito sa kaibuturan ng kagubatan.
Walang nagawa si Marvin kundi iwan ang ilog at magtungo sa loob ng Lumber Woods.
Base sa detalye ng Night Tracking, mukhang hindi pa nakakalayo si Butterfly.
Anong ginagawa niya?
Malapit nang makuha ni Marvin ang kasagutan.
Pero nang papasok na si Marvin, muli niyang narinig ang boses. "Kung ako sayo, hindi ako basta-basta magpapa-uto sa iba."
"Ang gubat na ito ay isang patay na lugar, walang nakaka-alam kung ilang lumberjack ang namatay dito."
"Nakikita lang ng Alliance ang lugar na ito bilang pagkukunan ng yaman, at wala silang pakialam kung ilang tao ang isasakripisyo nila. Magtiwala ka sa akin, mamamatay ka kapag pumasok ka."
Agad naman na tumingin muli si Marvin sa paligid.
Pero walang tao!
"Sino ka?" Tanong ni Marvin.
Sa labas, mukhang mahinahon si Marvin, pero ginagamit na niya ang [Earth Perception]!
Sa sumunod na Segundo, bawat nilalang na malapit kay Marvin ay lumitaw sa kanyang isipan.
Nararamdaman niya ang salmon na gumagalaw sa ilog, ang mga talangka na nagkakagulo sa dalampasigan… Pati na ang mga pangit na puno!
Agad na niyang naunawaan.
Kahit na hindi na muling nagsalit ang boses, natunton na ni Marvin ito!
Ang napakapangit na puno!
"Akala ko naman kung ano…" Ika ni Marvin, "[Whispering Treant] lang pala."
Nanatiling tahimik ito.
Pero hindi na ito mahalaga. Nahanap na ni Marvin ang pinagmumulan ng boses at hindi na siya magagambala tungkol dito.
Sa katunayan, ang isang Whispering Treant ay hindi isang nature-type creature. Sinasabi na ang Evil Dragon na si Tidomas, at ngyaon naman ay ang 2nd Overlord ng Negative Energy Plane, ay gumamit ng mga spell at curse para gawin ang mga Treant.
Walang kakayahan sa pakikipaglaban ang mga Whispering Treant at kaya lang nitong manakot ng mga tao.
Iilan lang ang mga ito sa Feinan, kaya naman hindi niya inaasahan na makakita nang marami nito sa Lumber Woods.
Ang mga balita tungkol sa mga Devil ay marahil dahil sa sa mga Treant na ito.
Si Marvin ay isang Ruler of the Night, kaya naman walang magagawa ang mga Treant laban sa kanya, pero sinubukan pa rin ng mga ito na bantaan siya.
Dahil ito sa kanilang instinct.
Pero habang iniisip ito, sino man ang nagtanim ng mga Whispering Treants na ito, ibig sabihin mayroong malaking sikreto ang kagubatan na ito.
Tagong mga sikreto.
Lalong lumakas ang kyuryosidad ni Marvin.
Hindi na niya pinansin ang mga Treant at nagtungo sa kaibuturan ng kagubatan.
…
Hindi kanais-nais para sa iba ang madilim na gubat.
Pero bilang isang Ruler of the Night Walker, komportable dito si Marvin.
Hindi naapektuhan ng lugar na ito ang bilis ni Marvin.
Matapos ang isang oras ng pagtakbo, naabot na ni Marvin ang pakay niya.
'Ang layo naman ng narating ng babaeng 'to.'
Sa tantya nia Marvin, naabot na niya ang kaibuturan ng Lumber Woods. Maaring ito na ang gitna ng lugar na ito.
Bakit naman nagpunta dito si Butterfly?
Nagpatuloy si Marvin habang iniisip ito.
Sa di kalayuan, nakakita siya ng pagitan sa mga halaman.
Dahan-dahang lumapit si Marvin.
Pagkatapos hawiin ang isang sanga, nakita niya ang isang ruins.
Bigla siyang natigilan.
Mayroong ancient inscription sa dulo ng ruins.
Sinauna at kakaiba ang mga runes na nakita ni Marvin.
Sa gitna ng mga bato, mayroong isang altar na gumuhi na, dahil siguro sa paglipas ng oras.
'Ito ay…'
'Isang templo!'
Tila di na makapagsalita si Marvin.
Lumber Woods, Chromatic Dragons, isang templo sa gitna ng ruins…
Lahat ng bagay ay tila pamilyar.
'Ito ba talaga ang [Dragon God's Wrath]?'
'Kung ganoon, ang ruins na ito ay hindi lang ang templo ng Chromatic Dragon God, kundi dito rin nakalibing ang bangkay nito…' isip-isip ni Marvin.
Nang biglang may humawak sa kanyang balikat!