"Overlord!"
"Lord Marvin!"
Nagulat ang mga taong nalinlang!
Masyadong kagulat-gulat ang paglitaw ni Marvin sa kanilang harap. Ginamit niya ang Wishful Rope para bumaba mula sa likuran ng Great Eagle.
Tsaka naman niya pinugutan ng ulo ang nanggugulo.
Tulirong-tuliro ang lahat habang nakatingin kay Marvin.
Siya ba talaga ang kanilang Overlord na magalang at mabait?
Para isa itong walang awang mamamatay tao!
"Uulitin ko."
Humakbang si Marvin, "Nagrerebelde ba kayo?"
Napa-atras ang lahat!
Nakatayo siya sa makipot na tulay, kitang-kita sa katawan nitong bata pa ito, pero sa mata ng lahat, nakakatakot ang presensya nito!
Ito ang kapangyarihang ng nobility.
Nible skill – [Dignity]!
Malalim na naka-ukit sa isipan ng mga tao ang impluwensya ng pamilya ni Marvin. Maaaring madaling malinlang ang mga ito kapag wala si Marvin.
Pero nang lumitaw si Marvin, lalo pa sa isang kamangha-manghang pamamaraan, agad na matatauhan ang mga ito.
Ano bang ginagawa nila?
Nagtipon-tipon sa labas ng palasyo? Hindi ba pagrerebelde 'yon?
Matindi ang kaparusahan ng rebelyon sa mga teritoryong nasa ilalim ng South Wizard Alliance!
Ibibigti ang sino mang mapatunayang may sala!
Walang lugar ang pakikipag-usap.
Natakot ang karamihan sa mga ito. Mabilis silang nalinlang ng mga usap-usapan at mga kasinungalingan. Biglang nawala sa kanilang isip ang panggugulo nang makita si Marvin.
Pero mayroong mga taong nais talagang manggulo ang nagkukubli sa mga mamamayan.
Biglang may sumigaw, "Wala na kaming makain!"
"Gusto na naming kumain ng tama!"
Mabangis na tinitigan ni Marvin ang lalaking sumisigaw.
Isa itong payat na lalaking mukhang unggoy. Hindi pa ito gaano katanda at masigla ang mga mata.
"Ikaw. Halika." Mahinahong sabi ni Marvin.
Biglang nagtago ang lalaking ito sa likod ng isang tao at mabagal na sinabi, "Lor Marvin, hindi naman po talaga naming gustong magrebelde, gusto lang naming kumain."
"Alam ko, kaya nga pinalalapit kita."
Itinabi ni Marvin ang kanyang mga dagger at ipinakita sa lahat na wala siyang hawak, saka sinabing, "Tinabi ko na ang mga dagger ko."
"Sinisigurado ko sa inyo na kung hindi kayo espiya o kaaway, hindi ko kayo sasaktan."
Nagdalawang-isip ang lalaki, kahit na sinabi 'yon ni Marvin, dama pa rin niya ang kabangisan ni Marvin sa mga mata nito!
Natakot ito.
"Wag na tayong mag-alala, nagbalik na si Sir…"
Hindi siya pinatapos ni Marvin.
"Dalhin niyo siya sa akin!" Tiningnan ni Marvin ang ilang residente at sumigaw.
Agad namang tumango ang mga lalaki. Itinulak nila ang payat na lalaking mukhang unggoy hanggang sa mapunta ito sa harap ni Marvin.
"Ang sabi mo, gutom ka, wala kayong pagkain, kaya ka nanggugulo."
Hinawakan ng mahigpit ni Marvin ang balikat ng lalaki at sinabing, "Nagsasabi k aba ng totoo?"
"Totoo ang sinasabi ko!" Natatarantang sinabi nitong, "Gutom na gutom na kami… Wala na kaming pera, ninakaw lahat ng mga gnoll!"
"Ganoon ba," Ngumisi si Marvin.
Biglang napunta sa bulsa ng damit ng lalaki ang kamay ni Marvin at hinugot ang isang supot na may lamang pera!
Binuksan niya ito at kumalansing sa lupa ang napakaraming pilak!
Hindi makapaniwala ang lalaki! Tandang-tanda niyang walang laman ang anyang bulsa.
Gulat na gulat rin ang mga tao!
Kita ang pagkamakasarili ng mga ito sa kanilang mga mukha. Kita rin ang galit nila s alalaking mukahng unggoy!
Hindi ba't sabi niya wala na siyang perang pambili ng pagkain?
Sa dami ng pilak niya, makakabali na siya ng maraming pagkain.
Makakabili na sana siya ng pagkain sa River Shore City sa halagang meron siya.
"Manloloko!" Hindi na niya hinayaang makapagsalita pa ang lalaki at agad na sumigaw!
