webnovel

Chapter Ninety-One

Miracle Samantha Perez

"DI NGA?!!! HINALIKAN MO SI RED?!!!" di makapaniwalang tanong nina China at Maggie.

Kailangan ba talagang sabay sila ng reaksyon? Gusto kong takpan ang mukha ko ng unan dahil sa patuloy nilang pangungulit sa akin.

"HINDI KO NGA SINASADYA EH!"

Kung makapagtanong naman sila, parang isang napakalaking krimen ang nagawa ko.

"Kahit na, bading! Nag-kiss pa rin kayo 'no!" sabi ni China.

"Tama! Pero Sammy, may gusto kaming malaman ni China," ani Maggie.

Bigla ang kinabahan dahil matiim nila akong tiningnan.

"A-Ano 'yon?"

"Anong feeling?" tanong ni China habang tila kumikislap pa ang kanyang mga mata.

"Masarap ba siyang humalik?" tanong ni Maggie. Katulad ng kay China ang naging reaksyon niya.

"May kasama bang tongue?"

"Or may groping na naganap?"

A-Ano bang itinatanong sa'kin ng dalawang 'to? Accidental KISS nga eh!

"CRAZZZZZZYYY DUOOOO!!!" sigaw ko at the top of my lungs.

Napaatras naman sila habang nakatakip sa kanilang tainga.

"Oh, Princess, bakit ka sumisigaw?" Pumasok si kuya Lee sa kwarto.

Kasama niyang pumasok si Michie.

Teka, may napansin ako kay Michie. Sa totoo lang, kanina pa ako nag-aalala sa kanya. Napansin kong hindi maganda ang timpla ng mukha niya. Hindi ko maintindihan kung maiiyak ba siya o ano.

Hindi kaya may ginawa si kuya Lee sa kanya? Tinignan ko nang masama si kuya Lee. Kunot noo naman siyang tumingin sa akin at halatang nagulat sa ekpresyon ng mukha ko.

"Bakit, Princess?"

"Ano—" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil biglang nag-ring ang cellphone niya.

"Si Tito," sabi ni kuya Lee.

WAAAAAAAAHH!! Si Papa!

"KUYA, HUWAG MONG SASABIHIN ANG NANGYARI SA'KIN HA!!" Teka, baka alam na nila.

Nag-aalala ako sa kung ano ang pwede nilang gawin kapag nalaman nila ang nangyari sa akin. Ibabalik nila ako sa France! WAAAAAAAHH!

Ayoko!

"We'll talk later, Princess," sabi ni kuya bago lumabas ng room ko.

"BAKLA, ANO ANG NANGYARI?!" tanong ni China kay Michie.

"BAKIT GANYAN ANG MUKHA MO? Gusto mo banatan ko na 'yung ex mo?" nag-aalala ring tanong ni Maggie sa kanyang pinsan. Si Kuya Lee ba ang sinasabi niyang babanatan niya?

Biglang tumingin sa'kin si Michie. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha niya. Tila kinaaawaan niya ako? Hindi naman siguro.

Lumapit si Michie sa dalawa at nagkumpulan sila sa isang sulok.

"Weh? Di nga?" narining kong sambit ni Maggie. Mukhang gulat na gulat siya sa kanyang narinig mula kay Michie.

"Hahahaha! Imposible 'yan, Michie, ano ka ba?" bulalas ni China.

Sinenyasan ni Michie ang dalawa na tumahimik at pagkatapos noon ay tumingin sa'kin. Muli na naman silang nagbulungan.

*murmur.murmur.murmur*

"ANOOOO?!!"

"TOTOO BA 'YAN?!!"

Tumango si Michie.

*murmur.murmur.murmur*

Tumingin sa'kin ang Crazy Duo na tila ba naaawa sila sa'kin. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

"HOOOYYY!! Ano ba 'yang pinag-uusapan niyo? Bakit kayo tingin nang tingin sa'kin ha? Ako 'yan 'no?" tanong ko. Muli silang tumingin sa akin.

"HINDI AH!" sabay-sabay nilang tanggi.

Kailangan sabay? Deny pa! Ano kaya 'yun?! Ako pa naman 'yung tipo ng taong masyadong curious. Bumalik ulit sila sa pag-uusap habang patuloy pa rin sa pagsulyap-sulyap sa akin. Ngayon sasabihin nilang hindi ako ang kanilang pinag-uusapan? Naiinis na ako ah!

"NO! That's not true!" biglang sigaw ni Angelo.

Nagulat kaming apat nang sumigaw si Angelo. Kanina lang kasi, nasa loob siya ng CR. Hindi ko namalayan na nasa tabi na pala siya ngayon ng Crazy Trios.

