webnovel

Throwing Knives Formation

Editor: LiberReverieGroup

Habang naglalakad siya sa mabundok na bahagi, mas marami ang nakikitang libro ni Marvin.

Sa isang bahagi na may birol, bawat mababang lupa ay katumbas ng isang istante ng libro, na mayroong lamesang puno ng mga libro.

Karamihan ng mga libro ay sinauna at tanging pangalan lang ng mga ito ang naiintindihan niya. Pero hindi niya maintindihan ang mga laman nito.

Ang pakay niya ay ang Book of Forgiveness.

Lalo pa at ang ito ay napagkasunduan nila ng Dragon Soul.

Ang isla na ito ay malawak at ang bahagi pa lang ng kabundukan ay malawak na.

Mabuti na lang at mabilis si Marvin, nagmadali siya na bahagi ng kabundukan na parang isang kidlat at sa wakas ay nahanap niya ang Book of Forgiveness sa isang lamesa.

Mas manipis ito kumpara sa iba pang mga libro.

At gaya ng ibang mga ancient book, ang Book of Forgiveness ay balot ng malamlam na liwanag.

Isa itong simpleng alarm spell. Kung mayroong hahawak sa Book of Frgiveness, mabubuksan ang alarm ng buong aklatan.

Pero sinabihan ng Dragon Soul si Marvin ng paraan para makuha ang libro nang hindi nabubuksan ang alarm ng aklatan.

Naglabas siya ng isang pares ng gwantes at isinuot ito.

Ang pares ng gwantes na ito ay ibinigay ng Dragon Soul at sinabing kaya nitong iwasan ang mga alarm ng aklatan.

At tulad ng inaasahan, noong isuot niya ang mga gwantes at kinuha ang Book of Forgiveness, kumalat ang malamlam na liwanag.

Ang hawak ni Marvin ay isang librong mayroon lang iilang pahina.

Lumabas sa kanyang log ang mga impormasyon tungkol sa Book of Forgiveness.

[Book of Forgiveness (Book – Tool)]

[Soul Bind: Loyal Tidomas]

[Effect: Tanggalin ang selyo ng Evil Dragon Teeth]

Nang makita ang mga log na ito, natigilan si Marvin.

Ang nasa ilalim ng soul bind ay si Tidomas!

Teka, hindi ba nasa Negtive Energy Plane siya?

Hati ba ang kaluluwa niya?

Ang Dragon Soul na napakatagal nang nakaselyo ay si Loyal Tidomas?

Nakadama ng sabwatan si Marvin.

Sa kasamaang palad, wala siyang alam sa Draconic, kaya wala rin siyang napala sa pagbuklat ng mga pahina nito.

Kaunti lang ang mga pahina ng Book of Forgiveness, at ang bawat pahina ay mayroon lang iilang mga Draconic na nakasulat. Hindi pa ito sapat para makabuo ng pangungusap.

Pero nararamadman ni Marvin na ang tunay na susi para matanggal ang selyo ay ang malakas na pwersang nakatago sa libro.

Matapos makuha ang Book of Forgiveness, nakahinga nang maluwag si Marvin.

Nabanggit ng Dragon Soul na ang Book of Forgiveness ay nasa silangan habang ang Wisdom Chapter ay nasa kanluran.

Nahanap niya ang Book of Forgiveness sa mabundok na bahagi, kaya ang Wisdom Chapter ay siguradong nasa kabilang dako nito, sa bahagi ng lawa.

Kahit na hindi magaling lumangoy si Marvin, lagi siyang mayroong mga underwater brething potion na dala sa kanyang storage.

Agad naman siyang nagtungo pa-kanluran.

Nag-ingat siya na walang mahawakang libro habang papunta siya doon.

Kahit na napakahalaga ng mga libro na ito, mas mahalaga pa rin ang Wisdom Chapter.

Pero wala ring saysay ang pagiging maingat ni Marvin.

Dahil lumitaw pa rin ang pangit na babaeng biglang lumitaw sa tuktok ng bundok na nasa kanyang harapan.

Librarian Fati!

Sumimangot si Marvin, 'Hanggang doon lang ang kinaya ni Ikarina?'

Sa tantya ni Marvin, sa lakas ng isang Black Dragon, madali lang para dito na harapin ang isang Draconic Sorcerer nang ilang minuto!

May masama siyang kutob dahil sa biglaang paglitaw ng Librarian dito.

Tumawa si Fati, "Ang mga tao talaga ang pinakamangmang na mga nilalang. Nagtiwala ka talaga sa isang Race na kilala bilang mga taksil."