Binunot niya ang kanyang dagger at pinatay ang lalaki!
Kumalat ang dugo.
Biglang kumalma ang lahat.
"Manloloko," galit na sinabi ni Marvin, "manloloko ang gagong 'to!"
"Hindi niyo ba nakikita? May nanuhol sa kanya para lakohin kayo! Tunay nga na nasunog ang kamalig, pero ang mga kaaway natin ang may kagagawan nito!"
"Gusto niyang agawin ang White River Valley, kaya naman sinubukan niyang magsimula ng rebelyon."
Seryosong dagdag ni Marvin, "Ngayon, nuutusan ko kayong umuwi sa mga bahay niyo!"
"Mareresolba na ang problema sa pagkain sa loob ng isang linggo."
"Pinapangako ko 'yan bilang Overlord ng White River Valley."
Muli niyang ginamit ang [Dignity]!
Karamihan sa mga tao ay nag-uwian na, kita sa mukha ng mga ito ang kahihiyan.
Nang biglang maririnig ang pagbukas ng gate ng palasyong kanina'y nakasara.
Isang anino ang blang lumabas, tila naramdaman nitong may mali!
Humakbang naman ng napakalaki ni Marvin at nagsimulang habulin ito!
Suot pa rin niya ang Thunder Fairy Boots. Ibinigay sa kanya ni Hanzel ang Magic Item na ito bilang regalo!
Agad na pumunta si Marvin sa gate ng palasyo at hinawakan ang taong iyon. Kita ang gulat sa taong iyon na hindi pamilyar kay Marvin ang mukha!
Agad namang ginapos ang taong 'yon gamit ang Wishful Rope.
Ang mga taong pababa n asana ng burol ay nagulat sa nakita noong lumingon sila. Nakita nilang may bitbit na miyembro ng garrison si Marvin sa tulong ng kaunting liwanag na dulot ng mga sulo!
Sa mga ora na iyon, binabati siya nila Anna sa kanyang pagbabalik.
"Lord Marvin!" Masayang bati sa kanya nina Andre at iba pang miyembro ng garrison.
Nagulat sila sa ipinamalas na lakas ni Marvin.
At ang pinakamahalaga, alam nilang nagbalik na si Marvin. Kaya magiging maayos na muli ang kanilang teritoryo!
"Sino 'to?" Tanong ni Marvin habang hawak niya ang lalaki.
Nagbago ang mukha ni Andre, "Isa siya sa mga bagong miyembro ng garrison, kakapasok niya lang noong isang linggo…"
"Espiya!" Kita ang galit sa mga mata ni Anna. "Sigurado akong siya ang sumunog sa kamalig!"
"Ngayon naman, gusto niyang samantalahin ang sitwasyon. Binuksan niya ang gate para makapasok ang mga nanggugulo!"
Tiningnan ni Marvin ang lalaki at sinabi naman nito sa isang mababang boses na, "Nakita ko lang si Lord Marvin at gusto kong pagbuksan siya ng gate para batiin sa kanyang…"
Pero bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi, pumadyak sa lupa si Marvin!
Isang nakakasilaw na liwanag ang lumitaw habang direktang hinihiwa ni Marvin ang uli ng lalaki!
Nagpagulong-gulong sa lapag ang duguang ulo nito sa tulay na bato at nahulog sa tubigan.
"Ito ang kahahantungan ng mga espiya!" Biglang nagtaas ang boses ni Marvin, sinipa niya ang katawan ng lalaki pababa sa kanal!
Biglang nabalot ng takot ang puso ng mga naiwang sibilyan. Di na sila nanatili pa at isa-isang umuwi sa kani-kaniyang bahay.
Tanging ang garrison, si Anna, at iilang iba pa ang naiwan sa harap ng palasyo.
"Young Master…. Sa wakas nagbalik na kayo." Kinagat ni Anna ang kanyang mga labi. Kung hindi lang sa dami ng tao sa paligid, marahil umiyak na ito.
Matalino siya at may kakayanan, pero hindi siya ang tunay na Overlord ng teritoryong ito.
Marami siyang pinagdaanan mula nang mawala si Marvin. Marami ring bali-balitang naninira sa kanya.
Mahinahon naman siyang niyakap ni Marvin at sinabing, "Wag mo nang isipin ang mga 'yon."
Biglang may nakakairitang boses ang maririnig sa loob ng palasyo:
"Paano mong nagawang yakapin ng ganoon-ganoon lang si Miss Anna?"
"Kahit na ikaw ang Overlord ng teritoryong ito, hindi ka dapat ganoon kabastos!"
Sumimangot si Marvin. Gigil na gigil pumatay si Marvin ngayong araw, pero hindi pa naman umaabot sa puntong papatay siya ng walang dahilan.
