webnovel

War God’s Might

Editor: LiberReverieGroup

Nang makita nito ang kumikinang na Pearl, agad na nasabik si Tiramisu!

Agad niyang nilunok ang Wormhole Pearl!

Lumaki ang katawan nito.

"Woosh!"

Nawala ang Dragon sa paningin ni Marvin!

Tumingin sa kapaligiran si Marvin at napansin ang isang anino ng Dragon na lumilipad sa labas ng kulay kahel na pader.

"Sa wakas, malaya na ako!"

"Walanghiya ka Father! Ikinulong mo ako dito nang napakatagal, kain tulog lang ang pwede kong gawin at hindi ko man lang magalaw ang katawan ko!"

"Humanda ka, hahanapin kita!"

Ilang minitong lumipad-lipad si Tiramisu habang nagsisisigaw ito.

Pinanuod naman ni Marvin ang eksenang ito mula sa kulungan, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.

Hindi niya alam kung bakit gusto ng am ani Tiramisu na ikulong siya sa isang kulungan sa loob ng napakahabang panahon.

Pero pagkatapos lunukin ang Wormhole Pearl, tila kaya nang lumipad ni Tiramisu nang walang sagabal.

Dahil dito, natupad na ni Marvin ang kanyang pangako at natunaw na ang kanyang Contract.

"Woosh!"

Lumipad pa uli ng isang beses si Tiramisu. Sa pagkakataon na ito, hinawakan na nito ang balikat ni Marvin gamit ang kanyang maliliit na tari at sumigaw, "Tara na!"

Magkasama silang umalis ng nakakatakot na kulungan.

Pag-alis nila, tila maganda ang timpla ni Tiramisu.

"Matindi siguro ang pinagdaanan mo para lang makuha ang Wormhole Pearl. Mabuti, mabuti, natutuwa ako sayo."

Nakangiting sinabi ng Dragon, "Dahil tinulungan mo ko, magmula ngayon, ikaw na ang nakababatang kapatid ko!"

Hindi alam ni Marvin kung matatawa ba siya o maiiyak.

Habang tinitingnan ang say ng Dragon, pati na ang kanyang maliit na katawan at batang boses, may naramdamang mali si Marvin!

Gayunpaman, nararamdman nya ang sensiredad sa boses ni Tiramisu.

Hindi maliit na bagay ang pagkakaroon ng kaibigan na isang Eternal Time Dragon. Habang lumilipad sila sa kalangitan, nakaramdam ng tuwa si Marvin.

Hindi nasayang ang pagbibigay ng kanyang System.

Pero hindi inakala ni Marvin na hindi pala makatwiran ang Dragon na ito.

Matapos dalhin si Marvin sa labas ng kulungan, naghanap lang ito ng wasak na Secondary Plane at iniwan na doon si Marvin.

"Ngayong malaya na ako, kailangan kong hanapin ang ama ko at maghiganti."

"Kung may kailangan ka pa, hintayin mol ang na matapos ko ang paghihganti ko."

Bago pa man makasagot si Marvin, bigla na lang nawala ang Dragon!

Nawala!

Tiningnan ni Marvin ang kapaligiran: Wasak na mga pader, malamlam na mga bituin, sobrang katahimikan!

"Pucha!"

Hindi niya maiwasang mapamura!

'Nasaan ako?! Nasa gitna ako ng Astral Plane!'

'Iniwan niya lang ako basta dito?'

Malinaw na inisip ni Tiramisu na mayroong paraan si Marvin para makabalik nang mag-isa sa Feinan.

Pero wala itong paraan para makabalik!

Makapangyarihan man ang Endless Path, kailangan pa rin nio ng eksaktong lokasyon o makita man lang ang destinasyon na nais nitong puntahan. Walang kaalam-alam si Marvin kung nasaan siya ngayon!

Paano siya makakabalik ng Feinan!?

Isa pa, limitado lang rin ang distansyang kayang maabot ng Endless Path depende sa kapangyarihang kaya niyang ibuhos dito. Hindi niya alam kung gaano kalaking halaga ng Divine Power o Fate Power ang kailangan niya para lang sa interplanar na paglalakbay gamit ang Endless Path!

Ayon sa Wisdom Ability ni Marvin, kahit na gamitin niya ang lahat ng kapangyarihan ng advanced False Divine Vessel, kulang na kulang pa ito para sa interplanar na paglalakbay!

'Anong gagawin ko…'

Bahagyang nainis si Marvin.

Mabuti na lang at nasa kanya pa ang Fate Imprint kaya magagawa niya sigurong tawagan si Jessica at Ding.

Si Jessica at Ding ang humila sa kanya pabalik mula sa kaibuturan ng Universe noong nakaraan, kaya siguradong may maiisip ulit na paraan ang mga ito ngayon.

 .

