webnovel

Kabanata 3

PARANG basahan siyang pumasok nang umagang iyon. Hindi na niya kasi nagawang plantsahin man lang ang uniporme dahil malamang malaking minuto ang makokonsumo niya. Wala rin siyang almusal at halos maduwal-duwal pa dala ng tama ng alak na akala niyang iligo lang ay mawawala na.

Pinagtinginan tuloy siya ng mga kaklase pero wala roon ang atensiyon kundi sa lalaking bago sa paningin niya. Nakaupo ito sa puwestong paborito niya at may headphone sa tainga. 

"Siya si Wang Ai, bago nating kaklaseng napapabalitang bading."

Maang siyang napasulyap sa katabing si Janine. Maganda ito kahit nakasuot ng salamin sa mata kaso tsismosa kaya na-turn off siya.

"Wala na ba ang Toneria? Hindi mo yata kasabay ang nobya mo kanina!" kalabit sa kanya ng nasa likuran namang si Kimchi. Babae rin ito pero walang panama sa dalawang chic sa buhay niya.

Mapakla siyang natawa sa naiisip bago sumagot dito, "Hayaan na lang ninyo iyong tao. Ginusto niyang makipaghiwalay. Ibig lang sabihin ay malaya na akong gigimik."

"Sama ako! Nakakaboring dito. Puro na lang computation. Kaunti na lang dudugo na ang utak ko," nagpaawang sabi ni Janine. 

Hindi pa man siya pumapayag sa isa, nagsilapit na agad ang iba pang kaklaseng babae.

"Kami rin!"

Hanggang kantina ay sinundan siya ng mga ito kaya pumayag na lang siya sa bandang huli.

Pagkatapos ng tanghalian ay naisipang tumuloy sa classroom. Anong gulat niya pa nang makitang okupado pa rin ni Wang Ai ang bintanang madalas niyang tambayan. Kung pagmamasdan ito ay mula sa suot na panlalaking relo hanggang suot na sapatos ay talagang ayaw niyang maniwalang bakla nga ito. 

"Ikaw si Whartoner, di ba?"

"Oo, ako nga," aniyang sunud-sunod ang pagtango.

"Ako naman si Liu Wang Ai at gusto kong laging may tinatanaw," pagpapakilala nito at pagkuwa'y nilingon siya.

"Ito kasi ang kadalasang gawain ng bidang karakter lalo na kapag may iniisip," saka ito dumukwang papalapit sa kanya, suot ang ngising siya ang madalas na gumagawa.

Napalunok siya ng laway sa pagkakalapit ng mukha nila pero hindi niya ito nagawang itulak. Ang halimuyak kasi ng pabango nito ay parang kagaya ng kung paano niya kinabaliwan si Valeria. Sobrang bango.

"Ano kayang puwede kong gawin para pasayahin ang isang tao? May isa-suggest ka ba? Sa tingin ko kasi isang salita mo lang tilian na ang lahat, e!" sabi pang dumistansiya na at bumalik ng upo sa may bintana.

"P-pare, ang totoo niyan, diyan ang tambayan ko," malayong sagot niya dahil hindi normal ang naging pagtibok ng puso niya.

"Alam ko pero mula ngayon, ako na rito," iyon lang at naglagay na ito ng headphone sa tainga at kumanta-kanta.

Ngingiti sana siya nang makitang hindi naman nakakabit sa selpon nito ang dulo ng headphone pero mas pinili na lang niyang sumimangot. Mukhang hindi lang kasi siya ang mahilig tumambay sa may bintana.

Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi na niya gustuhin pang umupo riyan!

"Kinakatay mo na ba ako niyan sa isipan mo?"

Hindi niya ito inimikan kahit na deep inside ay tawang-tawa siya dahil nabasa nito ang totoong iniisip niya.

"Hilingin mo munang magkasakit ako para lumiban ako sa klase at doon may chance ka nang umupo rito," parang batang baling nito sa kanya.

Nagpalatak siya. "Hindi pa naman ako nasisiraan ng ulo para sabihin ang ganoong kawalang kuwentang hiling."