"Kahit na hindi ko alam kung anong klaseng Contract ang mayroon kayo, inilaglag ka na niya."

Ipinapakita niya ang salamin na hawak niya habang sinasabi ito.

Nakakagulat naman na lumabas ang imahe ni Marvin dito.

Huminga nang malalim si Marvin at palihim na gumamit ng [Earth Perception]!

Subalit, sa pagkakataong ito, ginamit niya ito sa mga pahinang nasa loob ng kanyang storage!

Agad niyang napagtanto na ang mga ito ang sinusundan ng locating spell.

Nilinlang siya ni Ikarina.

Hindi nagtagal at nakita niya ang isang espesyal na pahina sa pagitan ng mga ito.

Walang nakasulat dito ay mayroon itong camouflage skill sa itaas.

Sadyan noong natanggap ni Marvin ang mga pahina mula kay Ikarina, hindi na niya ito gaanong siniyasat at kaya naisahan siya ng Black Dragon.

"Pinaubaya niya sa iba ang pagpatay."

Napailing si Marvin at natawa.

"Ano man ang mangyari, mamamatay ka ngayon." Isang mabagsik na reaksyon ang makikita sa pangit na mukha ng Librarian, "Dahil sa kasakiman mo, siguradong mapaparusahan ako!"

"Kaya pahihirapan kita bago ka mamatay."

Ngkibit-balikat lang si Marvin, "Hindi mo ata ako naiintindihan."

"Ang sabi ko lang ay pinapaubaya niya sa iba ang pagpatay. Hindi ko sinabi kung kanino niya ito pinaubaya at sino ang papatayin."

"Gayunpaman, kahit na hindi ko binalak na kalabanin ka, dahil kusa ka nang lumapit sa akin, didispatyahin na kita."

"Tungkol naman sa Black Dragon, mauunawaan niya kung ano ang kapalit ng pagtraydor niya sa kain."

Tila walang kabuhay-buhay ang tono ni Marvin sa simula, pero unti-unti itong napuno ng bagsik.

Agad niyang binuhay ang kanyang Domain, [Slaughter]!

Ang Domain ng mga Legend Powerhouse ay mayroon banayad na epekto.

Dahil hind pa sila umaabot sa God level, hindi nila magagamit ang mga patakaran ng mga Domain para sa kanilang sarili. Pero bahagyang itataas ng Domain ang battle efficiency ng mga Legend Powerhouse.

Hindi ito makikita sa kanilang mga attribute. Kung kailangan intindihin ang epekto nito sa kanila, masasabing nakakatulong ito sa mga check na nangyayari sa gitna ng laban.

Halimbawa na alng ang Slaughter at Shadow Domain ni Marvin, sa isang iglap ng kanyang pag-atake, ang kanyang mga skill ay magkakaroon ng maliit na bonus.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit nagawa niyang tuloy-tuloy na patayin ang Dark Phoenix.

Kahit na hawak ng isang ordinaryong Legend ang kanyang mga elven dagger, hindi naman nito basta-basta magagamit ang Divine Restrain effect.

Ayaw sanang kalabanin ni Marvin si Fati, pero kung magkaharap man silang dalawa, hindi rin siya matatakot dito.

Sa laban, ang mas malakas ang mananalo!

Hindi na siya mahina,

Ang matatalinong tao ay iiwasan ang mga laban na hindi kailangan, at ang tunay na mga powerhouse ay hindi iiwas sa mga laban na hindi maiiwasan.

Kumislap ang liwanag kasabay ng pagbunot ni Marvin ng kanyang mga dagger.

Biglang nawalang si Librarian Fati, umaalingawngaw ang kanyang boses. "Hehe…"

"Aroganteng bata, sa tingin mo, ang mga Legend ang pinakamalalakas?"

"Ipapakita ko sayo ang mga Dragon spell ko!"

Sa sumunod na sandali, naging magulo na ang lugar na iyon.

Nabalot ang paligid ng malaking halaga ng enerhyaat hindi mabilang ang mga Throwing Knife na lumitaw sa paligid ni Marvin.

Ang mga Throwing Knife na ito ay gawa sa purong enerhiya at naramdaman ni Marvin ang panganib dahil sa talim ng mga ito!

[Dragon Spell – Throwing Knives Formation]!

Sa isang iglap, lumipad ang mga throwing knife na ito sa lahat ng direksyon!

Huminga si Marvin at bahangyang naging intangible!

