webnovel

Chapter One Hundred Thirty-Four

Sinabayan ko sya sa paglalakad nya. "Hinahabol ka ng mga pinsan mo?! THAT'S INCEST!"

"Ah shit Miracle, I said foget it." He closed his eyes and he pinched the bridge of his nose.

Bigla akong nakaramdam ng inis para sa mga pinsan nya. Bakit ganon?! Hindi lang si Hany ang nagkakagusto sa kanya?! May iba pa?! Kinuha ko yung isa pa nyang kamay. Tinignan nya ako. Grey eyes. Nakatingin ako straight sa kanyang mga mata. At bigla na naman akong hinigop ng mga mata nya, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

"I love your eyes," bigla kong nasabi sa kanya at ngumiti.

Halata ko na nagulat ko sya. "My eyes?" he blinked.

"Yes, I think they are beautiful!"

Ilang segundo pa kaming nagkatitigan bago sya tumingin sa ibang direksyon.

"I hella love your eyes too." He cleared his throat.

Natawa ako. "You HELLA love my eyes too? Thanks Timmy!"

Bigla syang tumingin sakin. "What-What did you just call me?"

"Huh?"

"You called me Timmy," mahinang sabi nya.

Nasabi ko ba?! Timmy nga pala ang tawag ko sa kanya noong mga bata pa kami. Hindi ko napansin na natawag ko pala sya sa dati nyang nickname. Ang natural kasi... Parang sobrang natural lang na tawagin ko syang Timmy. Nakatingin lang sya sakin at nakatingin din ako sa kanya. Sasabihin ko ba sa kanya na naalala ko na ang tungkol sa amin noon?

Ngumiti ako sa kanya. "S-Sabi ko Timothy," sagot ko sa kanya.

"No. You said 'Timmy'."

"Timothy, sabi ko Timothy."

Tinitigan nya lang ako nang matagal. Tinignan ko lang rin sya. Bigla nya akong hinapit palapit sa kanya ang sumunod na nangyari, hinahalikan na nya ako. Pakiramdam ko natutunaw na ako sa mga braso nya. Mabagal at magaan ang paghalik nya sa labi ko. Parang nag-iingat sya sa akin. Pero gaano man kagaan ang halik nya malakas parin ang epekto sa akin. Kung hindi lang nya ako yakap ngayon siguro natumba na ako. Nakakapanghina ng tuhod ang halik nya.

"Timothy."

He gave me a peck. "You're so small Miracle," he whispered.

"Maliit ako?"

"Yes, you're too small for me."

"Hindi ako maliit, malaki ka lang talaga."

Unti-unti syang ngumiti. Binigyan nya ako ng isang lazy grin.

"No really." Bigla nyang hinawakan ang dibdib ko. "You are small."

"AAAAAAAHHH!!!" Humiwalay ako sa kanya at tinakpan ang dibdib ko. "TIMOTHY!!"

Ngumiti lang sya. "It's okay Miracle, I still think you are perfect for me."

Namumula ang mukha ko. "Ano ba ang mga pinagsasasabi mo?!" May nakakita ba? Tumingin ako sa paligid. Yung iba nakatingin. Napatingin ako sa lupa. Bumuka ka at kainin mo ako!

"They fit my hands perfectly." Pinakita nya sakin yung kamay nya na humawak kanina sa dibdib ko.

"I HATE YOU!"

Lumakad ako palayo at iniwan sya. WAAAAAAH!! Gusto kong lamunin na ako ng lupa ngayon! Hinawakan na nga nya dibdib ko, tapos sinabi pa nyang MALIIT daw?! MALIIT!!!!!! Oo na! Maliit nga. Pulang pula na ang mukha ko sa kahihiyan.

"Miracle," habol nya sakin.

Lumingon ako. Nasa likod ko na pala sya. "Go away!"

"I said it's okay if they're small."

"Shut up!" Tinakpan ko ang magkabila kong tenga. "Ayokong marinig!"

"Miracle."

"Sabi ko 'Go away!' english 'yun kaya naiintindihan mo diba?"

"Yes Miracle at marunong din ako mag-tagalog."

"I don't care! Go away!" Binilisan ko ang lakad ko.

Pero kahit binilisan ko yung lakad ko hindi ko parin sya maiwan. Ang haba kasi ng legs nya, yung dalawang hakbang ko katumbas lang ng isa sa kanya. Mas lalo akong nainis!

"Are you angry?"

"I'm annoyed!"

"What do you want me to do?"

Napatigil ako sa paglalakad. Tumingin ako sa kanya. Ano ba ang gusto kong gawin nya? Fuuuuuu.

Matalim ko syang tinignan. "Buhatin mo 'ko. Piggyback." I crossed my arms.

"Is that all?"

"And don't touch me 'there' again! Ever!"

"I can't promise you that," he muttered.

"May binubulong ka?"

"Wala." Lumuhod sya patalikod sa akin. "Sakay."

Sumakay ako sa likod nya. Nang umayos na sya ng tayo parang gusto kong malula. Pakiramdam ko ang taas-taas ko. Ganito pala ang mga nakikita ni Timothy. Nakikita nya kahit yung tuktok ng ulo ng mga tao.

"Aren't you embarassed?" tanong ko.

"No, why?"

"Kasi nasa likod mo 'ko, pinagtitinginan tayo nung iba oh," bulong ko.

"I don't give a damn about them Wifey, all I care about is you," sagot nya.

In-adjust nya ako sa likod nya. Bumababa na kasi ako. Niyakap ko nalang sya. Ang sarap nyang yakapin. Ang broad ng shoulders nya at ang lakas nya. Ipinikit ko ang mga mata ko at inamoy ko sya. Na-miss ko sya ng sobra.

"Hey Wifey."

"Yes Hubby?"

Natigilan sya. "You called me 'Hubby'." Bakas ang ngiti sa tono ng boses nya.

Ngumiti ako. "I did."

"That's the first time I heard it since I came back."

Bumuntong hininga ako. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko sya magawang tawagin na 'Hubby'. Pero ngayon, nawala na yung awkwardness na nararamdaman ko.

"Yeah.." bulong ko at hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Miracle don't hug me."

"Bakit? Ayaw mo?" Parang nasaktan ako bigla sa sinabi nya.

"It's not that," huminga sya nang malalim. "It's because I can feel your boobs on my back. It's hard to concentrate not to think about them. And thinking about them makes me want to touch them, you forbid me to do that. This is torture."

"TIMOTHY!"

"Aw f*ck!" angal nya. "My ears are going to fall off, don't scream."

"Tigilan mo nga ang pag-iisip sa dibdib ko! Hindi ka ba nahihiya sa mga sinasabi mo? Oh my gosh!" Ang init ng pisngi ko. Mabuti nalang hindi nya ako nakikita.

"I'm a guy, it's natural. And your breasts are beautiful. They are small, round and really soft," describe pa nya.

Hindi ko alam kung sasaya ba ako o mamamatay sa kahihiyan sa mga sinabi nya. AAAAAAAAAHHH!! Gusto ko nalang itago ang mukha ko sa likod nya.

"You're a perv, Timothy."

"I'm your perv."

"Shut up."

"Okay."

Next chapter