"Ano?"
Isang galit na boses ang umalingawngaw sa loob ng silid. Galing ito sa isang batang dilaw ang buhok.
"Napatay ang apprentice?"
"At ang nakakatandang kapatid ng batang 'yon ang pumatay? Si Marvin ng White River Valley? Hindi ba patapon lang ang taong 'yon, at ni walang battle class?"
Tumayo siya sa harap ng isang maliit na lalaking nakatim. Sa isang mababang boses, sinabi ng lalaking nakaitim na, "Master White, base sa mga nakuha naming impormasyon, hindi naman talaga nakakuha ng battle class si Baron Marvin."
"Eh papaano niyang napatay ang tauhan ko pati ang dalawang fighters na kasama nito, sa harap ng napakaraming tao, bago pa man siya mapigilan ng mga awtoridad?"
Nagpupuyos sag alit si White.
Kinuha niya ang taong 'yon para gawan niya ng paraan, pero ni hindi man lang niya ito nagawa. At sa halip, ikinamatay pa ito.
Sakit talaga sa ulo ang taong 'yon; hindi niya inakalang mas malaking problema ang ibibigay ng nakatatandang kapatid nito.
"Hindi ko po alam. Baka may mali po sa mga ibinigay sa aming impormasyon."
Muling yumuko at humingi ng tawad ang lalaking naka-itim, "Umaasa po akong mauunawaan niyo, Master. Masyadong maliit ang malayo ang White River Valley kaya wala pa tayong mga tauhan doon para mangalap ng impormasyon."
"Kahit na, imposibleng sobrang laking pagkakamali!" Huminga ng malalim si White habang nag-iisip. "Hindi kasing simple tulad ng inaakala natin ang Marvin na 'yan. Mas tuso pa 'to kesa sa kapatid niya."
"Ibig-sabihin lang nito, kahit na 1st rak lang ang lakas niya, nasa rurok na ito, dahil kinaya niyang patayin ang isang apprentice wizard at mga taga-sunod nito.
"Ginamit pa nya ang Ninth Month Medal, mukhang gusto niyang palakihin ang sitwasyon…"
"Aaminin ko, matalino siya. Pero walang silbi ang mga ganitong taktika sa Unicorn family. Ipapadala lang siya ng mga ito sa impyerno!"
Tumango ang lalaking naka-itim.
Nasa kalagitnaan ng pakikipag-ugnayan sa arbitration staff ng South Wizard Alliance ang Ashes Tower. Mukhang itutuloy nila 'to."
"Mas madaling gawan ng paraan ang proseso nito." Ngumisi si White, "Ang arbiter, ang judge, papalitan natin sila ng mga tao natin."
"Tingnan natin kung may magawa pa ang Baron Marvin na 'yan!"
"Opo! Aasikasuhin ko po agad!" Mabilis na sumunod ang lalaking naka-itim.
…
Sa kabilang banda, sa isang maliit na kwarto sa dorm.
Ang makapal na amoy ng magic medicine ang bumalot sa hangin. Mayroon rin kaunting mist sa loob ng kwarto.
Isang incense burner ang nakatayo sa tabi ng kama, naglalabas ito ng isang kakaibang amoy. Nagpapataas ito ng focus.
Tahimik na pumasok si Marvin. May isa pang taong naroon bukod kay Wayne na walang malay at nakahiga.
Isang batang babaeng nasa 11 o 12 taong gulang. Nagulat siyang makitang papasok si Marvin.
"Ako ang kuya ni Wayne. Ang overlord ng White River Valley, ako si Marvin."
Pinakilala niya ang kanyang sarili sa simpleng paraan.
"Ah! Kamusta po." Mahihinuha ang pagiging mahiyain nito sa kanyang mukha. "Ako po si Lulu, kaklase ni Wayne."
Kaklase?
Hindi lang ganoon, hindi ba?
Walang nasabi si Marvin habang tinitingnan ang batang babae at ang walang malay niyang kapatid. Maagang namumulat ang mga noble sa Feinan. Kadalasan, nais na nilang masubukang makipagtalik kapag tumungtong sila ng 11 o 12 na taong gulang. 9 na taong gulang pa lang si Wayne pero may nobya na siya?
Masyadong mabilis 'to.
Pero para sa isang wizard na may mataas na katayuan, madali lang maghanap ng nobya. Tiningnan ni Marvin ang batang si Lulu. Isang apprentice wizard na may potensyal maging isang alchemist. Pero hindi ito ganoon katalentado. Kaya magiging mahirap ang umusad. Maganda naman siya pero hindi pa rin ito sapat para ma-akit ang mga upper layer wizard.
Nakatayo siya sa tabi ng kama ni Wayne, namumutla.
"Inalagaan ni Miss Lulu si Master Wayne mula ng magkasakit ito." Paliwanag ng matandang butler.
.
Tumango si Marvin at pinasalamatan ito.
Pero binago niya agad ang usapan, "Miss Lulu, napagod ka siguro kaka-alaga sa kapatid ko noong mga nakaraang araw. Tutal nandito na ako, pwede ka nang magpahinga. Akon ang bahala sa kapatid ko."
Bahagyang natulala ito, tiningnan niya si Wayne na tila ayaw mawalay dito. Tskaa ito tumango at umalis.
Tanging ang matandang butler at si Marvin ang naiwan sa kwarto. Nagkatinginan ang dalawa, hindi makapaniwala ang buler sa pinagbago ni Marvin.
Isang uri ng epiritwal na pagabago ito. Kahit na nabanggit ito ni Anna sa liham na ipinadala niya, pakiramdam nito'y nananaginip siya nang makita na si Marvin sa kanyang harapan.
Parang parehong-pareho si Marvin at ang kanyang lolo noong kabataan nito.
