webnovel

The Hearts of the People

Editor: LiberReverieGroup

Kahit na dati na silang nagulat sa lakas ni Marvin, nakatamo na ito nang malubhang pinsala mula sa Twin Snakes!

Ang mga powerhouse na naroon ay ang mga tunay na pinakamahuhusay sa Feinan.

Pero noon pa man ay mahirap nang kalabanin ang mga kalaban na nagmumula sa lahat ng direksyon!

Noong ang ilan sa kanila ay pumasok na para tulungan si Marvin, sina Kangen at ang ilan pa ay bumalik na muna sa labas para mapigilan ang an mang pag-atake na sasamantalahin na nasa iisang lugar ang mga pinakamalalakas na powerhouse ng Feinan. Ilang kaguluhan na rin kasi ang lumitaw sa iba't ibang lugar na kailangan resolbahin,

Sa sitwasyon na ito, natural lang na hindi mapakali ang mga powerhouse mula sa Astral Sea at ang iba pang mga pwersa dahil mas marami na sila kesa sa kalaban.

At sa ngayon ay wala na ang banta ng World Ending Twin Snakes.

Kahit na alam ng mga ito na pansamantala lang mapipigilan ng Truth Scale ang Wold Ending Twin Snakes, basta mayroon silang sapat na oras, makakahanap at makakahanap sila ng pagkakataon.

At iyon ang Fate Tablet!

Ngayon na nasa pinakamahinang kondisyon si Marvin!

Kung magagawa nilang agawin ang Fate Tablet, makukuha nila ang isang pambihirang kayamanan para sa kanilang God!

At walang hanggang papuri at kapangyarihan ang kasunod nito.

Kahit na ang ang 4th Fate Tablet ay parte ng laro sa pagitan ni Lance at ng Plane Will, hindi pa ito napagtatanto ng mga pyesa sa larong ito.

Sa katunayan, kung sasabihin sa kanila ito ni Marvin, siguradong hindi maniniwala ang mga ito. At kahit na maniwala ang mga ito, eh ano naman ngayon?

Gumagamit ng isang kumplikadong plano si Lance.

Tunay nga na mayroong kakayahan ang Fate Table na hayaang maging mas malakas ang isang mortal o isang God!

Sa 3rd Era, hindi mabilang na mga God ang nagpatunay sa bagay na ito!

Kung sapat na ang mga piraso nito para mag-ascend ang mga mortal, paano pa kaya kung isang buong Fate Tablet ito?

Walang makakatiis sa tuksong ito, bukod sa mga matatandang nilalang gaya ni Yin na sa sobrang haba na ng buhay ay nakikita na ang kabuoan ng sitwasyon. At kahit pa malaman ng iba na kakailanganin pa ng susi para magamit ang Fate Tablet, hindi pa rin aatras ang mga ito.

Ito ang nakakatakot na kasakiman na nasa puso ng mga tao.

"Sinasabing ang 4th Fate Tablet daw ang Supreme Treasure na naglalaman ng lahat ng kaalaman at pag-unawa ng mga Law ng Great God na si Lance.

"At dahil dumating na ang bagay na ito sa Feinan, nararapat lang na mapunta ito sa Feinan at hindi sa isang nilalang na mula sa Nine Hells!" Mariing sabi ng Legend na nagmula sa West Coast.

Nang makita niyang tila walang masabi sina Ivan at Jessica matapos niyang magsalita, natuwa siya sa kanyang sarili.

Hindi na kasing tayog ng dati ang tingin ng mga tao kay Marvin ngayon.

Nakumpirma ng laban niya sa Molten Archdevil ang kanyang Infernal Bloodline.

Dahil sa lakas na ipinakita niya dati, hindi na ito nabanggit pa ng mga powerhouse ng Feinan.

Pero iba na ang sitwasyon ngayon.

Isang Devil Magic Egg na ang nasa kanilang harapan.

Wala nang makakapagsabi na hindi konektado sa Hell si Marvin.

"Malinaw na galing siya sa Hell! Inapo ni Diross! Siguradong mayroon 'yang masasamang balak."

"Umaasa ako na isang tao mula sa Feinan ang makakuha ng Fate Tablet at hindi isang taga-labas, lalo na at hindi ang hero na ito na nagpapanggap na bakahi ng sangkatauhan."

Pagmamalaking dagdag ng Legend.

Kadalasan ay tahimik lang ito kahit na nasa ilalim ng kapangyarihan nito ang ilan sa mga City-States sa baybayin ng Pambo Sea

Pero nag-iba ang pinapakita nito ngayon dahil sa paglitaw ng Fate Tablet. Umaasa siya sa maliit na pagkakaibigan sa pagitan niya at ni Copper Dragon Professor para kampihan siya nito.

Sa nakaraang laban, kahit na hindi ito masyadong gumamit ng lakas, nagawa pa rin nitong makakuha ng Azure Stone.

Wala rin siyang masamang hangarin para kay Marvin.

