Sa katunayan hindi naman mahirap umalis at magtungo sa Evil Street.
Sa lath ng lugar kung saang nagkalat ang mga natitirang pahina ng Book of Nalu, ang Abyss ang pinakamadaling mahanap.
Lalo na at ang kanyang kasama maglakbay ay saing Eternal Time Dragon na kayang maglakbay sa Space-Time, madaling makakarating si Marvin sa Abyss.
Pero ang problema ngayon ay maraming kalaban ang nakapalibot sa Elemental Plane of Earth.
Kahit na ilang beses na silang pumapalya sa paghuli kay Marvin, hindi pwedeng maliitin ang kanilang lakas.
Sa oras na umalis sina Marvin sa Elemental Plane of Earth, malalagay sila sa panganib.
"Hindi ko inakalang ganoon lang katagal makukulong si Grant sa Time Maze."
Nag-aalala si Tiramisu. "Walang problema sa War God pati na sa iba pang God dahil hindi nila kaya ang bilis ko, pero si Grant…"
"Tutulungan ko kayong pigilan si Grant," biglang nakangiting sinabi ng Earth Sovereign. "Kaya ko pa rin gamitin ang kapangyarihan ko nang kaunti hanggang sa paligid ng Elemental Plane of Earth."
Malaki naman ang pasasalamat ni Marvin sa tulong ng Sovereign. "Hindi ka ba talaga natatakot na ako ang Destroyer?" Tanong nito.
"Posible pa siguro si Lance, pero hindi ikaw," naninindigang sagot ng Earth Sovereign. "Nararamdaman ko ang puso mo, at wala kang masamang intention. Sa kabilang banda, nalalaman ko sa willpower mo na gusto mol ang protektahan kung ano ang mahalaga sayo."
Natahimik si Marvin.
Ang mga Elemetal na nilalang ay mayroong malakas na kapangyarihang espiritwal.
Ang lahat ng ginagawa niya ay para ang maprotektahan ang mga mahalaga sa kanya, para protektahan ang mga taong nasa tabi niya.
Ano namang kung sa tingin ng ibang tao ay siya ang Destroyer? Kung walang kinalaman ito sa kanya, wala siyang pakiealam ditto.
…
Dahil ang Earth Sovereign na ang bahala kay Grant, mas mapapadali para kay Tiramisu na ipuslit si Marvin palabas.
Binuksan na ng Dragon ang lagusan palabas ng Elemental Plane of Earth, at direktang patungo ito sa Ghost Tow, ang lugar kung saan matatagpuan ang Evil Street ng Abyss!
Nang magawa ang lagusan, naghanda na ang mga God.
Hinihintay nila ang utos ng dalawang Great God.
Walang ibang makakasira sa lagusang ginawa ng Eternal Time Dragon, tanging si Grant at Anubis lang.
Pero hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang dalawang God na ito.
Lumitaw ang Earth Sovereign at pinigilan si Grant habang inikutan naman ni Tiramisu ang War God.
Sa oras na ito, tumalon mag-isa si Marvin sa lagusan, at sa isang iglap ay nawala ito!
Hindi direktang makakasunod ang Eternal Time Dragon, kaya kakailanganin harapin ni Marvin nang mag-isa ang ibang bagay!
Ayon sa plano nila, dahil sa pagbabagong sa Time Law na dulot ng Time Passage ni Tiramisu, darating nang kalahating araw na mas maaga si Marvin!
Dahil dito, magkakaroon si Marvin ng kalahating araw para hanapin ang Book of Nalu na nakatago sa Evil Street.
Walang sinag ng araw sa Abyss, tanging isang malamlam at mapulang liwanag lang na nagmumula sa dakong silangan.
Ang Evil Street ay matatagpuan sa Ghost Town, nasa ilalim ito ng isang bundok at tila malayo at liblib ang lugar na ito.
Pero nang nagtungo at nakarating si Marvin sa Ghost Town, isang pamilyar na Greater Demon ang nakatayo sa labas nito.
At sa likod nito ay isang hukbo ng mga Demon!
Si Demon Lord Balkh!
"Mukhang hindi maganda ang lagay mo. Nabalitaan ko na malaking halaga ng enerhiya ang nagamit mo sa God Realms. Nakakatuwa naman ang bagay na 'yon."
Tinitigan ng Demon Lord si Marvin. "Kung hindi dahil sa ginawa mo, pwede pa sana siguro tayong magtulungan."
Walang ibang tinutukoy ito kundi ang pagpatay ni Marvin sa kanyang anak na si Balkh sa Crimson Wasteland noong winasak niya ang Abyssal Pond.
Sumimangot si Marvin.
Hind niya inaasahan na ang mga Demon na hindi kailan man nagkainteres sa Fate Tablet ay biglang makikielam.
Pero nang makita niya ang kagilas-gilas na itsura ni Balkh, ay mas napanatag siya.
Tunay nga na marami na siyang suliranin na pinagdaanan dahil sa Fate Tablet, pero ang nasa harap niya ngayon ay dahil sa personal na dahilan.
Sa puntong ito, at kahit noon pa man, tinuturing na si Marvin bilang isang kilalang tao sa buong Universe. Ang pakikipaglaban nito para sa Fate Tablet at ang panggugulo sa God Realms…Ito ang dahilan kung bakit pinagmamasdan ng lahat ng bawat kinikilos nito.
Tulad na lang ng ginawa ni Demon Lord Balkh, hindi na ito nahirapan na maghanda ng surpresa para kay Marvin.
Pero sa kabila ng kagilas-gilas na pagpapakita nito sa labas ng God Realms, wala rin balak umatras si Marvin!
Kalokohan!
