13 Chapter Thirteen

Ang liwanag. Nasisilaw ako. Nag-talukbong ako ng kumot at pilit na bumalik ulit sa pagtulog. Pero hindi na ko nakabalik sa pagtulog ko dahil naramdaman ko na parang sasabog ang ulo ko sa sakit. Nauntog ba ako? Bakit ang sakit ng ulo ko? Ano na ba ang date ngayon? Magkakameron na ba ako kaya masakit ang ulo ko?

"Miracle, are you awake?" boses ni Timothy.

Naramdaman kong hinawakan nya ang ulo ko. Tinanggal ko ang talukbong kong kumot at minulat ko ang isang mata ko. Nasa kama ako katabi sya.

"Timothy. Ang ulo ko." Napahawak ako sa ulo ko. "Ang sakit ng ulo ko."

"Drink this," may inabot syang coffee mug.

May laman ang mug na herbal tea, inamoy ko bago uminom ng kaunti. Umupo ako sa kama at sumandal sa headboard. Nalaglag ang kumot mula sa mga balikat ko. Nagulat ako nang Makita na wala na akong suot na damit. Halos mabilaukan ako sa iniinom ko. ASAN ANG MGA DAMIT KO?! Bakit nakahubad ako?!

"Timothy! Bakit ako nakahubad?!"

Ipinatong ko ang baso sa bedside table. Itinaas ko ang kumot at tinakpan ang sarili ko. WAAAHHH!! Bakit?! Ano'ng nangyari?! HUH?! May nangyari ba?!

"I'll explain everything, Wifey. Inubos mo na ba ang laman ng baso?"

Ang sakit ng ulo ko. Parang masusuka ako. Kinuha ko ulit ang baso at diretsong ininom hanggang sa maubos ang laman. Muling ko'ng ipinatong ang baso at sumandal sa mga unan sa likod ko. Minasahe ko muna ang ulo ko. Ano ba ang nangyari?

"Nalasing ka kagabi," umpisa ni Timothy. "Do you remember? Kumuha ka ng wine sa cellar."

Ahh. Oo, after ko'ng uminom ng TanIce. Sumakit nga tyan ko dun eh. Nakadalawang bote ako.

"Nalasing ba ako at nagsuka kaya nawala ang damit ko?" tanong ko dahil 'yon naman ang karaniwang nangyayari kapag uminom at parang magic na nawala ang damit kinabukasan. Imposible naman na may nangyari sa amin. Hahaha!

"Not exactly Miracle," kumunot ang noo nya. "To put it simply, something happened last night."

Mabuti nalang at naubos ko na kanina pa ang laman ng mug dahil kung iniinom ko parin ito hanggang ngayon, malamang naibuga ko 'yon. May...nangyari? May...nangyari? MAY NANGYARI?!!

"M-May nangyari sa'tin? Gano'n ba? Timothy?" namumutla ang mukha na tanong ko. Gusto ko nang lamunin ako ng sahig ngayon na! Ano ba 'tong ginawa ko?! Ano'ng ginawa ko kagabi?! Mababaliw na ako!

Ako ang gumawa non! Ako! Hindi naman kasi pwedeng si Timothy ang gumawa ng first move, bulag nga sya eh at ang isa pa malakas ang self-control nya. Ako ang gumawa ng first move? Don't tell me... Na-rape ko si Timothy? N-Na-rape ko si Timothy....? K-Kung totoo nga yon... Ako ang pangalawang babae na nang-rape sa kanya.

"H-Hwag Miracle maawa ka sa bulag!"

"Hihihi! Hik! Bakit ba Timothy eh sa gusto kitang matikman ngayong gabi eh Hik!"

"Miracle please... hwag. Maawa ka sa'kin di'ba mahal mo naman ako, hwag mong gawin to please."

"Heh! Hik! Gagawin natin to dahil sinabi ko! At ang isa pa mahal mo naman ako diba? Hik!"

"Oo p-pero Miracle... hindi pa ako handa. At gusto ko sana yung romantic ang first natin hindi ganito."

"Pwes maganda yan, ihahanda kita Hik!" Hubad damit.

"Hwag Miracle... Hwag..."

"Sa'kin ka na Timothy! SAKIN! WAHAHAHAHA!!!!"

"HWAAAAAAG!"

Ganoon ba ang nangyari? Na-rape ko si Timothy! Gustong kumawala ng kaluluwa ko sa katawan ko. WAAAAAAHHHH!

"Miracle. Miracle!"

"Waaahhh!!"

"Miracle."

"SORRY!!! Hindi ko sinasadya!! Lasing ako Timothy!! Hindi ko alam ang ginagawa ko nang gabing 'yon! WAAAAAHHH!!"

"Alam ko Miracle, nangyari na ang nangyari mabuti nalang—"

"SORRY TALAGA!! GUSTO MO BANG PANAGUTAN KO ANG NANGYARI?! HANDA NAMAN AKONG PANAGUTAN KA TIMOTHY!!"

Niyakap ko si TOP. Nakakahiya. Nakakahiya talaga!! Naramdaman ko na nanginig sya. WAAH! Nanginginig sya sa sobrang takot. Natatakot na sya sa'kin! WAAAH! (;´༎ຶД༎ຶ')

Bigla syang tumawa.

"B-Bakit ka natawa?"

"Wala, para kasing ako dapat ang magsabi ng linyang yan," nakangiti nyang sabi.

"Timothy. Sorry na talaga."

"Bakit ka ba nahingi ng sorry? Para saan?" nagtatakang tanong nya.

"K-Kasi kagabi. Di'ba? Ano. "

"It's okay." Nagkibit balikat sya.

"T-Talaga? Ayos lang sa'yo?"

"Oo naman," ngumiti sya.

"H-Hindi ka ba galit?"

"Hindi, nabitin lang siguro."

"N-Nabitin? Saan?"

"Bigla ka nalang nakatulog sa'kin kagabi, hindi natin natapos ang ginawa natin."

"A-Ako? N-Nakatulog?" Naguguluhan na tanong ko. Teka ano ba talaga ang nangyari?

"Ano ba ang iniisip mo?"

"W-Walang nangyari? Hindi ba kita...na...ano?"

Malakas na tawa ang isinagot nya.

"So that's what you're worrying about? Wala. Walang nangyari, muntik lang pero hindi natuloy. Tss," dismayadong sabi nya. "Tinulugan mo ako bigla."

WALANG NANGYARI? MUNTIK LANG? NAKATULOG AKO?

"You passed out, lasing na lasing ka kagabi."

WALANG NANGYARI! Hwaa! Nakahinga ako nang maluwag. Pero ibig sabihin nyan...hindi ko sya na-rape? Nakakapagtaka....Kasi palagi ko'ng iniisip yun.

avataravatar
Next chapter