webnovel

Brain Eating Monster

Editor: LiberReverieGroup

Muntik nang lamunin si Marvin nang madugong bunganga.

"Bang!"

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa kwarto.

Napa-atras ang kamay ni Marvin kasabay ng pagtama ng bala sa dibdib ng kanyang kaharap!

Agad namang nanigas ang nakakatakot na halimaw sa kanyang harap!

Isang nakakahilong nabubulok na amoy ang kumalat nang muling magpaputk si Marvin!

"Bang!"

Sa pagkakataong ito, bumagsak na ang halimaw.

Mabilis na lumiit ang ulo nito hanggang sa mawala ito. Naging isang bangkay na pugot ang ulo ang babae!

Ang kanyang dibdib ay may maliit na butas dahil sab ala, pero hindi ito nagdudugo.

Dahil hindi ito tao.

"Brain Eating Monster… Isang Evil Spirit."

Pinunasa ni Marvin ang kanyang pawis.

Mabuti na lang at tama ang naging desisyon niya.

Nang pumasok siya sa bayan, masama na ang kutob ni Marvin. Ang nakakabalisang kapaligiran at may dala ring nakakatakot at negatibong enerhiya. Marahil ay dulot ito ng isang halimaw mula sa underworld.

Kaya naman palihim niyang pinalitan ang kanyang mga normal na bala at gumamit ng mga espesyal na bala.

Ang balang ito ay ibinabad sa #4 Holy Water ng Silver Church at mayroon itong espesyal na kapanyarihan para mapigilan ang mga Evil Spirit.

Ito ang kagandahan ng pagiging isang overlord.

Kung bilang isang idibidwal, mahihirapang makakuha ng Holy Water mula sa Silver Church si Marvin.

Pero matapos ang wilderness military campaign, nagkaroon ng ilang kasuduan si Marvin at ang Silver Church.

Pinayagan niyang magbukas ng Siler Church si Collins sa White River Valley, at hinayaan niyang maniwala sa Silver God ang kanyang mga nasasakupan kung nanaisin ng mga ito. Binuksan niya rin ang isa sa mga minahan para dito.

Tinumbasan naman ni Collins ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng maraming mahahalagang item.

Isa na dito ang Holy Water. Pinadala ni Collins ang maraming bariles ng Holy Water na tila maliit lang ang halaga nito.

Nakay Marvin na ang lahat ng uri nito, mula sa #1 Holy Water hanggang sa #14 Holy Water. Mayroong iba't ibang gamit ito at magkakaiba rin ang konsentrasyon.

Ito ang kagandahan ng pagiging isang overlord, ang paglikom ng mga kagamitan.

Kadalasang ang mga kagamitang ito ay maaaring maging lakas sa pakikipaglaban.

Halimbawa na lang, kung hindi niya ibinabad ang mga bala niya sa #4 Holy Water, mahihirapan siyang patayin ang Brain Eating Monster na ito.

Pero hindi pa nakuntento si Marvin sa pagpatay niya sa babaeng ito.

Mas lalo pa siyang nasadlak.

Siguradong maraming nakarinig ng mga putok ng baril niya.

Agad siyang naglagay ng isa pang bala sa kanyang pistol habang nag-iisip. 'Walang dahilan ang Assassin Alliance para lokohin ako. Kung sinundan ng isang Master Tracker ang mga bakas patungo sa bayan na ito, at nalaman niyang isa itong bayan ng mga Sha, tama lang ang ginawa niya.'

'Pero kahit perception ko ay may masamang kutob sa araw na ito. Kung isa 'yong tunay na Master Tracker, wala ring dahilan para maiisip niyang isa lang itong normal na bayan ng mga Sha.'

'Sa madaling salita, kung hindi nagsisinungaling sa akin ang Assassin Alliance, nagbago ang bayan na ito. At malamang ay nangyari ito noong nakalipas na dalawang araw.'

'Posible ito kung hawak ng mga ito ang kakayahang mag-ibang anyo ng mga Brain Eating Monster.'

Kinilabutan si Marvin habang iniisip ito.

Agad niyang binuksan ang bintana!

At nakita niya ang hindi mabilang na aninong lumalaki ang mga ulo at nagtitipon-tipon ang mga ito sa baba ng inn!

Walang ibang bagay sa mga mukha nito kundi ang madugong bunganga ng mga ito at mga nakkatakot at matatalim na ngipin.

Nahaharangan nila ang buong kalsada!

'Nagawa na nilang mga Brain Eating Monster ang buong bayan!' Nanlamig si Marvin.

