webnovel

Isang Pilipino sa ibang Mundo

Ako si Kokoy.

Di ko alam pero nang dumilat ako, Sobrang dilim!

Ang naaalala ko, nagwalwal lang kami nila Burnok. T*ngina mukang napasobra ata ko sa inom at natuluyan na.

Nang makapag-adjust na ang mata ko sa dilim, napagtanto ko na nasa loob ako ng kweba.

naglakad lakad ako. sa di kalayuan, may natanaw akong maliliit na parang mga pandak na tiyanak. May hawak itong mga espada habang hinahabol ang dalawang tao na nakasuot ng bistida.

"Tulooooooooong~!" "Tulungan nyo kami!!", pasigaw na sabi nya habang tumatakbo.

"Persopona!, madali ka! umalis ka na dito! ako na ang bahalang harangan sila para mabigyan ka ng oras!" sigaw ng isang matipunong lalaki.

Pagkasabing-pagkasabi nya non, nasaksak agad sya sa puso. walang silbe ampota.

Hayp yan, di ko maintindihan ang nangyayari pero mukang seryoso to pre.

"Tulong~! Tulungan ko.. Pakiusap.."

T*ngina pre, tutulungan ko ba sya? yung isa nga na malaki katawan nasaksak e.

Napapalibutan na sya. Pinupunit na ang damit nya at hawak-hawak na sya ng mga to. Dumating naman ang isa pang malaking bakulaw. ampangit nya pre. tila pitbul na galit.

"KYAAAA~!!! W-wag! P-pakawalan nyo ko! KYAAAAAAAAAAAAAAAAAA~!

Mukang alam ko na gagawin ng mga to pre. Mukang gagahasain nila yung babae. Inilalabas na ng pitbul yung alaga nya e. Bahala na nga pota.

"HOY! MGA PANGET NA PINAGLIHI SA PITBUL! HUMANAP KAYO NG KATAPAT NYO! (pero di ako pls)

napatingin sila lahat saken pre. tila lalong nagalit ata. muka na syang betlog na tigang pre.

"GRAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!"

Sumugod silang lahat!

"TANGINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!"

Habang tumatakbo ako palayo, nakakita ako ng isang pasilyo. Sumuot ako don para magtago. Pasalamat ako at medyo tanga sila. Nakalusot ako.

Habang papunta ako sa babae, di ko namalayan ang paparating na atake.

"Sa likod mo!" tumalon ako para makaiwas sa atake ng bakulaw.

"Punyeta ka! sasalisihan mo pa ko ah"

"GRAAAAAAAAA!!!!"

Sa tabi ko, nandon ang sandata ng lalaki kanina. oo yung walang silbe.

"Ngayon tayo magtuos!"

Napakalakas ng atake nya, Pero masyado syang mabagal. Ginamit ko ang aking napakatalinong pagiisip pre. Inabangan ko ang atake nya.

"GRAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!" umilag ako pre.

"Ngayon na!" Hinampas ko ng pagkalakas ang braso nya.

Tangina pre. Naka-Vanguard ata tong hayop na to e. Tank Build ampota.

Pano kaya to? Nandito na rin ang mga ulupong nya. Mahihirapan ata ako nito. Virgin pa ko tas mamamatay na ko ulet?!. Pwede ba yon? Medyo lugi ata ah. Di pa ko nakakaisa pre!

"Tutulungan kita ginoo! -- Kapangyarihan ng Araw, Taglay ang Liwanag--"

"Teka! sa Super Twins ba yan? Baka ma-copyright tayo pre"

"Gabayan ang Manlalakbay! Gladius ignis!"

Holy Shit pre! nagliliyab ang espada ko!

"Gamitin mo yan para mapuksa ang mga halimaw na yan!"

Sumugod na ang mga ulupong. Pero sa isang wasiwas ko lang ng espada ko, Nasunog na silang lahat.

"GOTCHAAAA B****TCHEEESSSSS!"

"GRRRRRR.."

"Heh! Ikaw na lang ang natira Buldog! Tapusin na natin to!"

"GRAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!"

"HYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!"

at tapos na pre. napatay ko din sila.

"Maraming salamat, Magiting na manlalakbay!"

Ngayon ko lang napagtanto. Maganda tong babaeng to.

"kung sana.. kung sana dumating ka ng mas maaga.." at nag-umpisa na syang umiyak.

pasensya na ate. pero bat parang kasalanan ko.

"Ako nga pala si Persopona, Pasensya ka na sa pag-iyak ko"

"Okay lang. Ako nga pala si Kokoy"

"Kokoy? Kakaiba ang iyong pangalang at kasuotan ginoo"

"Hehe Ganun ba. parang kapangalan mo nga yung lola ko e"

"ha?"

"ah. wala. ano nga pala ang nangyari sa inyo dito?"

Lumabas kami ng kweba at tumambad ang karumaldumal na pangyayare. Sirang mga karwahe at mga patay na tao. Tanging sya lang ang natira sa kanila.

"Patungo kami sa siyudad ng Poltar para magbenta ng aming mga paninda, pero nang nasa kalagitnaan na kami ng gubat, inatake kami ng mga halimaw na to.."

"Ganun ba, Mabuti pa, samahan na lang kita hanggang sa siyudad na yon"

"Maraming salamat sayo, ginoo"

at yun na nga ang umpisa ng bwakanangshit na kwento na to. at least baka ma-fall saken tong babaeng to. hehe. edi happy ending diba.