Pero tulad ng kahit sino mang mayroong makitid na pag-iisip, mahirap para sa kanya na makita ang isa sa mga nakababatang henerasyon na sa loob lang ng anim na buwan ay lumakas nang ganoon at naging tanyag pa. Isang bagay na alam niyang hindi niya makakamit buong buhay niya.

At nang makita niyang naging Devil Magic Egg si Marvin, nakahanap siya ng dahilan para suportahan ang kanyang mga sinasabi.

Tunay nga na hindi isang pure-blooded Human si Marvin.

Kaya hindi siya kwalipikadong hawakan ang Fate Tablet para sa Feinan.

May kabalintunaan man ang kanyang lohika, puno naman ng debosyon at pagmamataas ang kanyang pagkakasabi ng mga bagay na ito.

Natahimik ang buong Sky Tower habang tinatapos niya ang kanyang mga nais sabihin.

Nakatingin ang lahat sa Devil Magic Egg na bahagyang gumagalaw.

Nagmumula sa lahat ng direksyon ang Chaos Power at tila nakakalunod na ang bilis ng paghigop niya ng mga ito.

Nakikita nilang napakabilis na nakakabawi ng katawan ni Marvin!

'Hindi maganda 'to! Nakakabawi na siya!'

Biglang napagtanto ito ng lahat!

Nakakagulat ang eksena ng pakikipaglaban ni Marvin sa World Ending Twin Snakes kanina.

Maglalakas lang sila ng loob na kumilos laban kay Marvin dahil sa kasalukuyang estado niya!

Kung magisign si Marvin, kahit na kakarampot lang ng kanyang lakas ang manumbalik, magkakaroon pa rin kaya sila ng lakas ng loob na agawin nag Fate Tablet?

Karamihan sila ay alam nang hindi na sila mangangahas kapag nangyari iyon.

Lalo na ang mga Divine Servant ng Astral Plane.

Nakakuha na sila ng oracle mula sa kanilang mga God.

Kung maganda ang estado ni Marvin, hindi nila dapat ito kalabanin. Dahil hindi naman din nila ito matatalo.

Paglumipas ang isang buwan, siguradong papatayin din naman siya ng War God.

Umaabot na ang kasulukuyang lakas ni Marvin sa level na tinitingala na lang siya ng mga Divine Servant.

Kaya naman, kailangan nilang bilisan ang pagkilos!

At alam din ito ng Legend na nagmula sa West Coast.

Sumimangot ito at muling nagsalita. "Mister Professor, kilala moa ko. Respetado ako sa West Coast, at hindi ito dahil sa aking lakas."

"Wala akong interes sa Fate Tablet, pero sa tingin mo bang nararapat na hayaan ang Fate Tablet sa kamay ng isang nilalang na galing sa Hell?"

Patuloy lang na nakatingin ang mga Divine Servant.

Dahil sa tukso ng Fate Tablet, ilang lamat ang lumiaw sa pagkakaisa ng mga tagapagtanggol ng Feinan.

Bukod sa mga tulad nina Professor, Jessica, at ang magkasintahang Elf, ang ibang mga Legend na hindi masyadong nakasalamuha si Marvin ay naimpluwensyahan ng mga pananalita ng West Coast Legend.

Malinaw ang ibig nilang sabihin.

Hindi maaaring manatili kay Marvin ang Fate Tablet.

Sa sitawasyon na ito, nararamadaman nilang mas malaki ang kanilang pagkakataon.

Kung hindi sumang-ayon sa kanila si Professor, maaaring mahati ang pwersa ng Feinan, at kakailanganin pa rin nilang kalabanin ang mga Divine Servant!

Hindi naman sana problema sa kanila ang dumepensa sa mga pag-atakeng nagmumula sa iba't ibang direksyon…

Pero sa ngayon ay walang maiaambag si Marvin.

Basta ituon ng mga ito ang pag-atake kay Marvin, siguradong mabubutasan at mabubutasan pa rin ang mga susubok na dumepensa kay Marvin.

At sa labanan sa pagitan ng mga eksperto, ang isang pagkakamali ay maaaring magresulta sa kamatayan!

Lalo na kapag ang bilang ng kalaban ay higit na mas marami.

Wala silang magagawa.

Makikita ang ngisi sa mukha ng powerhouse mula sa West Coast, marahil ay iniisip nitong hawak na niya ang tagumpay.

Pero noong oras na iyon, isang mapanuyang boses ang umalingawngaw, "Connor, sino ang nagbigay ng Azure Stone sayo?"

Ang nagsabi nito ay si Ivan, na nilalaro ang Glorious Wind.

Nagbago ang mukha ng lalaki, dahil naalala niyang ang sarili niyang Azure Stone ay nakuha ni Marvin at ibinigay sa kanya.

Kung wala si Marvin, hindi siya makakapasok sa Sky Tower.

"Hindi ba kayo nahihiya?" panunuya ni Ivan habang nakatingin sa mga tao, at tahasang pinupukaw ang kanilang atensyon. "At kung hindi man kayo nahihiya…"

"Ang sino man ang magtangkang lumapit ay mamamatay."