Agad niyang tinuro ang lalaki at tinanong, "Sino ang lalaking 'to na parang pabo kung manumit?"
Saglit na natahimik ang lahat.
Tsaka humagalpak sa tawa ang lahat.
Kahit na si Anna, na laging itinatago ang kanyang emosyon sa publiko, ay hindi napigilang matawa.
Dahil Tamang-tama ang sinabi ni Marvin! Ang taong nagsasabing siya ang pinakamahusay na Alchemist, ay nakasuot man ng magagarang damit, pangit naman ang pagterterno ng mga kulay.
Tuwing gabi, sa liwanag lang ng mga apoy sa sulo, mukha talaga siyang isang pabo!
Agad namang sumagot ang lalaki, 'Anong sabi mo? Kinukwestyon mo ba ang pananamit ko? Hinahamon kita sa isang dwelo!'
"Dwelo mo mukha mo!" Bwisit na sagot ni Marvin, "Masyado pa akong abala sa pagpatay, wala akong oras para sayo!"
Tinitigan niya lang ang lalaki. "Teritoryo ko 'to, matuto kang lumugar."
Agad niyang kinausap si Anna tungkol sa ilang bagay. Malaking bahagi rito ang kung papaano mapapakalma at mapapanatag ang loob ng mga mamamayan, kasama na dito ang pagpapalakas ng depensa at pagbabantay sa natitirang pagkain nila.
"Ikaw ho?" Kita ang gulat sa mukha ni Anna pagkatapos nilang mag-usap, "Balak niyo na naman bang umalis?"
"Ngayong gabi, seryosong sagot ni Marvin. "Hindi ako makakapayag na linlangin pa ng ibang tao ang mga mamamayan ng White River Valley."
Agad siyang bumaba ng burol at hindi na lumingon muli.
Nanatili namang mainit ang ulo ng lalaking mukhang pabo. "Walang kwentang Overlord! Bakit siya mismo ang pumapatay? Miss Anna, kita ko sa mga mat among may bumabagabag sayo."
"Manahimik ka!" Galit na sigaw ng lahat.
Nagulat ang lalaking pabo at agad na nanahimik. Hindi niya inaasahan na ganoon kataas ang tingin ng mga taong ito kay Marvin!
…
Umihip ang hangin ng gabi sa kanyang mga tenga.
Kasing bilis ng kidlat ang kilos ni Marvin.
Tila langit ang kadilimang dala ng gabi para sa mga Night Walker.
Gusto niyang pumatay ngayong gabi.
Pumatay habang gabi!
Ano pa man ang nais mangyari at dahilan ni Toshiroya, labis na niyang ginalit si Marvin.
Ang huling taong gumalit ng ganito kay Marvin ay si White, at patay na ito ngayon.
Ngayon naman, isang noble na nagmula sa isang siyudad sa hilaga.
Nagsuot si Marvin ng damit na pang-proteksyon at tahimik na tumatakbo.
…
Paglipas ng kalahating oras, sa di kalayuan mula isang maliit na burol.
Tahimik na inihahanda ni Marvin ang kanyang sarili.
Naghihintay na rin ang Phantom Assassin na si Amber.
May isang pansamantalang kampo sa lugar kung nasaan sila.
Nasa 20 lalaki ang naroon. At hindi bababa sa kalahati sa mga ito ay mga 2nd rank Fighter, mayroon rin silang kasamang isang 2nd rank Sorcerer. Mukhang mataas ang status ng Sorcerer na ito dahil may sarili itong tent.
Si Toshiroya naman ay isang 2nd rank na Swordsman, at mayroon siyang dalawang Barbarian [Wasteland Warrior] na gwardya.
Ito ang mga impormasyong nakuha ni Amber.
'Isang grupo ng mga 2nd rank holder, sapat na 'to para sakupin ang White River Valley' bulong ni Marvin sa kanyang sarili.
Sa kasamaang palad, ako ang kinalaban niyo.
…
Lumapit si Amber at bumulong, "Lord Marvin, kelan po tayo kikilos?"
"Hindi natin kailangan magmadali." Mas pinagtuonan ni Marvin ng pansin ang isang bagay, at di nagtagal, isang siklab ang lumipad mula sa kagubatan.
Isa 'yon sa mga adventurer na nagpapanggap na mamamayan!
Bumalik ito para magbalita kay Toshiroya.
"Siya ang unahin mong patayin." Tinuro ni Marvin ang lalaki.
Tumango ang Phantom Assassin, at biglang nawala sa kinatatayuan nito.
Habang si Marvin naman, gamit ang kanyang Stealth, diretsong naglakad patungo sa kampo!