Nasa Plane Guradian level na siya ngayon!
Ang Dream God, Black Dragon, at ang Queen of Spiders, nagsama-sama na ang tatlong God na ito pero nagawa pa rin niyang pataying ang mga ito nang walang kahirap-hirap/.
Kung gagamitin niya ang Eternal Night Kingdom, hindi siya kakayanin ng isang Demon Lord.
Kaya naman, kaswal lang itong nagsalita, "Tumabi ka o mamamatay ka. Nagmamadali ako."
…
Galit nag alit si Balkh, pero hindi siya tanga. Matapos niyang masigurong wala doon ang Dragon na namahiya ng mga God, bahagya siyang kumalma.
Naniniwala siyangang rason kung bakit naglakas loob si Marvin na manggulo sa God Realms ay dahil kasama nito ang Eternal Time Dragon.
Ngayong mag-isa na siya, anong magagwa niya?
Pero isang bagay lang ang itinama niya.
Kung nakaharap ni Blakh si Marvin bago ito nagpunta sa God Realms, siguradong hindi siya kakayanin ni Marvin.
Pero ngayon….
Bahagyang pinikit ni Marvin ang kanyang mga mata at naghandang gamitin ang Eternal Night Kingdom.
Subalit, nang gagawin na niya ito, isang malaking Planar Teleportation Door ang lumitaw!
Agad na nasunog at nanilaw ang lupa sa paligid ng Teleportation Door, at mayroon ring naglalagablab na apoy sa paligid nito!
Agad na umatungal ang mga Demon!
Dahil naramdaman nila ang bakas ng mga Devil na kinamumuhian nila!
Natigilan si Marvin, at bigla niyang naramdamang nag-iinit ang Imprint na mula kay Diross.
"Matagal rin tayong hindi nagkita, Little Marvin."
Isang binata ang dahan-dahang lumabas mula sa Teleportation Door. Mag-isa itong nagpunta sa Abyss!
"Diross! Ang lakas ng loob mong magpadala lang ng isang avatar?"
Tila nainsulto si Balkh.
Alam ng lahat ang tungkol sa alitan sa pagitan ng mga Devil ang mga Demon. Isang Avatar lang ang pinadala nito! Malinaw na mababa ang tingin nito sa kanila!
Pero ni hindi ito tiningnan ni Diross!
Malumanay lang nitong tiningnan si Marvin. "Mas mabilis pa kesa sa inaakala ko ang naging progreso mo."
Kasalukuyang nasa Plane Guardian level na si Marvin.
Napakalakas ng kanyang Perception.
Pero ang pinaka-ikinagulat ni Marvin ay kapantay ng kanyang lakas ang avatar ni Diross!
Nang madama nito ang gulat ni Marvin, bahagyang nginitian siya ni Diross. "Mayroong pang natitirang dalawang layer sa Nine Hells."
Hindi man naunawaan ng iba ang ibig nitong sabihin, pero agad na naintindihan ni Marvin ang ibig nitong sabihin!
Nang unang kumilos ang Scorched Hell laban sa Molten Hell, nakaroon ng kutob si Marvin sa kung ano ang balak ni Diross.
Pero hindi niya inasahan na magiging ganito kabilis at kalakas si Diross!
Dalawang layer na lang ng Nine Hells ang natitira.
Mangyayari at mangyayari ito!
Magmula nang maitatag ang Nine Hells, wala pang Devil na nakapagsama-sama ng Nine Hells!
Si Diross kaya ang unang makagawa nito?
Kumplikado ang nararamdaman ni Marvin para kay Diross.
Sa isang banda, lolo niya ito at magkadugo sila!
Sa kabilang banda, base sa sinabi ng dating Duke ng Lavis, ang kaluluwa ng kanyang lolo ay nilamon ng ng Archdevil. Pagkatapos noon ay hindi na nito binisita ang pinakamamahal nitong tao.
Bakit siya magkakaroon ng mabuting saloobin sa kanya?
Pakiramdam ni Marvin ay nasa harap niya ang pinakamisteryosong nilalang sa buong mundo.
Napakarami niyang tanong. Halimbawa na lang: Anong ginagawa niya rito?
…
"Wala tayong masyadong oras," mabagal na sabi ni Diross. "Hindi pa rin tinitingnan ng mga tangang nasa Astral Sea ang ugat ng problema."
"Sinusubukan nilang palitan ka… Hehe, sa huli, panalo pa rin natin ito."
Naguguluhan si Marvin, habang lalo pang napupuno ng galit si Blakh dahil sa hindi pagpansin sa kanya. Personal na siyang umabante at kasunod niya ang kanyang hukbo.
Gusto sanang hugutin ni Marvin ang kanyang mga dagger pero pinigilan siya ni Diross. "Bilisan mong kolektahin ang mga pahina ng Book of Nalu. Saka mo maiintindihan."
"Tungkol naman sa mga tangang Demon na 'to…Ako na ang bahala."
Kasabay ng pagtigil ng pananalita nito, isang anino ang bumaba mula sa Scorched Hell at nilamon si Balkh at ang kanyang hukbo!
Hindi na nag-atubili pa si Marvin at agad na ginamit ang Endless Path para mabilis na makapasok sa Ghost Town!
Kahit ano pa man ang iniisip ni Diross, pinigilan na nito si Balkh para sa kanya.
Tama siya, wala nang oras si Marvin.
Hindi sapat ang kalahating araw para mahanap ang pahina ng Book of Nalu sa Ghost Town.
Kapag naubusan siya ng oras, baka pigilan na naman siya ng mga God.
Binilisan pa ni Marvin ang pagkilos habang iniisip ito.
Agad siyang pumasok sa malamig at kakaibang bayan.