Hindi matatag ang space ng lugar na ito, marahil isa itong external plane at hindi nangahas si Marvin na basta na lang pumasok sa Shadow Plane mula doon.

Pero sa harap ng mga throwing knife na ito, wala na siyang ibang magagawa.

Shapeshift Sorcerer – Shadow Shape!

Naging anino siya, habang nagpapabalik-balik ang mga throwing knife.

Sa tulong ng kanyang Godly Dexterity, ginawa niya ang kaya niya para maiwasan ang mga throwing knife, pero marami pa rin tumama sa kanyang katawan o dumaplis sa kanya.

Sadyang makapangyarihan ang mga Dragon Spell.

Kahit na mayroong physical resistance ang Shadow Shape ni Marvin, tinamaan pa rin siya nang napakaraming beses!

Sa isang iglap, napuno ng butas ang katawan ni Marvin!

Mabilis na bumagsak nag kanyang HP, pero mabuti na lang, at hindi siya nakatamo ng matinding pinsala. Bukod sa matinding sakit, kinakaya naman niya ito.

Binilisan ni Marvin ang kilos at sinubukang makawala mula sa Throwing Knives Formation.

Pero tila wala siyang kawala dito.

Halos hindi pa siya nakakatakas nang nakahanda na muli ang ikalawang Throwing Knives Formation!

At 1/3 na lang ang natitira sa HP ni Marvin.

'Nakakatakot na spell!'

Nababahala na si Marvin.

Tunay ngang makapangyarihang Caster si Librarian Fati. Dahil nauna itong umatake, dehado na si Marvin.

Ang mas nakakatakot pa dito, itinago na ng Librarian ang kanyang sarili at hindi man lang maramdaman ni Marvin ang presenya nito.

Kontrolado niya talaga ang space na ito.

'Hindi pwede 'to…'

'Kailangan kong sumugal at pumasok sa Shadow Plane, kung hindi, tuloy-tuloy lang akong makakatanggap ng pinsala!' Biglang pumasok ito sa isip ni Marvin.

Sa sunod na Segundo, sinubukan niyang gumamit ng Shadow Doppleganger para pukawin ang pansin ng Throwing Knives Fromation.

Pero hindi na ito siniyasat ni Fati, kahit san man mapunta ang pangunahing katawan nito, susunod ang Throwing Knives Formation.

Natatalo na si Marvin pero nanatili pa rin siyang mahinahon.

Kahit na dehado na siya sa laban, mayroon naman siyang paraan para makalaban.

Hindi ganoon kasimple ang laban ng mga Legend, kung wala siyang katulong, mahihirapan si Marvin na patayin si Fati nang mag-isa.

Tanging ang pagkilala lang sa iyong sarili at sa iyong kalaban ang paraan para manalo.

Ang hindi niya paglaban ay paraan lang ng pagsiyasat ng lakas ng magic ng kanyang kalaban. Ang pagsubok sa lakas ng isang caster ang pinakapangkaraniwang istratehiyang ginagamit ni Marvin laban sa isang Legend Caster.

Pagkatapos ng unang bugso ng Throwing Knives Formation, nagtantya na ni Marvin kung gaano kalakas ang magic ni Fati.

Maituturing itong commong physical spell at nakakapagdulot ito ng malaking pinsala. Kung isa itong Death spell, o isang mas malakas na uri ng magic, sa tantya ni Marvin, kahit na gamitin niya ang magic resistance ng Ruler of the Night, baka hindi pa rin niya ito kayanin.

'Mukhang wala na akong magagawa kundi gawin 'yon.'

Tahimik na itinago ni Marvin ang mga dagger at biglang tinigil ang paggamit ng Shadow Shape.

Nang papalapit na ang mga throwing knife kay Marvin, bigla itong nawala!

Nakakagulat naman na napunta siya sa bahagi ng kagubatan.

Ginamit niya ang Shadow Escape at iniwasan ang Throwing Knives Formation.

Pero hindi lang siya basta-basta pakakawalan ni Fati. Kahit na itinapon na ni Marvin ang pahina na galing sa Black Dragon, makakahanap pa rin si Fati ng mga bakas niya.

"Hindi ka makakatakas. Basta narito ka sa islang ito, mahuhuli at mahuhuli kita!" Sigaw ni Fati.

Pero biglang maririnig ang mahinahong boses ni Marvin mula sa kaibuturan ng kagubatan, "Talaga?"

"Paano kung nasal abas ako ng isla?"

Biglang nagbago ang reaksyon ni Fati.

Isang anino ang mabilis na kumilos sa kagubatan, patungo ito sa karagatan!