1 Prologue

Ang kanyang pamilya ay ang pinakamalakas sa lahat, nirerespeto, ginagalang at higit sa lahat kinatatakutan. Wala ni sinoman ang gustong kumalaban dito. Lahat ay yumuyuko kapag sila ay nakakasalamuha.

Subalit, nagtapos ang mga yun noong pinagbubuntis ng Luna ang unang anak, ito ay babae. Lahat ay nalungkot sapagkat babae ito, tumaas ang kanilang pagtingin sa pagkakaalam na lalaki ang ipinagbubuntis nito. Marahil ang alam nila ay ang mga babae ay mahihina at Hindi nito mapapatakbo ng maayos ang grupo o ang tinatawag na "pack".

Nung ito ay ipinanganak, biglang lumitaw ang propesiya na nagsasabing

"Siya ay mahina sapagkat ito ay natutulog pa lamang

Hintayin ang kanyang paggising at ito ay lalakas

Ang nagdadala ay mahihirapan at kakawawain

Sa busilak niyang puso ito ay unti unting magdidilim

Sapagkat ito ay nababahiram ng higanti at sakit "

Sa gayon, ay hindi nila ito pinansin, sapagkat pagkatapos ipanganak ay binigay nila ito sa pinakamamabang uri, ito ay omega. Hindi nila ito tinuring na anak sapagkat wala silang nararamdam ditong kakaiba, ang nasa isip lamang nila ay ang kanilang "pack" at Hindi ang propesiya.

Nagdaan ang panahon, lahat ay nagbunyi sapagkat lalaki na ang pangalawang ipinanganak ng Luna. Ang nauna ay tila nakalimutan na dahil sa sinabi ng Luna na namatay na ito. Lumalaki na rin ang batang babae at hindi ito katulad ng ibang bata, dito ay alam niya lahat.

Halika, tunghayan natin ang kwento niya...

p.s taglish po ito ....

avataravatar