webnovel

Black Dragon

Editor: LiberReverieGroup

Naantala ng biglaang pagdating ni Raven ang pinaplano ni Xiu!

Balak sana nitong magpanggap na tatakas at kapag huminahon na muli si Tess, muli na siyang aatake.

Kahit pa siya ay Apostle ng Black Dragon na mayroong malakas na recovery ability, siguradong-sigurado pa rin siya na kaya niyang patayin ito!

Hindi niya lang inaasahan na bigla siyang aatakihin ng Dark Elf na ito.

Saan nanggaling ang Dark Elf na ito?

Isang segundo lang ang pagitan ng kanyang pag-atake at paghahandang tumakas.

Ganoon ba katas an perception ng Drow na ito? Napakaganda ng tiyempo ng pagkakahuli sa kanya nito.

Bahagyang nanlumo si Xiu, pero hindi na hinintay ni Tess na makabawi si Xiu at agad na niya itong inatake.

Divine Spell – Imprison!

Agad na nakulong si Xiu sa isang itim na itim na kulungan.

Hindi man lang siya makagalaw!

Ito ang kapangyarihan ng Black Dragon God. Sadyang hindi ito kayang tapatan ng mga mortal.

Dahil desperado na siya, maaari niyang gamitin ang kanyang pinakamalakas na Self-Preservation Skill!

Biglang naging abo ito at lumipad patungo sa dilim.

Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon si Tess na gumamit ng isa pang Divine Spell bago muling nabuo ang katawan ni Xiu.

At agad na naman itong nawala.

Pero sa pagkakataong ito, umalis na ito nang tuluyan sa kweba!

Sa isang madilim na eskinita, kaawa-awang lumitaw si Xiu sa tabi ng Fiend Sorcerer na si Daisy.

"Palpak?" Biglang sabi nito.

Turilo pa ang mukha ni Xiu kasabay ng pagtango nito. "Tara na!"

"Sandali. Paano si Robin?" Gulat na tanong ni Daisy.

"Hindi ko alam!" Galit na sabi ni Xiu, "Sinabi ko naman na ayaw kong may ibang makatrabaho, at hindi pa nagpapakita ang taong iyon mula nang maghiwa-hiwalay tayo!"

"Sa madaling salita, pumalya ka pero hindi pa nadidiskubre ng kalaban si Mister Robin?" Mahinahong pag-aanalisa ni Daisy, "Ibig-sabihin, may pagkakataon pa tayo."

"Baliw ka ba? Gusto mo siyang hintayin dito?" Galit na sagot ni Xiu.

"Kahit isang Apostle ng god ay hindi kayang pigilan ang teleportation spell ko," mahinahong sabi ni Daisy. "Hindi pa ko nawawalan ng pag-asa, at may natitira pa siyang oras. Hindi pa tuluyang bigo ang misyon kaya tama lang na maghintay."

"Gagamitin nila ang lahat ng tauhan nila para halughugin ang buong Lion Town!" Pabulong na pagtataas ng boses ni Xiu. "Makinig ka sa akin, wala akong pakielam sa Robin na iyon. Kaya ilabas mo na ko sa lugar na ito kasi delikado na dito!"

"Napakaduwag mo naman para sa isang Ace Assassin." Panunuya ni Daisy.

"Sa tingin mo ba makikita lang basta-basta ng mga pangkaraniwang Drow ang hidden spell ko?"

Kinuyom ni Xiu ang kanyang ngipin!

Isa lang siyang pangkaraniwang Ace Assassin, at hindi siya makakalabas ng Lion Town nang mag-isa.

Kung hindi aalis si Daisy, wala siyang magagawa kundi maghintay!

Paglipas ng dalawampung minuto.

Isang malakas na pagsipol ang maririnig sa kalangitan ng Lion Town.

Nakakita sila ng isang malaking anino na lumilipad sa kalangitan!

"Ang Black Dragon!" Takot na sinabi nina Daisy at Xiu.

"Tara na!" Galit na sabi ni Xiu.

Kinagat ni Daisy ang kanyang labi at agad na binuksan ang Teleportation Gate, at tumakas na silang dalawa!

….

Sa Hope City.

"Ano? Nabigo ang misyon?"

"At bumalik kayong dalawa?"

"Paano si Mar… Robin?"

Hindi na maganda ang timpla ni Lorie.

Tiningnan niya ang dalawang sinasabing mga expert, punong-puno ng takot ang kanilang mga mukha. Isa itong natural na reaksyon ng mga tao kapag nakakita ng Dragon!

Ito ang epekto ng Dragon Might.

Kaya nitong mapatakbo mula sa isang laban ang dalawang 4th rank na expert dahil sa takot!

Matapos makinig ng batang babae sa ulat ni Daisy, mas naging mabigat pa ang mukha nito. "Sa madaling salira, hindi pa tuluyang nabigo ang plano at iniwan niyo si Sir Robin sa Lin Town?"