Ang lahat ng mga halimaw na ito ay mga kaawa-awang mga tao bago sila mamatay.

Kinain ang mga ulo nila ng Brain Eating Monster. Pero paglipas ng tatlong oras mula nang mamatay sila, may panibagong ulo ang tumubo.

Ang ulong ito ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Brain Eating Monster. Isa itong malupit na proses, dahil ang mga taga-sunod na Brain Eating Monster na mga ito ay kaya ring gawing Brain Eating Monster ang iba pang tao.

Kung gusto niyang tapusin ang mga ito, kakailanganin niyang mahanap ang Alpha.

'Dahil dalawang araw pa lang ang nakakalipas, malamgn nagpapahinga pa rin 'yon. Malaking enerhiya ang kailangan nito para gawing halimaw ang isang buong bayan, kahit pa isa itong 3rd rank Brain Eating Monster.'

Isinara ni Marvin ang kanyang bintana habang nag-iisip ng plano.

Hindi na kailangan pang mag-imbestiga dahil umabot na sa puntong ito.

Hindi mga demon ang Brain Eating Monster. Isa silang uri ng Evil Spirit. Malaki ang nalalaman ni Marvin tungkol sa bangkay ng Brain Eating Monster ng Overlord Diggles ng Decaying Plataue.

Dahil sa paulit-ulit na pagbagsak ng kanyang projection sa Scarlet Monastery, madali lang masabi na may kinalaman ang lahat ng ito sa Evil Spirit Overlord Diggles.

'Gusto niyang gumawa ng Disaster Door, pero kailangan nito ng enerhiyang hindi maibibigay ng pangkaraniwang bagay.'

'Sa Saint Desert at sa East Coast, ang pinakamadaling makuha ay ang bagay nan a sa White Deer Cave.'

'Pucha, nababaliw na ba ang mga Evil Spirit? Sa tingin ba nila magtatagal ang isang Disaster Door? Hindi pa nawawasak ang Universe Magic Pool kaya siguradong mapapansin 'yon ng South Wizard Alliance. Baka mainsulto rin dito ang mga makakapangyarihang nilalang ng Feinan, at magkakaroon pa ng tunggalian sa Decaying Platue.

Nagpapaikot-ikot si Marvin sa kwarto, bahagya na itong naiirita.

Ayaw niyang masangkot sa mga Evil Spirit. Hindi makatwiran nag pag-uugali ng mga ito. Minsan ay mas maigi pang gumawa ng plano ang mga ito kumpara sa mga Devil, habang minsan naman ay mainitin ang mga ulo nito na parang mga Demon. Mahirap intindihin ang mga nilalang nito dahil walang ibang kagustuhan ang mga ito kundi kaguluhan.

Hindi kaya paghihiganti ito?

Naalala ni Marvin na ang projection ni Diggles ay ikinulong sa Scarlet Monastery ng dalawang beses.

Maaaring ito ang dahilan….

Pero wala nang oras si Marvin para mag-isip.

Hindi na mabilang ang mga yabag na naririnig mula sa hagdan.

Agad na tinulak ni Marvin ang lamesa at ang aparador para iharang sa pinto.

At tulad ng inaasahan, maririnig na ang ingay mula sa pintuan.

Napakaraming tao ang kumakalampag sa pinto.

Ang mga inosenteng mamayan dito ay naging taga-sunod na ng Brain Eating Monster at hindi naman nangahas si Marvin na h arapin silang lahat.

Walang problema ang pagkalaban sa isa sa mga ito, pero kung marami ang mga ito, kailangan makahanap ng paraan ni Marvin para tumakas.

Kahit pa hawak niya sa magkabilang kamay niya ang Blazing Fury, walang epekto ang mga spell ng mga ito sa mga Evil Spirit.

Ang pinakamahalagang gawin niya ngayon ay humanap ng paraan para makatakas.

"Blag! Blag! Blag!"

Mas lalong bumangis ang pagkalampag sa kanyang pinto. Hindi magtatagal ay mawawasak rin ang pinto nito.

Sumimangot si Marvin.

Malaking problema kapag napaligiran siya ng maraming Brain Eating Monster.

Kahit na mataas ang kanyang dexterity, isang maling galaw ay siguradong mawawalan siya ng ulo at mamamatay siya.

Nag-isip siya ng maraming plano bago huminga nang malalim.

"Bang!"

Muli niyang binuksan ang bintana.

Mas dumami pa ang mga Brain Eating Monster na nagtipon-tipon sa kalsada.

Naharangan na rin nito ang mga kalapit na daanan kaya walang makakadaan dito. At ang pinakamalapit na gusali mula sa ikalawang palapag ng inn ay napakalayo.

