webnovel

Chapter 3

Sa kabilang dako...

"Mommy, i've met a doctor when we're on our way to a parking area. He is just look like daddy so i greeted him." kwento ng bata habang nasa bahay na sila at nagmimerienda.

Nagtataka man sa mga sinasabi ng anak makahulugang tumingin si Isabella sa nanny ng bata. Habang humihigop ng kape.

"Okay finished your food baby. After that you can go to your room and bring your stuff there okay? Don't go to sleep okay. Wait for me. Nanny and i have something to talk about." utos niya sa bata habang hinihaplos ang mukha nito.

Ngumiti lang ang bata at tahimik nang inubos ang pagkain nito. Pagkanaka ay umakyat na ito upang sundin ang inuutos ng mommy niya.

"Nanny Maria, ano iyong kinukwento ni Akina kanina?" tanong niya sa yaya ng anak niya.

Matagal nang katiwala ang babae dito sa bahay nila. Estudyante pa lamang si Isabella ng elementarya ay nandito na ito. Fifteen years ang tanda nito sa kanya. Kaya naman kapatid na rin ang turingan nilang dalawa.

Ngayon naman ay kinuha na lamang ni Isabella bilang nanny ng kanyang anak. At kumuha na lang ng panibagong katiwala sa bahay.

Bumuntong hininga na lamang si Maria bago ito sumagot.

"Totoo ang kinuwento ni Akina kanina. Nagulat nga ako ng malayo pa lang namataan ko na si Dr. Aristotle at kahit anong lihis ang gawin ko magkakasalubong pa rin kami dahil wala nang ibang way nasa likod lamang ng kotse nya naka-park ang sasakyan natin." kuwento ni Maria kay Isabella habang ito ay nagliligpit ng kanilang pinagkainan.

"Si Aristotle, nakilala na ni Akina bilang---" nangangamba nang tanong ni Isabella ng biglang putulin ni Maria ang pagsasalita niya.

"Hindi nakilala ni Akina ang ama niya dahil nagtatangka pa lamang na magpakilala ang lalaki pinutol ko na ito at nagmamadali kunwari sa pag-alis. Ang laki ng pinagbago ng hitsura ni Doc at mukha itong tumanda. Marahil iyon na rin ang dahilan kung bakit hindi siya nakilala ng bata." paliwanag nito kay Isabella.

She sigh in relief...

"Hindi pa napapanahon na makilala ni Akina ang kanyang ama, may tamang panahon para sa ganyang bagay. Sa ngayon mas lumiliit ang chance na hindi magkatagpong muli ang landas naming dalawa." napayuko na lamang si Isabella sa usaping iyon.

"Lalo pa ngayong nalaman ko na malaki ang galit sa akin ni Aris. Tumawag sa akin si Anton kani-kanina lang at kagagaling lang daw niya sa opisina ni Aris. Kinuwento niya sa akin ang lahat ng kanilang napag-usapan kanina." halata sa kanyang boses ang hirap ng kalooban.

"Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoong dahilan kung bakit ka tuluyang lumayo sa kanya? Alam kong maiintindihan naman niya iyon. Lalo na at wala na ang taong pipigil na sa pagmamahalan ninyong dalawa." tugon naman ng babae kay Isabella.

Sa totoo lang naaawa na rin naman ang mga taong nasa paligid ni Isabella na nakakaalam ng totoo. Hindi biro ang pagtitiis nito. Hindi na nga rin nagawa ni Isabella na tumingin o tumanggap pa ng iba dahil si Aristotle talaga ang laman ng kanyang puso at isipan.

"Natatakot akong harapin ang galit niya sa ngayon. Baka hindi niya magawang unawain ang dahilan ko. Sa ngayon si Akina na muna ang uunahin ko. Malapit na rin ang pasukan at kailangan ko munang asikasuhin lahat ng needs ng anak ko." aniya nito sa babae at tumayo na upang sumunod sa kwarto nh anak.

Napasunod na lamang ng tingin ang yaya ni Akina sa ina nito at napailing na lamang.