"Ssshhhh Angelo."

"DADDY ISN'T GAY!!" sigaw ni Angelo habang umiiling at naka-cross arms pa.

Huh?

"KYAAAA ANGELO!!!" sigaw ng Crazy Trios.

Tumingin sa'kin si Angelo. Teary-eyed na siya, nagte-tremble ang lips at naka-puppy dog eyes. A-Ang cute!

"Mommy, what is gay? Is he not human? Daddy isn't a monster, right Mommy?"

A-ANO? Sino ang bading? Si...HAAAAAA?!!!!

Jared Dela Cruz

"Hindi 'yan totoo! You're lying! You slept with that whore! You can't be actually GAY!!" sigaw sa akin ni Riri.

Ah potek! Ayaw akong tigilan.

"Ahahay Dear!" Tinaasan ko ang boses ko, 'yung matinis na boses na masakit sa tenga. "Eh kasi nga, binayaran ko lang sila para manahimik at i-keep ang aking secret."

Pupulutin ako sa purgatory nito dahil sa mga kasinungalingan pinagsasasabi ko.

"B-But!! AAAAAAAAHHH!!" Tumakbo siya palayo.

"Tsk! Buti naman tumigil na siya." Nakahinga ako nang maluwag.

Umupo ulit ako sa bench. POTEK! Nakakadiri ang ginawa ko.

*Bam Ratatata Tatatatata*

Ampupu! Cellphone ko ba 'yung tumutunog? Kinapa ko ang bulsa ko at nakitang iyon nga ang nag-iingay. Tokwa! Cellphone ko nga. Sino ang nagpalit ng ringtone ko?! Si Samantha ba?

Tumatakbong bumalik si Riri. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakaturo sa cellphone ko na patuloy sa pagri-ring.

"2NE1?!! You're actually listenning to 2ne1?!!" Napahawak siya sa kanyang ulo. 2ne1 pala 'to?

"Oo naman sister~!"

"YUUUUUUUUUCCKKKKKK!!!" Muli siyang tumakbo palayo. Sana naman hindi na siya bumalik pa.

Sinagot ko na ang tawag bago pa man ito tumigil sa pagri-ring.

"Yo, Jack?"

[Dela Cruz! Ano 'tong kumakalat na tsismis sa facebook?] bungad ni Jack sa akin.

"Wala akong panahon para mag-facebook."

[Dude...pffft!! HAHAHAHAHAHAHAHAH!]

Pinagtatawanan ba niya ako dahil wala akong oras mag-facebook? Loko 'to ah!

[Teka lang. HAHAHAHHAHA!! Tatawa muna-HAHAHAHAHAHA!!]

Ibaba ko na kaya 'to?

Rica Manrique

I can't believe na he's gay! Of all people na pwede maging gay?! BAKIT?! WHY?! Oh my gosh! Hindi ko keri! Sabi ko na nga ba, imposibleng patulan ng isang Red Dela Cruz ang whore kong ex-bestfriend! Hmp! Matawagan nga.

Kinuha ko ang cellphone ko. Hmm. Wait, may sexy voice akong naririnig.

"Yes. Yes. I understand. Yes, Tito, sasabihin ko sa kanya 'yan."

OMG!!! It's LEE!!

"Yes, Tito. Thank you. Will do. Bye."

"LEE~!!" Kumapit ako sa braso niya. Like OH MY GOSH! Ang tigas ng biceps niya! GYAAA~! I SOOO WANT HIM!

Bigla niya akong itinulak. Whyyyy~?

"Do I know you?" he asked me.

"Ikaw talaga, ang galing mong mag-joke~" saad ko habang hinihimas ang dibdib niya.

Like Oh my gosh talaga! He's so perfect! Kahit na brokenhearted ako kay Red dahil pareho kami nang gusto, okay lang, nandito naman si Lee. And besides, siya naman talaga ang gusto ko! Gyaaa~!

Talo pa ang Royal Wedding kapag nagpakasal kami. We'll be the next royal couple~! GYAAA! So EXCITED for my wedding!

"Miss!" Hinawakan niya ako sa balikat ko at tinignan. "Hindi kita kilala, kaya pwede ba lumayo ka?"

Mukhang galit siya. Anyways, he's so sexy when he said it! GYAAAAA~!! I SOOO LIKE HIM NA!! Niyakap ko ulit siya. He's acting cold towards me para maging sexy ang dating niya sa paningin ko!

Alam na alam niya ang gusto ko sa mga lalaki that's why he's doing this! Nag-research pa talaga siya for my type! It's okay, Lee. Kahit hindi pa kita type, I will marry you pa rin kasi mayaman ka! You're super duper rich!!! GYAAAAAA~!!!

Next chapter