"Okay, okay. Ganito na lang, puwede ba kitang makasabay umuwi mamaya?"

"Bakit ako? Wala ka bang ibang kaibigan?" nagtatakang tanong niya.

"Nagsalita ang may kaibigan. E, ikaw nga riyan, marami ngang umaaligid pero sa huli sa totoong barkada pa rin sila sasama. Ni nobya ngang kagaya ni Valeria ay iniwan ka rin..."

Hindi na niya hinayaan ang susunod nitong sasabihin dahil mabilis pa sa pitik ng orasan na kinuwelyuhan niya ito.

"Teka, teka! Easy ka lang. Ano bang maling nasabi ko?"

"Huwag na huwag mong mabanggit ng basta-basta ang pangalan niya dahil wala kang alam!" paasik niya itong binitiwan saka tumakbo paalis doon.

"Napakabilis pala niyang magalit. Paano ba 'to? Gusto ko lang naman siyang maging kaibigan," problemadong pagkausap ni Wang Ai sa sarili.

NAGPAHID ng luhang tinungo ni Whartoner ang daan paakyat sa rooftop. Alam niyang kahit hindi niya aminin sa sarili ang dahilan ng pagpatak niyon ay iisang tao lang naman ang dahilan at hawak-hawak nga niya ang larawan nitong 1x1 na hinugot niya mula sa pitakang bili rin nito sa kanya. Ganoon siya nito in-spoil.

Kung hindi ka lang sana nagtaksil malamang ayos pa tayo. Nami-miss kita at gusto kong magmura ngayon dahil hindi ko alam ang paraang gagawin para suyuin kang bumalik sa akin. Tapos na kasi sa atin ang lahat pero heto ako ayaw tanggapin ang katotohanang iyon.

"Whartoner? Nagawi ka rito."

Napaangat siya ng tingin sa pinagmulan niyon. Si Hiroshi Madrigal ang nakita niya sa mas mataas pang bahagi roon na may hagdanan. Naghihithit ito ng yosi. 

"Kailan mo sasagutin ang tawag ko? Wala ka na yatang ganang makipaglaro sa akin sa kama. Sayang naman ang numerong binigay ko sa 'yo."

Napakapkap naman siya sa bulsa ng pantalon at sa kasamaang-palad wala siyang nahagilap na selpon.

"Naiwan ko yata sa bahay."

"Ouch! Hindi ako ganoon kahalaga sa 'yo. Si Valeria pa rin ano?"

Sumikip ang dibdib niya nang mapagtantong ang dating nobya niya ang tinutukoy nito pero nakaisip siya agad ng isasagot.

"Importante ka, siyempre. Saan mo ba gusto, mamaya?"

Bumaba na ito roon at mabilis pumulupot sa kanya. Nang hulihin nito ang labi niya at tinugon niya sa agresibong paraan. Walang makakakita sa kanila kung saan man sila dalhin ng kapusukang iyon. Pero dahil kontrabida ang tadhana hindi iyon natuloy nang may tumikhim. Ang nakapamulsang si Wang Ai ang nahagip ng mata nila.

"Anong ginagawa mo rito?" tila nanghahamon ng away na tanong ni Whartoner. Isang normal na reaksiyon ng taong kagaya niyang naisturbo na, nabitin pa.

"Bakit bawal na ba ako rito? Una sa lahat ito ang una kong tambayan noon. O baka naman nagagalit ka dahil hindi natuloy. Sa motel ninyo kasi gawin. Hindi naman siguro kabawasan sa allowance ninyo ang tatlong oras na ligaya. Doon ay siguradong kayo lang," tuluy-tuloy nitong sabi kaya asar siyang umalis na lang doon.

"Buwisit!" pahabol niya pero ginantihan lang ito ni Wang Ai.

"Ka rin!"

Inirapan tuloy ito ni Hiroshi saka padabog na sumunod kay Whartoner.

"Sus! Huwag na kayong bumalik," mahina nang sabi ni Wang Ai saka dumipa at huminga nang malalim. Solong-solo na nito kasi ang sandaling iyon.

Next chapter