Habang iniisip ito, ginamit ni Marvin ang kapangyarihan ng kanyang False Divine Vessel patungo sa kanyang Fate Imprint.

Paglipas ng isang minute.

Walang nangyari!

'Anong nangyayari? Bakit walang reaksyon?' Sumimangot si Marvin… .Hindi ito tama.

Kinakatawan ng Fate Imprint ang Feinan's Will. Kahit pa gaano siya kalayo, dapat ay mayroon pa rin itong reaksyon.

Wala na siya sa kulungan ngayon, kaya walang rason para hindi siya makaramdam ng koneksyon kay Jessica matapos niyang ibuhos ang kapangyarihan niya dito.

Pero hindi nagtagal ay naunawaan na niya ang dahilan.

Isang malaking aninong mala-Celestial ang naglakad papalapit mula sa malayo.

Ang bawat hakbang nito ay sapat na para yanigin ang buong Universe!

Biglang nagbago ang mukha ni Marvin. Kilala niya ang taong iyon!

Sinasabing wala pang nakakakita ng tunay na itsura nito.

Napakatayog daw nito na parang mga bituin. Ang lahat ng taong kumalaban sa kanya aynamatay at nahulog sa kadiliman.

Isa siya sa tatlong Great God na namumuno sa Astral Sea!

Ang War God!

"Sinarado ko na ang lahat ng daan palabas ng plane na 'to!"

"Kahit pa matawagan mo ang tatlong Fate Sisters, hindi ka na nila matutulungan."

Mahinahon ang tono ng War God. "Isa ka nang bihag sa kulungan na 'to, wala ka nang kawala."

"Ibigay mo sa akin ang Fate Tablet at hahayaan ko ang kaluluwa mon a mapunta sa Underworld nang matiwasay."

Nakaramdam ng nakakatakot at makapangyarihang pwersa!

Ito ang unang beses niyang nakaharap ang isang nakakatakot na God ng mundong ito!

Si Anuba Grant na nakaharap niya ay isa lang avatar!

Sa pagkakataon na ito, ito na ang mismong War God!

Makikita kung gaano kahalaga ang Fate Tablet dahil dito. Kahit na maayos pa ang kalagayan ni Marvin sa Feinan, hindi siya tatantanan habulin ng mga God sa labas ng Feinan!

Ang War God ang pinaka-una. Pero kung makatakas man si Marvin, hindi pa ito ang magiging huli.

Sa ilalim ng pwersa ng Divine Vessel ng makapangyarihang God na ito, kahit ang kumpletong Flase Divine Vessel ay tila nanginginig!

Nagmamadali naman na nag-isip si Marvin ng paraan para makatakas, pero hindi niya maiwasang mabaling ang atensyon sa pagmumura kay Tiramisu sa kanyang isipan.

Kung hindi siya basta-basta inilapag ng Dargon na iyon sa lugar na ito, hindi siya madaling mapupunterya ng War God!

Sinubukan niyang umatras.

Pero sakop ng ng War God ang bawat sulok ng plane na ito.

Kahit ang Shadow Domain ni Marvin ay napipigilan dahil sa lakas ng pwersa ng War God kaya hindi niya ito magamit ng lubusan!

Sa isang harapang laban, walang sapat na lakas si Marvin para makatakas!

Ito ang unang beses niyang makaharap ng isang God na may roong napakalakas na pwersa!

'Pucha! Kakailanganin ko yatang gamitin ang Eternal Night Kingdom?'

Ayaw sanang gawin ito ni Marvin.

Ang Eternal Night Kingdom ay isang Treasure na malapit sa kanyang puso.

Matapos niyang piliin na tipunin ang Book of Nalu, hindi niya alam gaano karaming panganib ang kakaharpin niya.

Ang ganitong uri ng Treasure ay kailangan gamitin lang sa pinaka-kritikal na panahon.

Kung hindi, sa oras na maunawaan ng kalaban kung ano ito, makakahanap na ng paraan ang mga ito para tapatan ito.

Hindi tanga ang mga God. Hindi sila maloloko ng bagay na iyon nang paulit-ulit at mawawalan ito ng epekto sa paglipas ng panahon.

Pero mahirap na ang kanyang sitwasyon ngayon. Kung isa lang itong God na katulad ng Dream God, kagkakaroon pa ng kumpiyansa si Marvin sa pagkalaban dito!

Pero ito ang War God…

'Bahala na… Wala na kong magagawa.'

Naiinis na hinanda ni Marvin ang paggamit sa Eternal Night Kingdom para makatakas.

Pero biglang isang pamilyar na boses na nagmumura ang dumating. "Sinong tanga ang nagsarado ng plane na 'to!"

"Hindi masaya ang Great Dragon na 'to! Kakatakas ko lang sa isang kulungan at nasa isa na naman akong kulungan! Buksan mo ang plane na 'to ngayon din, kung hindi ay magagalit ako!"

Nagningning ang mata ni Marvin!