"Mommy, when we will buy my school needs? I'm so excited na po." Akina ask her mom while playing her stuff toy.

"Later baby, take a nap first okay? I'll be in my room for a while." walang emosyong sagot niya sa anak.

Ang kanyang isipan ay sinasakop ng ama nito kaya wala siyang gana munang makipagkulitan sa anak.

Nagpaalam na ito sa anak at humalik muna bago tumayo.

"I love you very much baby!" pagkatapos ay inayos niya ang pagkakahiga nito sa kama bago lumakad papalabas ng room.

Bago tuluyang isara ni Isabella ang pinto muli niyang sinulyapan ang anak na patulog na...

"Sana baby kapag dumating na ang oras na makaharap mo ang iyong ama, matanggap ka niya ng buong-buo." bulong nito sa kanyang sarili habang `di niya namalayang may pumatak na luha sa kanyang pisngi.

Mabigat ang loob ni Isabella na pumasok sa kanyang kwarto. Ipininid niya ang pinto at tuluyan ng lumakad papalapit sa kanyang higaan.

"Aris..." sunud-sunod na ang patak ng kanyang mga luha na dumaloy sa kanyang mga pisngi. Pumikit ito ng mariin at nag-umpisa nang yumugyog ang kanyang balikat at tumangis ng tumangis.

Isang marahang katok ang kanina pa maririnig sa labas ng pintuan na hindi alintana ni Isabella, pumasok na sa loob ang taong nasa labas na si Mamita Isadora, ang ina ni Isabella.

Tahimik itong lumapit sa anak at tumabi ang ginang sa pag-upo.

"Anak, Isabella." tawag nito sa kanyang anak na tila na nahihirapan ang kalooban nito na makitang lihim na nasasaktan ang butihing anak.

"Mommy! He hated me so much! I can't bare this pain anymore." at sumubsob siya sa dibdib ng ina at yumakap ng mahigpit.

"Why don't you go to his place and tell him the whole truth? If he did'nt accept your explanation then it's fine at least you burst what's inside your heart. It's not easy at first but i know soonest he will, if he truly loves you!" payo nito sa kanyang anal na ngayon ay halos tumahan na sa pag-iyak.

"How about my daughter what if he did'nt accept Akina and betray her? Mas hindi ko kakayanin iyon Mommy! I know how much Akina wanted to meet his dad." naguguluhang tanong nito sa kanyang ina at muli ay umiyak ito.

"Huwag mo munang isabay si Akina sa pakikipag-usap mo kay Aristotle. May tamang oras para sa kanilang dalawa ni Akina." sabay hawak sa mga kamay ng anak at hinihimas ito upang kumalma ang anak sa pag-iyak.

"Hindi habang panahon makakaiwas ka sa kanya anak at hindi mo rin maitatago ng matagal ang tungkol sa anak ninyo. Kaya ihanda mo na ang iyong sarili sa muli ninyong pagkikita, iyan ay kung gusto ninyong mabuo kayo pero kung hindi naman anak at wala ng pag-asa ipasa diyos mo na lamang ang buhay ninyong mag-iina and go on with your life." payo nito sa anak bago magpaalam.

"Maiiwan na muna kita, pag-isipan mo ang mga sinabi ko saiyo anak." ani nito sa babae atsaka tumayo at tuluyan ng lumabas ng pintuan.

Huminto na sa pag-iyak si Isabella...

Pagkalipas ng isang oras, kinuha niya ang cellphone at nag-dial ng number.

"Hello, Isabella here. We need to talk Anton, can you please come over here in my house? Thank you so much. Bye..." paalam niya sa doctor at matalik na kaibigan ni Aristotle.

"Buo na ang decision ko, papatulong ako kay Anton upang malaman kung saan ko pwedeng puntahan at kausapin ang ama ng aking anak. Sana hindi ako mabigo, alang-alang na rin sa anak kong si Akina." kaya tumayo na siya at lumabas ng kwarto upang hintayin ang pagdating ni Anton.

Next chapter