Hindi kakayanin ng isang normal na taong tumalon ng ganoon kalayo.

Malinaw na pinlano ang ganitong sitwasyon.

Simple lang ang layunin nito. At iyon ay ilibing ng buhay si Marvin sa lugar na ito at wag hayaang kumalat ang balita.

Siguradong nagtatago lang sa paligid ang Brain Eating Monster.

Pero kahit pa ganito, nakangiti pa rin si Marvin.

'Ang isiping pangkaraniwang tao lang ako ay ang pinakamalaking pagkakamali mo.'

Itinago na niya ang dalawang pistol at inilabas ang isang shotgun mula sa Void Conch!

Tulad ng mga pistol, ang shotgun na ito ay isang bagay ring ginamit ni Constantine noong bata pa ito.

Isa ito sa mga dekalidad na armas ng mga Sha. Ang ikalawang subclass ni Marvin ay walang silbe sa mga pangkaraniwang sitwasyon.

Pero hindi niya inaasahang magiging kapaki-pakinabang ito ngayon.

Tumalon siya mula sa bintana at nagtinginan sa kanya ang lahat ng mga ulo.

"Ssss!"

Tuloy-tuloy na nagkakagulo nag mga ito. Ang kagustuhan ng mga ito para makakain ng utak ang siyang dahilan kung bakit patuloy ang pag-abante ng mga ito.

"Blag! Blag! Blag!"

Malinaw na hindi na magtatagal ang pinto ni Marvin.

Hindi na nag-alinlangan si Marvin at tumalon nang napakataas patungo sa kasunod na gusali!

Night Jump!

Malakas ang epekto ng kakayahang ito ng mga Night Walker sa ilalim ng madilim na gabi.

Gumuhit pa-arko ang katawan ni Marvin sa ere.

Pero hindi pa ito sapat!

May distansya pa rin mula sa kanya at sa gusali nang magsimulang bumagsak ang kanyang katawan.

Ang lahat ng Brain Eaing Monster ay sabik na papalapit.

Ang iba sa mga ito ay tumalon pa para lang makagat si Marvin.

Pero biglang… Second Jump!

Walang alinlangang ginamit ni Marvin ang bonus ability na ito.

Muli umangat ang kanyang katawan.

Maririnig ang galit ng mga Brain Eating Monster.

Pero kahit pa ginamit ni Marvin ang Second Jump, tila hindi pa rin siya aabot sa gusali.

Sa mga oras na iyon, itinutok niya ang shotgun pababa, sa mga Brain Eating Monster sa kanyang likuran.

"Bang!"

Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw mula sab aril.

Naitulak si Marvin ng malakas na sipa mula sab aril, at napigilan nito ng ilang sandal ang pagbagsak niya sa lupa.

"Bam!"

Kumapit siya sa kanto ng bubong ng bahay at hinila ang sarili pataas.

"Dyan na kayo mga tanga." Panunuya ni Marvin at nagmadaling umalis!

Para maharangan ang inn, pinaharang ng Brain Eating Monster ang mga kalsada.

Sa kasamaang palad, hindi nila naisip na makakatakas si Marvin sa ere.

Pagkatapos niyang tumalon mula sa gusali, nagmadaling tumakbo si Marvin papalayo sa bayan.

Wala nang makakapigil sa kanya.

Sa di kalayuan ay ang maliit na grupo ng Assassin Alliance.

Ang maliit na grupong ito ay magsisilbing support kay Marvin sa operasyong ito. Sila rin ang tagapagpadala ng mga impormasyong makukuha ni Marvin.

Mabilis na tumakbo si Marvin at mas maagang nakarating ito sa pagkikitaan nila.

Pero nanlumo siya nang makarating siya rito.

Anim na walang ulong bangkay ang nakahiga sa mabuhanging burol.

Ang natitirang tao ay gulat na tinitingnan si Marvin. Tila nakagapos ang kanyang katawan ng isang bagay, kaya naman hindi ito makagalaw.

"Hehehe…"

Isang madugong bunganga ang biglang bumuka sa likuran ng lalaki. Nakakatakot na tumawa ang Brain Eating Monster at walang habas na kinagat ang lalaki.

"Woosh! Woosh! Woosh!"

Sa mga oras na iyon, tatlong kutsilyo ang lumipad mula sa kamay ni Marvin!

Bawat kutsilyo ay ibinabad rin sa #4Holy Water!

Napakabilsi ng lipad ng mga kutsilyo at tumarak sa bunganga ng Brain Eating Monster!