"Hindi sa ganoon." Pilit na ngumiti si Daisy. "Si Robin…"

Ang kaninang tahimik na si Xiu ay biglang nagsalita. "Masyadong nang mapanganib ang misyon dahil sa pagdating ng Black Dragon."

"Ang misyon na ibinigay sa akin ay patayin ang isang Apostle. Inaamin ko na hindi ako nagtagumpay, pero siguradong hindi rin magtatagumpay ang Robin na iyon!"

"Isa pa, dumating ang Black Dragon na si Clarke sa Lion Town! Siya ang anak ng Black Dragon God. Ang mga kakayahan niya ay higit pa sa kakayahan ng isang pangkaraniwang Black Dragon!"

"Wala na akong pakielam sa makukuha ko sa misyon na 'to. Paano pa magtaagumpay ang plano kung naroon na ang Black Dragon?"

Yamot na yamot si Xiu.

At may rason naman ang kanyang pagkayamot. Bilang isang expert, nangako siya, at nagkaroon siya ng kahihiyan dahil sa naging resulta ng misyon. Ngayong bumalik siya na nakabahag ang kanyang mga buntot dahil sa pagdating ng Black Dragon, nasira na ang reputasyon niya bilang isang Half-Legend.

Nag-aalala rin siya lalo pa at iniwan niya ang isang miyembro ng kanyang grupo.

"Nagkakamali ka."

Seryosong sabi ni Lorie kay Xiu. "Ang Apostle na hindi mo napatay… magagawa siyang patayin ni Sir Robin."

"At ang Black Dragon naman, hindi dahil hindi mo na ito kinaya, hindi iyon nangangahulugan na ganoon na rin ang mangyayari sa iba."

Gulat na tiningnan ni Daisy at Xiu si Lorie.

Sadyang hindi na makatwiran ang sinasabi ng batang babae!

Kahit pa sabihing mahusay nga talaga si Robin, at maganda mang pakinggan ang isang Druid Assassin, paano naman ito naging mas mahusay sa isang Ace Assassin pagdating sa pag-assassinate?

Pagkatapos ng pagtatangka ni Xiu, siguradong magiging mas maingat si Tess. Sadyang wala nang pagkakataon si Robin para magtagumpay!

Tungkol naman sa Black Dragon, tila hindi alam ng batang babae ang kaibahan ng langit at lupa.

Hindi lahat ng tao ay katulad ng Fate Sorceress na si Jessica!

Sa tingin ba nito ay magkasing lakas ang kanyang nakatatandang kapatid at si Robin?

"Kung mapapatay ni Robin si Tess, libre ong gagawin ang tatlong misyon para sa Thre Sisters. At kung mapatay niya ang Black Dragon, pagsisilbihan ko kayo ng tatlong taon!"

Pagkatapos niyang sabihin ito ay umalis na ito at hindi na lumingon pa.

Naiwan lang na nakatayo si Daisy doon. "Lady Lorie…."

"Hindi mo na kailangan ulitin pa." Mukhang mahinahon na si Lorie. "Ginawa mo ang lahat ng makakaya mo. Magpahinga ka na. Hindi naman talaga madaling kalaban ang Black Dragon."

Tumango si Daisy at umalis mula sa city wall.

Pagkatapos umalis ng dalawa, lumabas mula sa likuran ni Lorie si Ding.

Biglang sumabog ang galit ng batang babae!

Hinawakan nito ang matabang mukha ni Ding at kinurot nang napakalakas.

Kinurot niya ito habang sinasabi, "Paano nila nagawang iwan si Sir Marvin sa ganoon kapanganib na lugar!"

"Hindi pwede ito, ililigtas ko siya!"

Isang panatikong kislap ang lumabas sa mga mata ni Lorie.

"Kailangan kong iligtas si Sir Marvin!"

Sumigaw sa sakit si Ding. "Bakit lagi niyong kinukurot ang mukha ko kapag nag-aalala kayo!?"

Inalog ni Lorie si Ding na para bang hindi niya ito naririnig. "Sige na!"

"Bigyan mo kong sampung puntos ng Luck, ako na mismo ang susugod sa Lion Town!"

Tiningnan siya ng Fortune Fairy. "Sampung puntos?! Gusto mo ba akong mamatay?!"

Malaking porsyento ng lakas ang nagagamit ng Fortune Fairy sa pagbibigay ng blessing.

Kahit pa isa siyang inkarnasyon ng piraso ng Fate Tablet, hindi pa rin siya maaaring magbigay ng blessing basta-basta. Ang isang puntos ng Luck na ang limitasyon.

Ikamamatay niya ang hinihinging sampung puntos ni Lorie!

Nang biglang may malamig na boses siyang narinig mula sa kanyang likuran, "Lorie, maghinay-hinay ka."

"Maliit pa si Ding, hindi niya pwedeng sagarin ang kapangyarihan niya!"

Isang babaeng kamukhang-kamukha ni Lorie ang naglakad papunta sa tabi niya.

Tuwang-tuwa naman si Lorie. "Ate!"