Matalino, malakas at masigasig.
Mahalaga ang mga katangiang ito para maging isang mahusay na overlord.
"Master Marvin…" Sabi ng matandang butler sa isnag mababang boses, "Wag na po kayong mag-alala. Galit ang mga guro ng Academy, ginagawa na nila ang lahat para mahanap ang may sala."
"Naniniwala akong mahahanap nila ito agad."
Hindi nagsalita si Marvin. Bagkus, ay tahimik niyang tiningnan ang kapatid na nakahiga sa kama.
Isang makapal na kumot ang bumabalot sa kanyang kapatid. Namumutla ang mukha nito, sobrang payat rin ng mga pisngi nito, at ang buhok niya'y nalalagas na parang isang nalalantang puno.
"Hmm?"
Sumimangot si Marvin.
Dahan-dahan niyang inangat ang kumot. Sobrang lamig ng tiyan nito pero napakabilis ng tibok ng puso.
"Tatlong beses siyang nagigising tuwing gabi dahil sa bangungot, at pagkatapos ay walang tigil na magsusuka."
"Mga kadiring bagay ang isinusuka niya…," paliwanag ng butler.
"Mga palaka, nakakalasong ahas, at kung ano ano pa. Naipaliwanag ko naman na ang lahat sa aking liham."
"Sabi ng guro ni Wayne, marahil kagagawan ito ng isang tagasunod ng twin snakes."
"
Muling kinumutan ni Marvin ang kanyang kapatid at napailing. "Hindi ito kagagawan ng twin snakes."
"Ha?" Nagulat ang butler.
"Hindi tagasunod ng twin snakes ang may kagagawan nito. May taong ginagaya ang pamamaraan ng twin snakes cult."
Nanlisik ang mga mat ani Marvin.
"Hindi ito ordinaryong curse. Isang uri ito ng compound curse."
"Sa unang tingin para itong [Hibernation] curse ng twin snakes. Pero sa katunayan, may isa pang curse na nagkukubli sa Hibernation. At itong patuloy na sumasaid sa lakas ni Wayne."
"Masyado na siyang nanghihina kaya kailangan madispatya kaagad ang pinagmumulan ng curse!"
Inihanda niya ang kanyang mga kamao at patuloy na nag-iisip.
Siguradong hindi ito skill ng twin snakes; isang pagpapanggap lang ito. Ibang tao ang may gawa nito.
Isang tao na nasa loob ng Academy.
Isang taong malapit kay Wayne!
"Teka…"
Biglang may naisip si Marvin.
Parang alam na niya kung sino!
…
Sa Magore Academy, sa isang silid.
"Sa tingin ko nahanap ko na po ang pinanggagalingan ng curse ng kaklase kong si Wayne." Isang malungkot na boses ang nagsalita.
"Kailangan nating patawan ng mabigat na parusa ang salarin."
"Anong nalaman mo? Magsisimula na ang huling qualifying round sa loob ng isang linggo. Ikinalulungkot kong hindi na makakalahok ang iyong apprentice," ika ng isang boses.
"Pero bakit?" Galit na tanong ng naunang boses, " Wag mong sabihin may sumabotahe sa estudyante ko, sinumpa ang isang apprentice ng Magore, at lahat ng tao dito'y walang pakielam?"
Natahimik ang lahat.
Hanggang sa basagin ng isa ang katahimikan. "Hanzer, bilang estudyante mo ito, ikaw ang pinakang apektado."
"Pero malamang isa itong estudyante sa isa sa mga kolehiyo natin, kung nais niyang-"
"Kung mayroon siyang antidote para maalis ang curse, hahayaan ko siyang mabuhay," naninindigang sinabi ni Hanzer.
…
"Tok tok tok! Tok tok tok!" May kumakatok sa pinto.
Nagulat ang maandang butler.
Sinong dadalaw ng ganitong oras?
Agad nitong bnuksan ang pinto nang makitang iniutos ito ni Marvin.
Isang lalaking nakasuot ng itim at nakasuot ng itim ba sombrero. Mukhang itong matandang kasuotan, pero nakakamangha.
Isang Peak 2nd rank wizard.
Nahulaan agad ito ni Marvin. Hindi na siya nagtangkang gumamit ng inspect, dahil kabastusan lang ito sa wizard. Baka magalit ito sa kanya.
Eto ang naisip niya base sa kanyang karanasan.
"Sir Hanzer?" Gulat na sinabi ng matandang butler.
"Sino ito?" Tiningnan niya ng kakaiba si Marvin.
"Ako ang nakatatandang kapatid ni Wayne, ang overlord ng White River Valley, ako po si Marvin." Pinakilala niyang muli ang kanyang sarili.
"Maligayang pagdating. Nagkakilala na ata tayo noong pagpasok no Wayne sa Academy.
Isang ngiti ang makikita sa mukha ni Hanzer na tila may naalala. "At ikaw rin ang nangahas na pumatay sa harap mismo ng Magore Academy. Ikaw pa lang ang gumagawa nito sa nakaraang 300 na taon."
"May gustong sumabotahe sa aking kapatid.
"Pagbabayarin ko sila."
Mahinahon ang boses ni Marvin pero dama mo ang galit. Kahit si Hanzer na isang Master, ay di mapigilang tingnan si Marvin.
Mukhang malaki ang pinagbago nito mula noong huling beses kaming nagkita. Nang mabalitaan niyang pumatay si Marvin sa gate, naisip niyang mainitin ang ulo nito.
Pero mukhang hindi naman.
Pero hindi siya pumunta rito para doon.
"Nahuli ko na ang may gawa nito kay Wayne."
"Ang nobya niyang si Lulu, tama?" Si Marvin na ang tumapos sa sasabihin ng wizard.
"Alam mo na?" Nasamid si Hanzer.