webnovel

Characteristic – Arch-enemy

Editor: LiberReverieGroup

Nation.

Isang kakila-kilabot na eksena ang nangyayari sa kakaibang altar.

Isang malalim nap ag-atungal ang nanggaling sa bunganga ni 29th. Hindi siya umatake, pero mukha ito isang mabagsik na hayop.

Ang kamay nito ay nasa balikat ni Marvin at isang makapal at itim na usok ang walang tigil na pumapasok at sumasakop sa katawan ni Marvin.

Makikita ang sakit na nadarama ni Marvin sa kanyang mukha!

Isang materyal na malakas at madikit ang nakakapit sa kanya, kaya naman hindi niya magamit ang mga Night Walker escape skill niya!

Sa tabi naman, makikita ang malaking ngiti sa mukha ni Balkh.

Hindi siya nadismaya sa ipinakita ni Corrupt 29th!

Gumawa siya ng ilang halimaw sa kanyang mga nakaraang eksperimento, pero tanging si 29th lang ang maaari niyang magamit. Pero pabago-bago ito.

Minsan ay nananatili ang talion nito bulang Human, habang minsan naman ay para itong isang baliw na Demon.

Sa tingin ni Balkh nahati ang personalidad nito noong nilalabanan nito ang pumasok na Demon Spawn sa katawan nito.

Pero kahit na may kaunti itong problema, natuwa siya nang makitang mayroong dalawang nakakatakot na kakayahan si 29th.

Ang unang kakayahan nito ay may kinalaman sa Space. Ang bawat nilalang na malapit sa kanya ay maapektuhan ng spatial distortion. Para siyang isang Spatial Crack o Vortex, hinihila nito ang kanyang kalaban para hindi makatakas ito.

Mas nakakatakot naman ang ikalawa nitong kakayahan.

Isa itong Legend level Abyssal spell, ang [Abyssal Corruption]!

Ang Abyssal Corruption ay isang ipinagbabawal na ability. Kahit ang pinakamahusay na Greater Demon ay hindi agad-agad nakukuha ang kakayahan na ito.

Kaya naman, masayang-masaya si Balkh nang makuha ni Corrupt 29th ito.

Ang Abyssal Corruption ay isang napakalakas at napakabagsik, at halos imposible itong malabanan!

May pagkakapareho ito sa corruption ritual ng Evil Spirit Plane.

Kapag ang isang tao ay tinamaan ng Abyssal Corruption, magdudusa ang katawan nila mula sa impluwensya ng Magic Power na galing sa Abyss at unti-unti itong magiging isang Demon.

Mapapasailalim din sa kontrol ng sino mang gumagamit ng Corruption ang isipin nila. At wala silang magagawa kundi sundin ito.

Halimbawa, kung matagumpay na ma-corrupt si Marvin dahil dito, ang pag-iisip niya ay mapapasailalim ng kontrol ni 29th.

Nasasabik naman si Balkh na makitang mangyari ito.

Nagbabago-bago pa rin si Corrupt 29th at mukhang malakas ang binatang Legend na ito. Kung magagawa niyang taga-sunod ang taong ito, magiging mas malakas ang depensa ng lambak na ito!

Magmula nang malaman niya ang tungkol sa Human Camp, lagi nang naging alisto si Balkh dahil sa posibleng pag-atake ng mga powerhouse.

Alam niya na ang lahat ng Human ay hindi papayag na harangan niya ang isang mahalagang kalsada.

Pero masaya pa rin niyang tinanggap ang sitwasyon na ito.

Dahil sa mga pag-atake ng mga ito, mas mabilis niyang napatalas ang sarili.

Kahit na isa siyang Demon Wizard na nasa katinuan, napakaikli pa rin ng pasensya nito gaya ng karamihan sa mga Demon.

"Maging taga-sunod na kita, batang Human…"

Makikita ang pagkasabik sa mga mat ani Balkh. Hindi pa niya agad tinapos si Marvin dahil interesado siya sa lakas nito sa pakikipaglaban! Umaasa siya na eepekto ang spell na ito at makakakuha siya ng isang makapangyarihang tauhan!

Pero kasabay nito, hindi alam ni Balkh na sumasailalim si Marvin sa isang espesyal na pagsubok.

Sa kanyang interface, hindi mabilang na Logs ang lumabas sa kanyang harapan, para itong walang tigil na pag-agos ng mga salita at numero.

Puro Check ang lahat ng ito. Kada segundo nasa anim na resistance check ang lalabas.