Bahagyang tumango si Jessica, at biglang makikita na ang galit sa mukha nito. "Napakasama talaga ng Black Dragon God. Pinabaling niya ang atensyon ko sa pamamagitan ni Clarke saka siya umatake!"

"Nagpadala pa ito ng projection niya para protektahan si Clarke, at kahit na tinalo ko 'yon, nakatakas naman si Clarke dahil doon. Nakakagalit!"

Pagkatapos niyang sabihin ito, hindi niya mapigilang kunin si Ding mula sa mga kamay ni Lorie.

Pagkatapos niyang kurutin si Ding dahil sa ito na ang kanyang nakasanayan, tiningnan niya ito. "Pataasin mo ng sampung puntos ang Luck ko at ako mismo ang papatay sa Black Dragon God."

Kanina, tatlumpung minuto na ang nakakalipas, sa loob ng isang kweba sa Lion Town.

Tumakas na si Xiu, pero nanatili si Raven.

Natuwa si Tess nang makita si Raven, ngunit bigla na nitong sininulang tanungin si Raven kung saan ito nanggaling lalo pa at mapaghinala ang mga Dark Elf.

Maganda naman ang naging sagot ni Raven.

"Dinakip ako ng isang makapangyarihang tao, at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na baliktarin ang sitwasyon."

"Mukhang mayroon siyang mahalagang lihim, kaya hindi ko siya basta-basta pinatay. Pero kahit anong gawin kong pagpapahirap, hindi pa rin siya nagsalita."

"Mukhang may kinalaman ang luhim na ito sa Source of Fire's Order. Pero hindi ko alam kung ano mismo ito. Naniniwala akong kaya niyong lutasin ang problema na ito gamit ang kakayahan niyo."

Bahagyang tumango si Tess. "Sige, ako na mismo ang kakausap sa tao."

"Pero bago iyon, kailangan ko muna gsubukin ang paniniwala mo sa Black Dragon God!"

Praning ang mga Dark Elf, at isang magandang halimbawa nito si Tess.

Dahil sa biglang pagkawala at muling pagsulpot ni Raven, hindi niya ito agad-agad pinaniwalaan.

Nanatiling mahinahon lang si Raven.

Binuksan ni Tess ang kanyang mga kamay at bumigkas ng ilang kataga, nag-cast ito ng simpleng [Distinguish Faith].

Wala namang problema kay Raven.

Sa wakas ay huminahon na si Tess.

Matatag pa in ang paniniwala ni Raven sa Black Dragon God.

Natawa naman si Marvin habang pinapanuod ito.

Ano nga ba ang Book of Nalu? Isa itong artifact na isinulat ng God of Deception famit ang kanyang pawis at dugo!

Kahit pa ang Black Dragon God mismo ang gumamit ng Distighuish Faith, ito rin ang magiging resulta. Kaya paano pa kaya kung isang Apostle lang tulad ni Tess ang gumawa nito.

Isa itong makapangyarihang kakayahan ng Book of Nalu, gamit ang halo of deception nito.

"Ikinulong ko ang lalaking iyon sa isang bodega, bakit hindi tayo magsama ng mga gwardya at puntahan na ito?" suhestiyon ni Raven.

Tumango si Tess. Iba siya mula sa iba pang Underdark Race. Bilang Apostle ng god, mas marami siyang nalalaman.

Malinaw na mahalaga ang Source of Fire's Order.

Agad na umalis ang dalawa sa kweba at nagsama ng maliit na grupo ng mga Dark Elf at tahimik na umalis ng Lion Town.

Hindi nagtagal, nakarating na sila sa abandonadong bodega.

"Nasa loob siya." Tinuro ni Raven ang pinto sa likuran ng bodega.

"Maghintay kayo dito sa labas, walang papasok hangga't wala kaming sinasabi."

Agad namang nagkalat ang mga Dark Elf. Nagmamasid sila sa paligid.

Magkasamang pumasok si Tess at Raven.

Tinulak ni Tess ang pinto papasok nang biglang may itim na dagger ang humiwa sa kanyang leeg!

Dahil hindi niya ito inaasahan, agad na nahulog sa lupa ang ulo ni Tess!

Ni hindi ito nakapagsalita bago tuluyang bumagsak sa lupa.

Dahan-dahan namang sinarado ni Raven ang pinto.

Masaya at mahinahon namang lumabas si Marvin mula sa dilim,'Hindi ko naman alam na ganoon lang pala kadali pumatay ng isang Aposlte.'

'Mukhang wala naman masyadong pakielam sa kanya ang Black Dragon God. Masyadong marupok ang Apostle na ito. Hindi ba dapat mas marami pang gamit ang kanyang Major Regeneration?'

Sinipa ni Marvin ang ulo ni Tess.

Nang biglang isang nakakatakot na atungal ng Dragon ang maririnig mula sa Lion Town.

"Sino!"

"Sinong pumatay sa Apostle ng ama ko?!"

"Ikaw na pumatay, nakikita kita!"

Biglang nagbago ang mukha ni Marvin, 'Si Clarke!'

'Takbo!'