Makikita ditto kung gaano kalakas ang resistance ng Ruler of the Night.

Pero kahit ganito, ayon sa interface, ang katawan nito ay unti-unti pa rin napupunta sa Demon, at tila hindi ito nakakapasa sa lahat ng check.

Hindi magandang balita ito.

Agad naman na nakaisip ng solusyon si Marvin.

Kahit na hindi niya maaaring gamitin ang kanyang escape skill, malakas pa rin ang kanyang katawan!

Makakatakas siyang kung makakakawala siya sa madikita na materyal at sa pagpipigil ng spell na ito.

Basta magait niya ang kanyang Diamond Shape, pansamantala siyang hindi tatablan ng sapilitang pag-corrupt sa kanya at magagawa niyang makatakas.

Pero bago pa man niya ito magawa, isa pang Log ang lumitaw sa kanyang harapan:

[Ang katawan mo ay inaatake ng Abyssal Corruptio… Babala, Babala, isang bloodline ang nagigising sa iyong katawan.]

Nagulat si Marvin.

Mayroon pang isang bloodline sa kanyang katawan na hindi pa naigigising?

Sa isang iglap, nakaramdam siya ng sakit na para ba siyang nasusunod at namumula na ang kanyang balat!

Nakaramdam ng hilo si Marvin habang lumalabas ang makapangyarihang pwersa mula sa isang sulok ng kanyang katawan at nilalabanan ang kapangyarihan ng Abyssal Corruption!

'Ito ang…'

Labis na nagulat si Marvin dahil sa pagbabago sa kanyang katawan at hindi niya alam kung ano ang iisipin!

Noong mga oras na iyon, nangisay ang katawan ni Corrupt 29th. Hindi umepekto ang kanyang Abyssal Corruption!

"Paano nangyari ito?!" Namutla si Balkh.

Agad niyang iwinasiwas ang kanyang staff at naghandang umatake bago pa bumalik sa ulirat si Marvin.

Pero hindi niya inasahan na magiging mas mabilis si Marvin kesa sa kanya. Agad itong humakbang palayo sa paningin ni Marvin kasabay ng walang habas na pag-atake ng kanyang mga dagger.

Desperaton Style!

Ang katawan ni Corrupt 29th ay katawan lang ng isang ordinaryong tao, kaya hindi nito malalabanan ang atake ni Marvin.

Agad niya itong pinira-piraso!

Nang matauhan si Balkh at ginamit ang altar para muling atakihin si Marvin, nakatakas na ito!

Nakalayo na ito sa altar at ginamit nang muli ang kanyang Stealth para magtago!

Kailangan niya ng oras para maunawaan ang nangyari!

Tila napakahaba ng pangyayari pero nangyari ang lahat ng ito sa isang iglap.

Malaki ang nilamang ni Marvin dahil sa pambihirang bilis ng kanyang reaksyon. Baka iba ang kinalabasan ng sitwasyon kung bumagal man ito nang kahit kaunti.

Nagtago siya sa dilim, at tahimik na sinisiyasat ang pagbabago sa kanyang katawan.

Dumadaloy pa rin sa kanyan dugo ang init.

Nararamdaman niya ang kapangyarihan. Ang kapangyarihang nagmula sa lava!

Molten Power!

Ang isa sa pinakadalisay na uri ng kapangyarihan sa mundo, sinasaning maikukumpara ito sa Fire Power ng Fire Elemental Sovereign!

'Mayroon akong parte ng Molten Archdevil bloodline?'

Hindi maipinta ang mukha ni Marvin.

Isang panibagong bloodline na na-activate ang lumabas sa interface ni Marvin:

[Molten Bloodline: Bilang kasunod na Molten Archdevil, nabuhay na ang iyong Molten Power]

Nagawa niyang malabanan ang Abyssal Corruption dahil sa Characteristic na lumitaw nang magising ang kanyang bloodline.

[Characteristic – Arch-enemy: Isang libong taon nang nagaganap ang laban sa pagitan ng mga Greater Devil at ng Abyss. Bilang kasunod na Greater Devil, mayroon kang mataas na resistance sa iyong mga arch-enemy. Abyssal Magic Resistance: 50%]

Abyssal Magic Resistance!

Umaabot ito ng 50%!

Nakakamangha ang taas nito.

Kahit na walang nakuhang karagdagang resistance si Marvin sa mga Death spell, magmula ngayon, kapag nagawa na niyang malabanan ang isang Abyssal spell, magagawa na niyang makatakas!